聖經新譯本

Tagalog 1905

Ezekiel

17

1二鷹與葡萄樹的比喻耶和華的話臨到我說:
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2“人子啊!你要向以色列家出謎語,設比喻,
2Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel;
3說:‘主耶和華這樣說:有一隻大鷹,翅膀大,翎毛長,羽毛豐富,彩色繽紛,來到黎巴嫩,把香柏樹的樹梢取去;
3At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:
4牠啄斷樹頂的嫩枝,把它帶到貿易之地,栽種在商人的城裡。
4Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon, at dinala sa isang lupain na kalakalan; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal.
5牠又把以色列地的種子取去,栽種在肥沃的地土、水流的旁邊,好像栽種柳樹一樣;
5Kumuha rin siya sa binhi ng lupain, at itinanim sa isang mainam na lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce.
6它生長起來,成了一棵矮小而蔓延的葡萄樹;樹上的枝子向著那鷹,樹根在牠以下。這樣,它就成了一棵葡萄樹,生出枝子,長出嫩芽。
6At tumubo, at naging mayabong, na puno ng baging na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyao'y nasa ilalim niya; sa gayo'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagsupling.
7“‘另有一隻大鷹,翅膀大,羽毛多;這葡萄樹從它栽種的苗床上,把樹根向這鷹彎過去,又向這鷹長出枝子,好得牠的澆灌。
7May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo: at, narito, ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon, sa dako niya, at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan, upang kaniyang madilig.
8其實,這樹早已栽種在肥沃的地土、水流的旁邊,可以長枝子、結果子,成為佳美的葡萄樹。’
8Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging.
9你要說:‘主耶和華這樣說:這葡萄樹怎能茂盛呢?鷹不是要拔出它的根來,啄光它的果子,使它和它長出的一切嫩葉都枯乾嗎?其實,要把它連根拔起,並不需要很多人或很大的氣力。
9Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Giginhawa baga yaon? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon, at kikitlin ang bunga niyaon, upang matuyo; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito'y mabubunot sa mga ugat.
10看哪!葡萄樹被栽種了,但它能發旺嗎?東風吹襲它的時候,它不是必然枯乾嗎?它必在生長的苗床上枯乾。’”
10Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya.
11解釋比喻的意義耶和華的話臨到我說:
11Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:
12“你要對那叛逆的民族說:‘你們不知道這些事是甚麼意思嗎?’你要告訴他們:‘看哪!巴比倫王曾到耶路撒冷來,把其中的王和眾領袖擄去,帶他們到巴比倫那裡去。
12Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.
13他從以色列王室後裔中選出一人,與他立約,叫他起誓,並且把國中那些有勢力的人擄去,
13At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala ang mga dakila sa lupain;
14使國衰微,不能再興盛,唯有謹守條約他才可以繼續存在。
14Upang ang kaharian ay mababa, upang huwag makataas, kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo.
15可是這人背叛了巴比倫王,差遣使者到埃及去,要得戰馬和大軍。他能亨通嗎?行這樣事的人,怎能逃脫呢?他破壞條約,怎能逃脫呢?
15Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan?
16我指著我的永生起誓:他藐視了自己所起的誓,背棄了與王所立的約,因此他必死在巴比倫,就是巴比倫王立他作王的地方。這是耶和華的宣告。
16Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya.
17敵人建造圍城的高牆,築起攻城土壘要剪除多人的時候,法老率領大軍和大隊人馬,還是不能幫助他作戰。
17Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao.
18他藐視誓言,背棄條約;他已宣誓效忠,卻又行了這一切事,所以他必不能逃脫。
18Sapagka't kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan; at narito, naiabot na niya ang kaniyang kamay, at gayon ma'y ginawa ang lahat na bagay na ito; siya'y hindi makatatanan.
19因此主耶和華這樣說:我指著我的永生起誓:他既然藐視我的誓言,背棄我的約,我必使這罪歸到他的頭上。
19Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buhay ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo.
20我要把我的網撒在他身上,他必在我的網羅中被捕獲;我要把他帶到巴比倫去,並且要在那裡因他對我不忠的罪審判他。
20At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin.
21他軍中所有的精兵,都必倒在刀下;剩下的也必分散到四方;你們就知道說這話的是我耶和華。
21At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.
22移植香柏樹的比喻“‘主耶和華這樣說:我要從高大香柏樹的樹梢上取去一根樹枝,把它栽上;我要從樹頂的嫩枝中折下一根枝子,把它栽種在高聳的山上;
22Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling, at aking itatanim sa isang mataas na bundok at matayog:
23我要把它栽種在以色列的高山上,它要長出枝子,結出果子,成為佳美的香柏樹;各種各類的飛鳥都必在樹下棲宿,就是棲宿在枝子的蔭下。
23Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y tatahan ang lahat na ibon na ma'y iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila.
24田野所有的樹木都必知道我耶和華使高大的樹矮小,矮小的樹高大;使青綠的樹枯乾,枯乾的樹茂盛。我耶和華怎樣說了,就必怎樣行。’”
24At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy, nagtaas sa mababang punong kahoy, tumuyo sa sariwang punong kahoy, at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy: akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon.