1And Bezaleel, and Aholiab, and every wise-hearted man, in whom Jehovah hath given wisdom and understanding to know to do every work of the service of the sanctuary, have done according to all that Jehovah commanded.
1At si Bezaleel at si Aholiab ay gagawa, at lahat ng matalino na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan at pagkakilala na maalaman kung paanong paggawa ng lahat ng gawa sa paglilingkod sa santuario, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon.
2And Moses calleth unto Bezaleel, and unto Aholiab, and unto every wise-hearted man in whose heart Jehovah hath given wisdom, every one whom his heart lifted up, to come near unto the work to do it.
2At tinawag ni Moises si Bezaleel at si Aholiab, at lahat ng marunong na pinagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa puso, lahat ng may pusong napukaw na pumaroon sa gawang gagawin:
3And they take from before Moses all the heave-offering which the sons of Israel have brought in for the work of the service of the sanctuary to do it; and still they have brought in unto him a willing-offering morning by morning.
3At kanilang tinanggap kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga anak ni Israel na magagamit sa gawang paglilingkod sa santuario, upang gawin. At dinalhan pa nila siya ng kusang handog tuwing umaga.
4And all the wise men, who are doing all the work of the sanctuary, come each from his work which they are doing,
4At nagsidating ang lahat ng mga taong matatalino, na gumagawa ng lahat na gawa, sa santuario, na bawa't isa'y mula sa kaniyang gawain na ginagawa;
5and speak unto Moses, saying, `The people are multiplying to bring in more than sufficient for the service of the work which Jehovah commanded to make.`
5At sila'y nagsalita kay Moises, na nagsasabi, Ang baya'y nagdadala ng higit kay sa kinakailangan sa gawang paglilingkod, na iniutos gawin ng Panginoon.
6And Moses commandeth, and they cause a voice to pass over through the camp, saying, `Let not man or woman make any more work for the heave-offering of the sanctuary;` and the people are restrained from bringing,
6At si Moises ay nagbigay utos at itinanyag nila sa buong kampamento na sinasabi, Huwag nang gumawa ang lalake o ang babae man ng anomang gawang handog sa santuario. Na ano pa't sinangsala na ang bayan sa pagdadala.
7and the work hath been sufficient for them, for all the work, to do it, and to leave.
7Sapagka't ang kagamitan na mayroon sila ay sapat na sa lahat ng gawa na gagawin, at higit pa.
8And all the wise-hearted ones among the doers of the work make the tabernacle; ten curtains of twined linen, and blue, and purple, and scarlet, [with] cherubs, work of a designer, he hath made them.
8At lahat ng matatalinong lalake sa gumagawa ng gawa, ay gumawa ng tabernakulo na may sangpung tabing, na linong pinili, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula na may mga querubin na niyari ng bihasang manggagawa.
9The length of the one curtain [is] eight and twenty by the cubit, and the breadth of the one curtain four by the cubit; one measure [is] to all the curtains.
9Ang haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaisang sukat.
10And he joineth the five curtains one unto another, and the [other] five curtains he hath joined one unto another;
10At pinapagsugpong na isa't isa ang limang tabing: at ang ibang limang tabing ay pinapagsugpong na isa't isa.
11and he maketh loops of blue on the edge of the one curtain, at the end, in the joining; so he hath made in the edge of the outmost curtain, in the joining of the second;
11At siya'y gumawa ng mga presilyang bughaw sa gilid ng tabing, sa gilid ng pagkakasugpong: gayon din ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
12fifty loops he hath made in the one curtain, and fifty loops hath he made in the end of the curtain which [is] in the joining of the second; the loops are taking hold one on another.
12Limangpung presilya ang ginawa niya sa isang tabing, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong: ang mga presilya ay nagkakatapat na isa't isa.
13And he maketh fifty hooks of gold, and joineth the curtains one unto another by the hooks, and the tabernacle is one.
13At siya'y gumawa ng limangpung kawit na ginto, at pinapagsugpong ang mga tabing na ang isa'y sa isa, sa pamamagitan ng mga kawit: sa gayo'y naging isa ang tabernakulo.
14And he maketh curtains of goats` [hair] for a tent over the tabernacle; eleven curtains he hath made them;
14At siya'y gumawa ng mga tabing na balahibo ng mga kambing na magagamit sa tolda na nasa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang ginawa niya.
15the length of the one curtain [is] thirty by the cubit, and the breadth of the one curtain [is] four cubits; one measure [is] to the eleven curtains;
15Ang haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at apat na siko ang luwang ng bawa't tabing; ang labing isang tabing ay magkakaisa ng sukat.
16and he joineth the five curtains apart, and the six curtains apart.
16At kaniyang pinapagsugpong ang limang tabing at ang anim na tabing ay bukod.
17And he maketh fifty loops on the outer edge of the curtain, in the joining; and fifty loops he hath made on the edge of the curtain which is joining the second;
17At siya'y gumawa ng limangpung presilya sa gilid ng unang tabing, sa dulo ng pagkakasugpong, at limangpung presilya ang ginawa niya sa gilid ng tabing na nasa dulo ng ikalawang pagkakasugpong.
18and he maketh fifty hooks of brass to join the tent — to be one;
18At siya'y gumawa ng limangpung kawit na tanso ng papagsugpungin ang tolda, upang maging isa.
19and he maketh a covering for the tent of rams` skins made red, and a covering of badgers` skins above.
19At siya'y gumawa ng isang pantakip sa tolda na balat ng mga tupa na tininang pula, at ng isang takip na balat ng poka sa ibabaw.
20And he maketh the boards for the tabernacle of shittim wood, standing up;
20At siya'y gumawa ng mga tabla para sa tabernakulo na kahoy na akasia, na pawang patayo.
21ten cubits [is] the length of the [one] board, and a cubit and a half the breadth of the [one] board;
21Sangpung siko ang haba ng isang tabla, at isang siko't kalahati ang luwang ng bawa't tabla.
22two handles [are] to the one board, joined one unto another; so he hath made for all the boards of the tabernacle.
22Bawa't tabla'y mayroong dalawang mitsa na nagkakasugpong na isa't isa: gayon ang ginawa niya sa lahat ng tabla ng tabernakulo.
23And he maketh the boards for the tabernacle; twenty boards for the south side southward;
23At kaniyang iginawa ng mga tabla ang tabernakulo; dalawangpung tabla sa tagilirang timugan na dakong timugan:
24and forty sockets of silver he hath made under the twenty boards, two sockets under the one board for its two handles, and two sockets under the other board for its two handles.
24At siya'y gumawa ng apat na pung tungtungang pilak sa ilalim ng dalawang pung tabla: dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa; at dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa.
25And for the second side of the tabernacle, for the north side, he hath made twenty boards,
25At sa ikalawang tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan, ay gumawa siya ng dalawang pung tabla.
26and their forty sockets of silver, two sockets under the one board, and two sockets under the other board;
26At ng kanilang apat na pung tungtungang pilak; dalawang tungtungan sa ilalim ng isang tabla, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla.
27and for the sides of the tabernacle, westward, hath he made six boards;
27At sa dakong hulihan ng tabernakulo, sa kalunuran ay gumawa siya ng anim na tabla.
28and two boards hath he made for the corners of the tabernacle, in the two sides;
28At dalawang tabla ang ginawa niya sa mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.
29and they have been twins below, and together they are twins at its head, at the one ring; so he hath done to both of them at the two corners;
29Na mga nasugpong sa tablang nauukol sa dakong ibaba at nauugnay na mainam hanggang sa itaas, sa isang argolya; gayon ginawa niya sa dalawang yaon sa dalawang sulok.
30and there have been eight boards; and their sockets of silver [are] sixteen sockets, two sockets under the one board.
30At mayroong walong tabla, at ang mga tungtungang pilak, ay labing anim na tungtungan; sa ilalim ng bawa't tabla ay dalawang tungtungan.
31And he maketh bars of shittim wood, five for the boards of the one side of the tabernacle,
31At siya'y gumawa ng mga barakilan na kahoy na akasia; lima sa mga tabla ng isang tagiliran ng tabernakulo,
32and five bars for the boards of the second side of the tabernacle, and five bars for the boards of the tabernacle, for the sides westward;
32At limang barakilan sa mga tabla ng kabilang tagiliran ng tabernakulo, at limang barakilan sa mga tabla ng tabernakulo sa dakong hulihan na dakong kalunuran.
33and he maketh the middle bar to enter into the midst of the boards from end to end;
33At kaniyang pinaraan ang gitnang barakilan sa gitna ng mga tabla, mula sa isang dulo hanggang sa kabila.
34and the boards he hath overlaid with gold, and their rings he hath made of gold, places for bars, and he overlayeth the bars with gold.
34At kaniyang binalot ang mga tabla ng ginto, at gininto niya ang kanilang mga argolya na mga daraanan ng mga barakilan, at binalot ang mga barakilan ng ginto.
35And he maketh the vail of blue, and purple, and scarlet, and twined linen, work of a designer he hath made it, [with] cherubs;
35At kaniyang ginawa ang lambong na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa.
36and he maketh for it four pillars of shittim [wood], and overlayeth them with gold; their pegs [are] of gold; and he casteth for them four sockets of silver.
36At kanilang iginawa ng apat na haliging akasia, at pinagbalot ng ginto: ang kanilang mga sima ay ginto rin: at kaniyang mga ipinagbubo ng apat na tungtungang pilak.
37And he maketh a covering for the opening of the tent, of blue, and purple, and scarlet, and twined linen, work of an embroiderer,
37At kaniyang iginawa ng tabing ang pintuan ng Tolda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili, na yari ng mangbuburda;
38also its five pillars, and their pegs; and he overlaid their tops and their fillets [with] gold, and their five sockets [are] brass.
38At iginawa niya ng limang haligi sangpu ng kanilang mga sima: at kaniyang binalot ang mga kapitel at ang kanilang mga pilete ng ginto; at ang kanilang limang tungtungan ay tanso.