1And Joseph cometh, and declareth to Pharaoh, and saith, `My father, and my brethren, and their flock, and their herd, and all they have, have come from the land of Canaan, and lo, they [are] in the land of Goshen.`
1Nang magkagayo'y pumasok si Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, narito, sila'y nasa lupain ng Gosen.
2And out of his brethren he hath taken five men, and setteth them before Pharaoh;
2At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, at mga iniharap niya kay Faraon.
3and Pharaoh saith unto his brethren, `What [are] your works?` and they say unto Pharaoh, `Thy servants [are] feeders of a flock, both we and our fathers;`
3At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang.
4and they say unto Pharaoh, `To sojourn in the land we have come, for there is no pasture for the flock which thy servants have, for grievous [is] the famine in the land of Canaan; and now, let thy servants, we pray thee, dwell in the land of Goshen.`
4At kanilang sinabi kay Faraon, Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen.
5And Pharaoh speaketh unto Joseph, saying, `Thy father and thy brethren have come unto thee:
5At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:
6the land of Egypt is before thee; in the best of the land cause thy father and thy brethren to dwell — they dwell in the land of Goshen, and if thou hast known, and there are among them men of ability, then thou hast set them heads over the cattle I have.`
6Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
7And Joseph bringeth in Jacob his father, and causeth him to stand before Pharaoh; and Jacob blesseth Pharaoh.
7At ipinasok ni Jose si Jacob na kaniyang ama, at itinayo niya sa harap ni Faraon, at binasbasan ni Jacob si Faraon.
8And Pharaoh saith unto Jacob, `How many [are] the days of the years of thy life?`
8At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?
9And Jacob saith unto Pharaoh, `The days of the years of my sojournings [are] an hundred and thirty years; few and evil have been the days of the years of my life, and they have not reached the days of the years of the life of my fathers, in the days of their sojournings.`
9At sinabi ni Jacob kay Faraon, Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.
10And Jacob blesseth Pharaoh, and goeth out from before Pharaoh.
10At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon.
11And Joseph settleth his father and his brethren, and giveth to them a possession in the land of Egypt, in the best of the land, in the land of Rameses, as Pharaoh commanded;
11At itinatag ni Jose ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at sila'y binigyan ng pag-aari sa lupain ng Egipto, sa pinakamabuti sa lupain, sa lupain ng Rameses, gaya ng iniutos ni Faraon.
12and Joseph nourisheth his father, and his brethren, and all the house of his father [with] bread, according to the mouth of the infants.
12At pinakain ni Jose ng tinapay ang kaniyang ama, at ang kaniyang mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, ayon sa kanikaniyang sangbahayan.
13And there is no bread in all the land, for the famine [is] very grievous, and the land of Egypt and the land of Canaan are feeble because of the famine;
13At walang tinapay sa buong lupain; sapagka't ang kagutom ay totoong malala, na ano pa't ang lupain ng Egipto, at ang lupain ng Canaan ay nanglulupaypay dahil sa kagutom.
14and Joseph gathereth all the silver that is found in the land of Egypt, and in the land of Canaan, for the corn that they are buying, and Joseph bringeth the silver into the house of Pharaoh.
14At tinipon ni Jose ang lahat ng salapi na nasumpungan sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, dahil sa trigong kanilang binibili: at ipinasok ni Jose ang salapi sa bahay ni Faraon.
15And the silver is consumed out of the land of Egypt, and out of the land of Canaan, and all the Egyptians come in unto Joseph, saying, `Give to us bread — why do we die before thee, though the money hath ceased?`
15At nang ang salapi ay maubos na lahat sa lupain ng Egipto, at sa lupain ng Canaan, ay naparoon kay Jose ang lahat ng mga Egipcio, at nagsabi; Bigyan mo kami ng tinapay: sapagka't bakit kami mamamatay sa iyong harap? dahil sa ang aming salapi ay naubos.
16and Joseph saith, `Give your cattle; and I give to you for your cattle, if the money hath ceased.`
16At sinabi ni Jose, Ibigay ninyo ang inyong mga hayop; at bibigyan ko kayo dahil sa inyong mga hayop; kung naubos na ang salapi.
17And they bring in their cattle unto Joseph, and Joseph giveth to them bread, for the horses, and for the cattle of the flock, and for the cattle of the herd, and for the asses; and he tendeth them with bread, for all their cattle, during that year.
17At kanilang dinala ang kanilang mga hayop kay Jose, at binigyan sila ni Jose ng tinapay na pinakapalit sa mga kabayo, at sa mga kawan, at sa mga bakahan, at sa mga asno; at kaniyang pinakain sila ng tinapay na pinakapalit sa kanilang lahat na hayop sa taong yaon.
18And that year is finished, and they come in unto him on the second year, and say to him, `We do not hide from my lord, that since the money hath been finished, and possession of the cattle [is] unto my lord, there hath not been left before my lord save our bodies, and our ground;
18At nang matapos ang taong yaon ay naparoon sila sa kaniya ng ikalawang taon, at kanilang sinabi sa kaniya: Hindi namin ililihim sa aming panginoon, na kung paanong ang aming salapi ay naubos, at ang mga kawan ng hayop ay sa aking panginoon; wala nang naiiwan sa paningin ng aking panginoon kundi ang aming katawan at ang aming mga lupa.
19why do we die before thine eyes, both we and our ground? buy us and our ground for bread, and we and our ground are servants to Pharaoh; and give seed, and we live, and die not, and the ground is not desolate.`
19Bakit nga kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupa? bilhin mo ng tinapay kami at ang aming lupa at kami at ang aming lupa ay paaalipin kay Faraon: at bigyan mo kami ng binhi, upang kami ay mabuhay, at huwag mamatay, at ang lupa ay huwag masira.
20And Joseph buyeth all the ground of Egypt for Pharaoh, for the Egyptians have sold each his field, for the famine hath been severe upon them, and the land becometh Pharaoh`s;
20Sa ganito'y binili ni Jose ang buong lupain ng Egipto para kay Faraon; sapagka't ipinagbili ng bawa't isa sa mga Egipcio ang kaniyang bukid, dahil sa ang kagutom ay totoong mahigpit sa kanila: at ang lupain ay naging kay Faraon.
21as to the people he hath removed them to cities from the [one] end of the border of Egypt even unto its [other] end.
21At tungkol sa mga tao ay kanilang ibinago sila sa mga bayan mula sa isang dulo ng hanganan ng Egipto hanggang sa kabilang dulo,
22Only the ground of the priests he hath not bought, for the priests have a portion from Pharaoh, and they have eaten their portion which Pharaoh hath given to them, therefore they have not sold their ground.
22Ang lupa lamang ng mga saserdote ang hindi niya nabili: sapagka't ang mga saserdote'y may bahagi kay Faraon, at kanilang kinakain ang kanilang bahagi na ibinibigay sa kanila ni Faraon; kaya hindi nila ipinagbili ang kanilang lupa.
23And Joseph saith unto the people, `Lo, I have bought you to-day and your ground for Pharaoh; lo, seed for you, and ye have sown the ground,
23Nang magkagayo'y sinabi ni Jose sa bayan: Narito, aking binili kayo ng araw na ito, at ang inyong lupa'y para kay Faraon: narito, ito ang ipangbibinhi ninyo, at inyong hahasikan ang lupa.
24and it hath come to pass in the increases, that ye have given a fifth to Pharaoh, and four of the parts are for yourselves, for seed of the field, and for your food, and for those who [are] in your houses, and for food for your infants.`
24At mangyayari sa pag-aani ay inyong ibibigay ang ikalimang bahagi kay Faraon, at ang apat na bahagi ay sa inyo, sa binhi sa bukid at sa inyong pagkain, at sa inyong mga kasangbahay, at pinakapagkain sa inyong mga bata.
25And they say, `Thou hast revived us; we find grace in the eyes of my lord, and have been servants to Pharaoh;`
25At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpong nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.
26and Joseph setteth it for a statute unto this day, concerning the ground of Egypt, [that] Pharaoh hath a fifth; only the ground of the priests alone hath not become Pharaoh`s.
26At ginawang kautusan ni Jose sa lupain ng Egipto sa araw na ito, na mapapasa kay Faraon ang ikalimang bahagi, liban lamang ang lupa ng mga saserdote na hindi naging kay Faraon.
27And Israel dwelleth in the land of Egypt, in the land of Goshen, and they have possession in it, and are fruitful, and multiply exceedingly;
27At si Israel ay tumahan sa lupain ng Egipto, sa lupain ng Gosen; at sila'y nagkaroon ng mga pag-aari roon, at pawang sagana at totoong dumami.
28and Jacob liveth in the land of Egypt seventeen years, and the days of Jacob, the years of his life, are an hundred and forty and seven years.
28At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.
29And the days of Israel are near to die, and he calleth for his son, for Joseph, and saith to him, `If, I pray thee, I have found grace in thine eyes, put, I pray thee, thy hand under my thigh, and thou hast done with me kindness and truth; bury me not, I pray thee, in Egypt,
29At ang panahon ay lumalapit na dapat nang mamatay si Israel: at kaniyang tinawag ang kaniyang anak na si Jose, at sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, ay ilagay mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pagpakitaan mo ako ng kaawaan at katotohanan; isinasamo ko sa iyong huwag mo akong ilibing sa Egipto:
30and I have lain with my fathers, and thou hast borne me out of Egypt, and buried me in their burying-place.` And he saith, `I — I do according to thy word;`
30Kundi pagtulog kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Egipto, at ililibing mo ako sa kanilang libingan. At kaniyang sinabi, Aking gagawin ang gaya ng iyong sabi.
31and he saith, `Swear to me;` and he sweareth to him, and Israel boweth himself on the head of the bed.
31At kaniyang sinabi, Sumumpa ka sa akin: at sumumpa siya sa kaniya. At yumukod si Israel sa ulunan ng higaan.