1These are also proverbs of Solomon, which the men of Hezekiah king of Judah copied out.
1Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
2It is the glory of God to conceal a thing: but the honour of kings is to search out a matter.
2Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
3The heaven for height, and the earth for depth, and the heart of kings is unsearchable.
3Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
4Take away the dross from the silver, and there shall come forth a vessel for the finer.
4Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
5Take away the wicked from before the king, and his throne shall be established in righteousness.
5Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.
6Put not forth thyself in the presence of the king, and stand not in the place of great men:
6Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
7For better it is that it be said unto thee, Come up hither; than that thou shouldest be put lower in the presence of the prince whom thine eyes have seen.
7Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata.
8Go not forth hastily to strive, lest thou know not what to do in the end thereof, when thy neighbour hath put thee to shame.
8Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
9Debate thy cause with thy neighbour himself; and discover not a secret to another:
9Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
10Lest he that heareth it put thee to shame, and thine infamy turn not away.
10Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.
11A word fitly spoken is like apples of gold in pictures of silver.
11Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
12As an earring of gold, and an ornament of fine gold, so is a wise reprover upon an obedient ear.
12Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig.
13As the cold of snow in the time of harvest, so is a faithful messenger to them that send him: for he refresheth the soul of his masters.
13Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.
14Whoso boasteth himself of a false gift is like clouds and wind without rain.
14Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.
15By long forbearing is a prince persuaded, and a soft tongue breaketh the bone.
15Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.
16Hast thou found honey? eat so much as is sufficient for thee, lest thou be filled therewith, and vomit it.
16Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka.
17Withdraw thy foot from thy neighbour's house; lest he be weary of thee, and so hate thee.
17Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka.
18A man that beareth false witness against his neighbour is a maul, and a sword, and a sharp arrow.
18Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana.
19Confidence in an unfaithful man in time of trouble is like a broken tooth, and a foot out of joint.
19Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa.
20As he that taketh away a garment in cold weather, and as vinegar upon nitre, so is he that singeth songs to an heavy heart.
20Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso.
21If thine enemy be hungry, give him bread to eat; and if he be thirsty, give him water to drink:
21Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:
22For thou shalt heap coals of fire upon his head, and the LORD shall reward thee.
22Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon.
23The north wind driveth away rain: so doth an angry countenance a backbiting tongue.
23Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit.
24It is better to dwell in the corner of the housetop, than with a brawling woman and in a wide house.
24Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.
25As cold waters to a thirsty soul, so is good news from a far country.
25Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain.
26A righteous man falling down before the wicked is as a troubled fountain, and a corrupt spring.
26Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama.
27It is not good to eat much honey: so for men to search their own glory is not glory.
27Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.
28He that hath no rule over his own spirit is like a city that is broken down, and without walls.
28Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.