1關於摩押的預言論到摩押,萬軍之耶和華以色列的 神這樣說:“尼波有禍了!因為它變為荒涼;基列亭蒙受羞辱,被佔領了;這城堡(“這城堡”或譯:“米斯迦”)蒙受羞辱,被毀壞。
1Tungkol sa Moab. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sa aba ng Nebo! sapagka't nalagay na sira; Chiriathaim ay nalagay sa kahihiyan, nasakop; ang Misgab ay nalagay sa kahihiyan at nabagsak.
2摩押不再被人稱讚;敵人在希實本計謀害它,說:‘來吧!我們要把它剪除,使它不再成國!’瑪得緬哪!你也要靜默無聲;刀劍必追趕你。
2Ang kapurihan ng Moab ay nawala; sa Hesbon ay nagsisikatha sila ng kasamaan laban sa kaniya: Magsiparito kayo, at ihiwalay natin siya sa pagkabansa. Ikaw, naman, Oh Madmena, madadala sa katahimikan; hahabulin ka ng tabak.
3從何羅念傳出哀號的聲音,說:‘荒涼了,大大毀滅了!’
3Ang hugong ng hiyaw mula sa Horonaim, pananamsam at malaking kapahamakan!
4摩押毀滅了,它的孩童發出哀叫(“它的孩童發出哀叫”或參照《七十士譯本》譯作“哀叫之聲直達瑣珥”)。
4Ang Moab ay sira; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik.
5在上魯希的路上,摩押人隨走隨哭;從何羅念下來的途中,聽見他們因城被毀發出淒慘的哀號聲。”
5Sapagka't sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak; sapagka't kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak.
6你們要逃跑,趕快逃命吧!你們好像曠野的灌木。
6Magsitakas kayo, inyong iligtas ang inyong mga buhay, at kayo'y maging parang kugon sa ilang.
7你因為倚靠你的成就和財富,就必被攻取;基抹必被擄去,事奉它的祭司和領袖都必一同被擄去。
7Sapagka't yamang ikaw ay tumiwala sa iyong mga gawa at sa iyong mga kayamanan, ikaw man ay makukuha: at si Chemos ay papasok sa pagkabihag, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.
8行毀滅的必來攻擊一切城鎮,沒有一座城可以倖免;山谷必被蹂躪,平原必受破壞,正如耶和華所說的。
8At ang manglilipol ay darating sa bawa't bayan, at walang bayan na makatatanan; ang libis naman ay nawawala, at ang kapatagan ay masisira; gaya ng sinalita ng Panginoon.
9你們要在摩押上面撒鹽,因為它必成為廢墟(“你們要在摩押上面撒鹽,因為它必成為廢墟”或譯:“你們要把翅膀給摩押,因為它必飛去”);它的城鎮必成為荒涼,沒有人在裡面居住。
9Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab, upang siya'y makalipad makalabas: at ang kaniyang mga bayan ay masisira, na walang sinomang tatahan doon.
10不努力去作耶和華的工作的,該受咒詛;不使自己的刀劍見血的,應受咒詛。
10Sumpain nawa siya na gumagawa na walang bahala sa gawain ng Panginoon; at sumpain siya na naguurong ng kaniyang tabak sa dugo.
11摩押自年幼以來常享安逸,像不受攪擾的酒在缸裡澄清,從沒有倒進另一個缸裡去,它也從沒有被人擄去。因此它仍保留著原味,它的芬芳沒有改變失去。
11Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya'y nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya't ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago.
12“看哪!日子快到(這是耶和華的宣告),我必差派倒酒的人到它那裡去,把它倒出來,直至倒空,又把酒缸打碎。
12Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos, at siya'y ibubuhos nila; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan, at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa.
13摩押必因基抹羞愧,好像以色列家因他們可倚靠的伯特利的神像羞愧一樣。
13At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos, gaya ng sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa Beth-el na kanilang tiwala.
14你們怎麼說:‘我們是勇士,是善戰的武士’?
14Bakit ninyo sinasabi, Kami ay mga makapangyarihang lalake, at mga matapang na lalake na mangdidigma?
15摩押被毀滅;敵人上來攻擊它的城鎮;摩押最精銳的少年下去被屠殺。”這是君王的宣告,他的名是萬軍之耶和華。
15Ang Moab ay nalalagay na sira, at ang kaniyang mga bayan ay mga sinampa, at ang kaniyang mga piling binata ay nagsibaba sa patayan, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo.
16“摩押的災難已經臨近了,它的禍患迅速來到。
16Ang kasakunaan ng Moab ay malapit nang darating, at ang kaniyang pagdadalamhati ay nagmamadali.
17所有在它四圍的,所有認識它名的,你們都要為它哀悼,說:‘那有能力的權杖、華美的杖竟然折斷了!’
17Kayong lahat na nangasa palibot niya, panaghuyan ninyo siya, at ninyong lahat na nangakakakilala ng kaniyang pangalan; inyong sabihin, Bakit ang matibay na tukod ay nabali, ang magandang tungkod!
18住在底本的人民哪!要從你們榮耀的位上下來,坐在乾旱的地上(“乾旱的地上”原文作“乾渴”),因為毀滅摩押的要上來攻擊你們,摧毀你們的堅固城。
18Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Dibon, bumaba ka na mula sa inyong kaluwalhatian, at umupo kang uhaw; sapagka't ang manglilipol ng Moab ay sumampa laban sa iyo, kaniyang giniba ang iyong mga katibayan.
19亞羅珥的居民哪!要站在路旁觀望,詢問那些正在逃跑的男女,說:‘發生了甚麼事?’
19Oh nananahan sa Aroer, tumayo ka sa tabi ng daan, at manubok ka: itanong mo sa kaniya na tumatakas, at sa kaniya na tumatanan; iyong sabihin; Ano ang nangyari?
20摩押蒙受羞辱,因為它已被毀滅了。你們要哀號喊叫,要在亞嫩河宣告:‘摩押毀滅了。’
20Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan; sapagka't nagiba: kayo ay magsitangis at magsihiyaw; saysayin ninyo sa Arnon, na ang Moab ay nasira.
21審判臨到了平原之地,就是何倫、雅雜、米法押、
21At ang kahatulan ay dumating sa lupaing patag, sa Holon, at sa Jahzah, at sa Mephaath,
22底本、尼波、伯.低比拉太音、
22At sa Dibon, at sa Nebo, at sa Beth-diblathaim,
23基列亭、伯.迦末、伯.米恩、
23At sa Chiriathaim, at sa Beth-gamul, at sa Beth-meon;
24加略、波斯拉和摩押地遠近所有城市。
24At sa Cherioth, at sa Bosra, at sa lahat ng bayan ng lupain ng Moab, malayo o malapit.
25摩押的角被砍下,它的膀臂被折斷了。”這是耶和華的宣告。
25Ang sungay ng Moab ay nahiwalay, at ang kaniyang bisig ay nabali, sabi ng Panginoon.
26你們要使摩押沉醉,因為它向耶和華妄自尊大;摩押必跌在自己所吐之物上面,也必成為被人譏笑的對象。
26Languhin ninyo siya; sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon: at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka, at siya man ay magiging kakutyaan.
27摩押啊,以色列不是曾經成為你譏笑的對象嗎?它豈是被捕獲的強盜,以致你每逢提到它,總是搖頭嘲笑。
27Sapagka't hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo? hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw? sapagka't kung paanong kadalas sinasalita mo siya, gayon naguuga ka ng ulo.
28摩押的居民哪!你們要離棄城鎮,住在山巖裡,像鴿子在峽谷的邊上築巢。
28Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang.
29我們聽說摩押的驕傲,它非常驕傲;我們聽到它的狂妄、驕傲、傲慢和心裡的自高。
29Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang pagmamataas, at ang kaniyang pagpapalalo, at ang kaniyang kahambugan, at ang pagmamatigas ng kaniyang puso.
30“我洞悉它的狂傲(這是耶和華的宣告),它的狂傲毫無根據,它的誇耀不能成事。
30Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari; sabi ng Panginoon, ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari.
31因此我要為摩押哀號,為全摩押喊叫,為吉珥.哈列設人(“為吉珥.哈列設人”有古抄本作“他為吉珥.哈列設人”)唉哼。
31Kaya't aking tatangisan ang Moab; oo, ako'y hihiyaw dahil sa buong Moab: dahil sa mga tao ng Kir-heres ay magsisitangis sila.
32西比瑪的葡萄樹啊!我要你哀哭比人為雅謝哀哭更厲害。你的枝子伸展過海,延伸到雅謝(“雅謝”有古抄本作“雅謝海”);那行毀滅的要來摧毀你夏天的果子和你的葡萄。
32Tatangis ako ng higit kay sa pagtangis ng Jazer dahil sa iyo, Oh puno ng ubas ng Sibma: ang iyong mga sanga ay nagsisidaan ng dagat, nagsisiabot hanggang sa dagat ng Jazer: sa iyong mga bungang taginit at sa iyong ani ay dumaluhong ang manglilipol.
33摩押肥沃的土地上不再有歡喜和快樂;我使榨酒池不再流出酒;再沒有人歡呼踹酒;有人呼喊,卻不是踹酒的歡呼聲。
33At ang kasayahan at kagalakan ay naalis, sa mainam na bukid at sa lupain ng Moab; at aking pinatigil ang alak sa mga alilisan: walang yayapak na may hiyawan; ang paghihiyawan ay hindi magiging paghihiyawan.
34“希實本的哀叫傳到以利亞利,他們發出的聲音傳到雅雜,從瑣珥達到何羅谷和伊基拉.施利施亞;因為連寧林的河水也都乾涸了。
34Mula sa hiniyawan ng Hesbon hanggang sa Eleale, hanggang sa Jajaz ay naglakas sila ng kanilang tinig, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim, sa Eglat-selisiya: sapagka't ang tubig ng Nimrim man ay masisira.
35我要滅絕在摩押那些邱壇上獻祭和向他們的神燒香的。”這是耶和華的宣告。
35Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab, sabi ng Panginoon, ang naghahandog sa mataas na dako, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios.
36“因此,我的心為摩押嗚咽,好像人用笛吹輓歌;我的心為吉珥.哈列設人嗚咽,好像人用笛吹輓歌;因為他們所得的財寶都失掉了。
36Kaya't ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa Moab, at ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa mga lalake sa Kir-heres: kaya't ang kasaganaan na kaniyang tinangkilik ay napawi.
37他們各人的頭都剃光了,鬍鬚也剃掉了,他們割傷了自己的手,腰束麻布。
37Sapagka't bawa't ulo ay kalbo, at bawa't balbas ay ginupit: sa lahat ng mga kamay ay may mga kudlit, at sa mga baywang ay may kayong magaspang.
38摩押境內一切房頂上和廣場上,處處都有哀哭的聲音;因為我擊碎了摩押,好像打碎沒有人要的器皿。”這是耶和華的宣告。
38Sa lahat ng mga bubungan ng Moab at sa mga lansangan niyaon ay may panaghoy saa't saan man; sapagka't aking binasag ang Moab na parang sisidlan na di kinalulugdan, sabi ng Panginoon.
39摩押的毀滅多麼厲害,他們的哀號多麼悽慘!摩押怎樣蒙羞轉背!這樣摩押就成了它四圍眾人譏笑和驚駭的對象。”
39Ano't nabagsak! ano't tumatangis! ano't ang Moab ay tumalikod na may kahihiyan! gayon magiging kakutyaan at kapanglupaypayan ang Moab sa lahat na nangasa palibot niya.
40因為耶和華這樣說:“看哪!必有一人像大鷹疾飛,展開翅膀攻擊摩押。
40Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, siya'y lilipad na parang aguila, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab.
41城市被攻取,堅壘被佔領;在那日,摩押勇士的心必驚慌,像臨產婦人的心一樣。
41Ang Cherioth ay nasakop, at ang mga katibayan ay nasamsam, at ang puso ng mga makapangyarihang tao ng Moab sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.
42摩押必被摧毀,不再成為一個民族,因為它向耶和華妄自尊大。
42Ang Moab ay masisira sa pagiging bayan, sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon.
43摩押的居民哪!恐懼、陷阱、圈套都落在你們身上了。”這是耶和華的宣告。
43Pagkatakot, at hukay, at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon.
44“那逃避恐懼的,必跌進陷阱;那從陷阱中出來的,必被圈套困著。因為我必使摩押受懲罰的年日臨到它。”這是耶和華的宣告。
44Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon.
45“在希實本的隱蔽處,難民精疲力盡地站著;因為有火從希實本發出,有火燄從西宏的宮中冒出來,吞滅了摩押的前額,和吵鬧的人的頭頂。
45Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon; sapagka't ang apoy ay lumabas sa Hesbon, at ang alab mula sa gitna ng Sihon, at pinugnaw ang tagiliran ng Moab, at ang bao ng ulo ng mga manggugulo.
46摩押啊,你有禍了!基抹的人民滅亡了!因為你的眾子都被擄去了,你的眾女兒也都被擄去了。
46Sa aba mo, Oh Moab! ang bayan ni Chemos ay nawala; sapagka't ang iyong mga anak na lalake ay nadalang bihag, at ang iyong mga anak na babae ay nasok sa pagkabihag.
47但日後,我必使被擄的摩押人歸回。”這是耶和華的宣告。有關摩押的宣判到這裡為止。
47Gayon ma'y ibabalik ko uli ang Moab na mula sa pagkabihag sa mga huling araw, sabi ng Panginoon. Hanggang dito ang kahatulan sa Moab.