1斥责以色列拜偶像
1Ang Israel ay isang mayabong na baging, na nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.
2他们心怀诡诈,现在要承担这罪的惩罚。耶和华必拆毁他们的祭坛,毁坏他们的柱像。
2Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.
3那时他们必说:“我们没有君王,因为我们不敬畏耶和华。至于君王,他能为我们作什么呢?”
3Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?
4他们说很多话,起假誓,又立盟约;所以审判像毒草一般在田间的犁沟中生长起来。
4Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.
5撒玛利亚的居民必因伯.亚文的牛犊而惧怕;拜牛犊的人民必为它哀恸。拜牛犊的祭司必为它哀号,都因它的荣耀离开它而被掳去了。
5Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.
6人要把它带到亚述去,作贡物献给那里的大王。以法莲必受羞辱,以色列必因自己的计谋蒙羞。
6Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.
7至于撒玛利亚,她与她的君王必被剪除;好像浮在水面的枯枝一般。
7Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.
8伯.亚文的邱坛,就是以色列的罪恶,都要被拆毁;荆棘和蒺藜必在他们的祭坛上面长起来。那时人要对大山说:“遮盖我们!”对小山说:“倒在我们身上!”
8Ang mataas na dako naman ng Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9耶和华的审判以色列啊!从基比亚的日子以来,你就犯罪,他们仍然留在那里,难道攻击恶人的战祸不能在基比亚赶上他们吗?
9Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.
10我必来惩罚他们;他们被自己那双重的罪孽捆绑的时候,列国就集结起来攻击他们。
10Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11以法莲是一头驯服的母牛,喜爱踹谷;我却要把轭扣在它肥美的颈项上,我要使以法莲拖犁;犹大要耕田,雅各必耙地。
11At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
12你们要为自己撒种公义,就能收割慈爱的果子,你们要翻松荒地。现在是寻求耶和华的时候,直等到他来,降下公义的雨在你们身上。
12Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.
13你们耕种奸恶,收割不义,自吃谎言的果子;因为你倚靠自己的战车和众多的勇士。
13Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14所以必有哄嚷之声攻击你的众民,你的一切城堡都必被毁坏,正如沙勒幔在争战的日子毁坏伯.亚比勒一般,有母亲与儿女一同在那里被摔死。
14Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
15以色列家啊,因你们的罪大恶极,我必这样待你们。在风暴中,以色列的王必全然被除灭。
15Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.