1耶利米宣告 神的約耶和華有話臨到耶利米,說:
1Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2“你要告訴猶大人和耶路撒冷的居民:‘你們要聽從這約的話。’
2Inyong pakinggan ang mga salita ng tipang ito, at inyong salitain sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem,
3你要對他們說:‘耶和華以色列的 神這樣說:不聽從這約的話的,必受咒詛。
3At iyong sabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Sumpain ang taong hindi nakikinig ng mga salita ng tipang ito,
4這約就是我把你們的列祖從埃及地、從鐵爐那裡領出來的那天所吩咐他們的,說:你們要聽從我的話,照著我吩咐你們的一切話去行;這樣,你們就作我的子民,我也作你們的 神。
4Na aking iniutos sa iyong mga magulang, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa hurnong bakal, na nagsasabi, inyong talimahin ang aking tinig, at inyong isagawa, ayon sa lahat na iniuutos ko sa inyo: sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Dios;
5我好履行向你們列祖所起的誓,就是把流奶與蜜之地賜給他們,好像今天一樣。’”於是我回答說:“耶和華啊!阿們。”
5Upang aking maitatag ang sumpa na aking isinumpa sa inyong mga magulang, upang ibigay ko sa kanila ang isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito. Nang magkagayo'y sumagot ako, at sinabi ko, Siya nawa, Oh Panginoon.
6責猶大背約,必受懲罰耶和華又對我說:“你要在猶大各城中和耶路撒冷的街道上,宣告這一切話,說:‘你們要聽從、遵行這約的話。
6At sinabi ng Panginoon sa akin, Inyong itanyag ang lahat ng mga salitang ito sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na inyong sabihin, Inyong dinggin ang mga salita ng tipang ito, at inyong isagawa.
7因為自從我領你們的列祖出埃及地那一天,我已鄭重警告他們,直到今日,我仍不斷警告他們,說:“你們要聽從我的話。”
7Sapagka't aking pinatunayang mainam sa inyong mga magulang nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, na ako'y bumabangong maaga at pinatutunayan ko, na aking sinasabi, Inyong talimahin ang aking tinig.
8他們卻不聽從,毫不留心,各人隨從自己頑梗的惡心行事。所以,我使這約中一切咒詛的話臨到他們身上。我曾吩咐他們遵行這約,他們卻不遵行。’”
8Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa.
9耶和華又對我說:“在猶大人和耶路撒冷的居民中間,有背叛的陰謀。
9At sinabi ng Panginoon sa akin, Isang pagbabanta ay nasumpungan sa gitna ng mga lalake ng Juda, at sa gitna ng mga nananahan sa Jerusalem.
10他們回到他們祖先所犯的罪孽中。他們的祖先不肯聽從我的話,卻隨從事奉別的神。以色列家和猶大家都違犯了我和他們列祖所立的約。”
10Sila'y nanganumbalik sa mga kasamaan ng kanilang mga kanunuan, na nagsitangging duminig ng aking mga salita; at sila'y nagsisunod sa ibang mga dios upang paglingkuran: sinira ng sangbahayan ni Israel at ng sangbahayan ni Juda ang aking tipan na aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang.
11因此耶和華這樣說:“看哪!我必使災禍臨到他們身上,是他們不能逃脫的;他們雖然向我哀求,我必不聽他們。
11Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa kanila, na hindi nila matatakasan; at sila'y magsisidaing sa akin, nguni't hindi ko sila didinggin.
12那時,猶大各城的人和耶路撒冷的居民,都必去哀求他們燒香供奉的神,只是在他們遭難的時候,這些神卻完全不能拯救他們。
12Kung magkagayo'y magsisiyaon at magsisidaing ang mga bayan ng Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem sa mga dios na kanilang pinaghandugan ng kamangyan: nguni't hindi sila ililigtas nila sa anoman sa panahon ng kanilang kabagabagan.
13猶大啊!你的城有多少,你的神也有多少;耶路撒冷的街道有多少,你為那可恥的巴力所設立燒香的祭壇也有多少。
13Sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.
14“至於你,不要為這人民祈禱,不要為他們呼求禱告,因為他們遭難向我呼求的時候,我必不聽他們。
14Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, o palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man; sapagka't hindi ko didinggin sila sa panahon na sila'y magsisidaing sa akin dahil sa kanilang kabagabagan.
15“我所愛的既然行了罪大惡極的事,還有甚麼資格在我的殿裡呢?難道祭肉可以消除你的災禍,使你得著歡樂嗎?”
15Anong magagawa ng aking sinta sa aking buhay, yamang siya'y gumawa ng kahalayan sa marami, at ang banal na lamang handog ay humiwalay sa iyo? pagka ikaw ay gumagawa ng kasamaan, ikaw nga'y nagagalak.
16耶和華曾稱你的名字為壯麗、多結美果的青橄欖樹;現在他必藉風暴雷轟,把它燃點起來,它的枝子也都折斷。
16Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan, Sariwang puno ng olivo, maganda na may mainam na bunga: sa pamamagitan ng ingay ng malaking kagulo ay kaniyang sinilaban ng apoy, at ang mga sanga niyaon ay nangabali.
17那栽種你的萬軍之耶和華,已經宣布降災攻擊你,是因以色列家和猶大家自己所行的惡;他們向巴力燒香,惹我發怒。
17Sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.
18耶利米遭人謀害耶和華把他們的陰謀指示我,我就知道了;那時,你把他們所行的給我指明。
18At binigyan ako ng kaalaman ng Panginoon tungkol doon, at naalaman ko: nang magkagayo'y ipinakita mo sa akin ang kanilang mga gawa.
19至於我,我卻像一隻馴良的羊羔,被牽到屠宰之地;我並不知道他們設計謀害我。他們說:“我們來把這樹和果子(“果子”原文作“它的食物”)都毀滅吧,把它從活人之地剪除,使它的名不再被人記念。”
19Nguni't ako'y gaya ng maamong kordero na pinapatnubayan sa patayan; at hindi ko naalaman na sila'y nangakakatha na ng mga katha laban sa akin, na nangagsasabi, Ating sirain ang punong kahoy sangpu ng bunga niyaon, at ating ihiwalay siya sa lupain ng buhay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag ng maalaala.
20亞拿突人受懲罰但萬軍之耶和華啊!你是憑公義審判人,試驗人肺腑和心腸的。求你讓我看見你在他們身上施行的報復,因為我已經把我的案件向你陳明了。
20Nguni't, Oh Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid, na tumatarok ng puso at ng pagiisip, ipakita mo sa akin ang iyong kagantihan sa kanila; sapagka't sa iyo inihayag ko ang aking usap.
21因此耶和華指責那些亞拿突人,他們尋索你命,向你恐嚇說:“不要奉耶和華的名說預言,免得你死在我們手中。”
21Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, upang huwag kang mamatay sa aming kamay;
22萬軍之耶和華這樣說:“看哪!我要懲罰他們;他們的年輕人必死在刀下,他們的兒女必因饑荒而死。
22Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;
23他們中間必沒有餘剩的,因為在懲罰他們的年日,我必使災禍臨到他們身上。”
23At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila.