1Forasmuch as many have taken in hand to set forth in order a declaration of those things which are most surely believed among us,
1Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2Even as they delivered them unto us, which from the beginning were eyewitnesses, and ministers of the word;
2Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro ng salita,
3It seemed good to me also, having had perfect understanding of all things from the very first, to write unto thee in order, most excellent Theophilus,
3Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos ng pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nang una, na isulat sa iyong sunodsunod, kagalanggalang na Teofilo;
4That thou mightest know the certainty of those things, wherein thou hast been instructed.
4Upang mapagkilala mo ang katunayan tungkol sa mga bagay na itinuro sa iyo.
5THERE was in the days of Herod, the king of Judaea, a certain priest named Zacharias, of the course of Abia: and his wife was of the daughters of Aaron, and her name was Elisabeth.
5Nagkaroon nang mga araw ni Herodes, hari sa Judea, ng isang saserdoteng ang ngala'y Zacarias, sa pulutong ni Abias: at ang naging asawa niya ay isa sa mga anak na babae ni Aaron, at ang kaniyang ngala'y Elisabet.
6And they were both righteous before God, walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.
6At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon.
7And they had no child, because that Elisabeth was barren, and they both were now well stricken in years.
7At wala silang anak, sapagka't baog si Elisabet, at sila'y kapuwa may pataw ng maraming taon.
8And it came to pass, that while he executed the priest's office before God in the order of his course,
8Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,
9According to the custom of the priest's office, his lot was to burn incense when he went into the temple of the Lord.
9Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng kamangyan.
10And the whole multitude of the people were praying without at the time of incense.
10At ang buong karamihan ng mga tao ay nagsisipanalangin sa labas sa oras ng kamangyan.
11And there appeared unto him an angel of the Lord standing on the right side of the altar of incense.
11At napakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon, na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.
12And when Zacharias saw him, he was troubled, and fear fell upon him.
12At nagulumihanan si Zacarias, pagkakita niya sa kaniya, at dinatnan siya ng takot.
13But the angel said unto him, Fear not, Zacharias: for thy prayer is heard; and thy wife Elisabeth shall bear thee a son, and thou shalt call his name John.
13Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
14And thou shalt have joy and gladness; and many shall rejoice at his birth.
14At magkakaroon ka ng ligaya at galak; at marami ang maliligaya sa pagkapanganak sa kaniya.
15For he shall be great in the sight of the Lord, and shall drink neither wine nor strong drink; and he shall be filled with the Holy Ghost, even from his mother's womb.
15Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.
16And many of the children of Israel shall he turn to the Lord their God.
16At marami sa mga anak ni Israel, ay papagbabaliking-loob niya sa Panginoon na kanilang Dios.
17And he shall go before him in the spirit and power of Elias, to turn the hearts of the fathers to the children, and the disobedient to the wisdom of the just; to make ready a people prepared for the Lord.
17At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.
18And Zacharias said unto the angel, Whereby shall I know this? for I am an old man, and my wife well stricken in years.
18At sinabi ni Zacarias sa anghel, Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon.
19And the angel answering said unto him, I am Gabriel, that stand in the presence of God; and am sent to speak unto thee, and to shew thee these glad tidings.
19At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.
20And, behold, thou shalt be dumb, and not able to speak, until the day that these things shall be performed, because thou believest not my words, which shall be fulfilled in their season.
20At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan.
21And the people waited for Zacharias, and marvelled that he tarried so long in the temple.
21At hinihintay ng bayan si Zacarias, at nanganggigilalas sila sa kaniyang pagluluwat sa loob ng templo.
22And when he came out, he could not speak unto them: and they perceived that he had seen a vision in the temple: for he beckoned unto them, and remained speechless.
22At nang lumabas siya, ay hindi siya makapagsalita sa kanila: at hininagap nila na siya'y nakakita ng isang pangitain sa templo: at siya'y nagpatuloy ng pakikipagusap sa kanila, sa pamamagitan ng mga hudyat, at nanatiling pipi.
23And it came to pass, that, as soon as the days of his ministration were accomplished, he departed to his own house.
23At nangyari, na nang maganap na ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya'y umuwi sa kaniyang bahay.
24And after those days his wife Elisabeth conceived, and hid herself five months, saying,
24At pagkatapos ng mga araw na ito ay naglihi ang kaniyang asawang si Elisabet; at siya'y lumigpit ng limang buwan, na nagsasabi,
25Thus hath the Lord dealt with me in the days wherein he looked on me, to take away my reproach among men.
25Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw nang ako'y tingnan niya, upang alisin ang aking pagkaduwahagi sa gitna ng mga tao.
26And in the sixth month the angel Gabriel was sent from God unto a city of Galilee, named Nazareth,
26Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret,
27To a virgin espoused to a man whose name was Joseph, of the house of David; and the virgin's name was Mary.
27Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.
28And the angel came in unto her, and said, Hail, thou that art highly favoured, the Lord is with thee: blessed art thou among women.
28At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo.
29And when she saw him, she was troubled at his saying, and cast in her mind what manner of salutation this should be.
29Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.
30And the angel said unto her, Fear not, Mary: for thou hast found favour with God.
30At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.
31And, behold, thou shalt conceive in thy womb, and bring forth a son, and shalt call his name JESUS.
31At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
32He shall be great, and shall be called the Son of the Highest: and the Lord God shall give unto him the throne of his father David:
32Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
33And he shall reign over the house of Jacob for ever; and of his kingdom there shall be no end.
33At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.
34Then said Mary unto the angel, How shall this be, seeing I know not a man?
34At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
35And the angel answered and said unto her, The Holy Ghost shall come upon thee, and the power of the Highest shall overshadow thee: therefore also that holy thing which shall be born of thee shall be called the Son of God.
35At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
36And, behold, thy cousin Elisabeth, she hath also conceived a son in her old age: and this is the sixth month with her, who was called barren.
36At narito, si Elisabet na iyong kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati'y tinatawag na baog.
37For with God nothing shall be impossible.
37Sapagka't walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.
38And Mary said, Behold the handmaid of the Lord; be it unto me according to thy word. And the angel departed from her.
38At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.
39And Mary arose in those days, and went into the hill country with haste, into a city of Juda;
39At nang mga araw na ito'y nagtindig si Maria, at nagmadaling napasa lupaing maburol, sa isang bayan ng Juda;
40And entered into the house of Zacharias, and saluted Elisabeth.
40At pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.
41And it came to pass, that, when Elisabeth heard the salutation of Mary, the babe leaped in her womb; and Elisabeth was filled with the Holy Ghost:
41At nangyari, pagkarinig ni Elisabet ng bati ni Maria, ay lumukso ang sanggol sa kaniyang tiyan; at napuspos si Elisabet ng Espiritu Santo;
42And she spake out with a loud voice, and said, Blessed art thou among women, and blessed is the fruit of thy womb.
42At sumigaw siya ng malakas na tinig, at sinabi, Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala ang bunga ng iyong tiyan.
43And whence is this to me, that the mother of my Lord should come to me?
43At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin?
44For, lo, as soon as the voice of thy salutation sounded in mine ears, the babe leaped in my womb for joy.
44Sapagka't ganito, pagdating sa aking mga pakinig ng tinig ng iyong bati, lumukso sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
45And blessed is she that believed: for there shall be a performance of those things which were told her from the Lord.
45At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.
46And Mary said, My soul doth magnify the Lord,
46At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,
47And my spirit hath rejoiced in God my Saviour.
47At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas.
48For he hath regarded the low estate of his handmaiden: for, behold, from henceforth all generations shall call me blessed.
48Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49For he that is mighty hath done to me great things; and holy is his name.
49Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan.
50And his mercy is on them that fear him from generation to generation.
50At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya.
51He hath shewed strength with his arm; he hath scattered the proud in the imagination of their hearts.
51Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52He hath put down the mighty from their seats, and exalted them of low degree.
52Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53He hath filled the hungry with good things; and the rich he hath sent empty away.
53Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54He hath holpen his servant Israel, in remembrance of his mercy;
54Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa
55As he spake to our fathers, to Abraham, and to his seed for ever.
55(Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
56And Mary abode with her about three months, and returned to her own house.
56At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.
57Now Elisabeth's full time came that she should be delivered; and she brought forth a son.
57Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.
58And her neighbours and her cousins heard how the Lord had shewed great mercy upon her; and they rejoiced with her.
58At nabalitaan ng kaniyang mga kapitbahay at mga kamaganak, na dinakila ng Panginoon ang kaniyang awa sa kaniya; at sila'y nangakigalak sa kaniya.
59And it came to pass, that on the eighth day they came to circumcise the child; and they called him Zacharias, after the name of his father.
59At nangyari, na nang ikawalong araw ay nagsiparoon sila upang tuliin ang sanggol; at siya'y tatawagin sana nila na Zacarias, ayon sa pangalan ng kaniyang ama.
60And his mother answered and said, Not so; but he shall be called John.
60At sumagot ang kaniyang ina at nagsabi, Hindi gayon; kundi ang itatawag sa kaniya'y Juan.
61And they said unto her, There is none of thy kindred that is called by this name.
61At sinabi nila sa kaniya, Wala sa iyong kamaganak na tinatawag sa pangalang ito.
62And they made signs to his father, how he would have him called.
62At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.
63And he asked for a writing table, and wrote, saying, His name is John. And they marvelled all.
63At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.
64And his mouth was opened immediately, and his tongue loosed, and he spake, and praised God.
64At pagdaka'y nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.
65And fear came on all that dwelt round about them: and all these sayings were noised abroad throughout all the hill country of Judaea.
65At sinidlan ng takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng lupaing maburol ng Judea.
66And all they that heard them laid them up in their hearts, saying, What manner of child shall this be! And the hand of the Lord was with him.
66At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.
67And his father Zacharias was filled with the Holy Ghost, and prophesied, saying,
67At si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
68Blessed be the Lord God of Israel; for he hath visited and redeemed his people,
68Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69And hath raised up an horn of salvation for us in the house of his servant David;
69At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70As he spake by the mouth of his holy prophets, which have been since the world began:
70(Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon),
71That we should be saved from our enemies, and from the hand of all that hate us;
71Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72To perform the mercy promised to our fathers, and to remember his holy covenant;
72Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, At alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73The oath which he sware to our father Abraham,
73Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74That he would grant unto us, that we being delivered out of the hand of our enemies might serve him without fear,
74Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75In holiness and righteousness before him, all the days of our life.
75Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76And thou, child, shalt be called the prophet of the Highest: for thou shalt go before the face of the Lord to prepare his ways;
76Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77To give knowledge of salvation unto his people by the remission of their sins,
77Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78Through the tender mercy of our God; whereby the dayspring from on high hath visited us,
78Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79To give light to them that sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the way of peace.
79Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.
80And the child grew, and waxed strong in spirit, and was in the deserts till the day of his shewing unto Israel.
80At lumaki ang sanggol, at lumakas sa espiritu, at nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.