Young`s Literal Translation

Tagalog 1905

Matthew

5

1And having seen the multitudes, he went up to the mount, and he having sat down, his disciples came to him,
1At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad:
2and having opened his mouth, he was teaching them, saying:
2At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,
3`Happy the poor in spirit — because theirs is the reign of the heavens.
3Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
4`Happy the mourning — because they shall be comforted.
4Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
5`Happy the meek — because they shall inherit the land.
5Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.
6`Happy those hungering and thirsting for righteousness — because they shall be filled.
6Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.
7`Happy the kind — because they shall find kindness.
7Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.
8`Happy the clean in heart — because they shall see God.
8Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
9`Happy the peacemakers — because they shall be called Sons of God.
9Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
10`Happy those persecuted for righteousness` sake — because theirs is the reign of the heavens.
10Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
11`Happy are ye whenever they may reproach you, and may persecute, and may say any evil thing against you falsely for my sake —
11Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.
12rejoice ye and be glad, because your reward [is] great in the heavens, for thus did they persecute the prophets who were before you.
12Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
13`Ye are the salt of the land, but if the salt may lose savour, in what shall it be salted? for nothing is it good henceforth, except to be cast without, and to be trodden down by men.
13Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.
14`Ye are the light of the world, a city set upon a mount is not able to be hid;
14Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
15nor do they light a lamp, and put it under the measure, but on the lamp-stand, and it shineth to all those in the house;
15Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.
16so let your light shine before men, that they may see your good works, and may glorify your Father who [is] in the heavens.
16Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
17`Do not suppose that I came to throw down the law or the prophets — I did not come to throw down, but to fulfill;
17Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
18for, verily I say to you, till that the heaven and the earth may pass away, one iota or one tittle may not pass away from the law, till that all may come to pass.
18Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
19`Whoever therefore may loose one of these commands — the least — and may teach men so, least he shall be called in the reign of the heavens, but whoever may do and may teach [them], he shall be called great in the reign of the heavens.
19Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20`For I say to you, that if your righteousness may not abound above that of the scribes and Pharisees, ye may not enter to the reign of the heavens.
20Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
21`Ye heard that it was said to the ancients: Thou shalt not kill, and whoever may kill shall be in danger of the judgment;
21Narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang papatay; at ang sinomang pumatay ay mapapasa panganib sa kahatulan:
22but I — I say to you, that every one who is angry at his brother without cause, shall be in danger of the judgment, and whoever may say to his brother, Empty fellow! shall be in danger of the sanhedrim, and whoever may say, Rebel! shall be in danger of the gehenna of the fire.
22Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
23`If, therefore, thou mayest bring thy gift to the altar, and there mayest remember that thy brother hath anything against thee,
23Kaya't kung inihahandog mo ang iyong hain sa dambana, at doo'y maalaala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anomang laban sa iyo,
24leave there thy gift before the altar, and go — first be reconciled to thy brother, and then having come bring thy gift.
24Iwan mo roon sa harap ng dambana ang hain mo, at yumaon ka ng iyong lakad, makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong hain.
25`Be agreeing with thy opponent quickly, while thou art in the way with him, that the opponent may not deliver thee to the judge, and the judge may deliver thee to the officer, and to prison thou mayest be cast,
25Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan.
26verily I say to thee, thou mayest not come forth thence till that thou mayest pay the last farthing.
26Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.
27`Ye heard that it was said to the ancients: Thou shalt not commit adultery;
27Narinig ninyong sinabi, Huwag kang mangangalunya:
28but I — I say to you, that every one who is looking on a woman to desire her, did already commit adultery with her in his heart.
28Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
29`But, if thy right eye doth cause thee to stumble, pluck it out and cast from thee, for it is good to thee that one of thy members may perish, and not thy whole body be cast to gehenna.
29At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno.
30`And, if thy right hand doth cause thee to stumble, cut it off, and cast from thee, for it is good to thee that one of thy members may perish, and not thy whole body be cast to gehenna.
30At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.
31`And it was said, That whoever may put away his wife, let him give to her a writing of divorce;
31Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:
32but I — I say to you, that whoever may put away his wife, save for the matter of whoredom, doth make her to commit adultery; and whoever may marry her who hath been put away doth commit adultery.
32Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, liban na lamang kung sa pakikiapid ang dahil, ay siya ang sa kaniya'y nagbibigay kadahilanan ng pangangalunya: at ang sinomang magasawa sa kaniya kung naihiwalay na siya ay nagkakasala ng pangangalunya.
33`Again, ye heard that it was said to the ancients: Thou shalt not swear falsely, but thou shalt pay to the Lord thine oaths;
33Bukod sa rito'y inyong narinig na sinabi sa mga tao sa una, Huwag kang manunumpa ng di katotohanan, kundi tutupdin mo sa Panginoon ang iyong mga sumpa:
34but I — I say to you, not to swear at all; neither by the heaven, because it is the throne of God,
34Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;
35nor by the earth, because it is His footstool, nor by Jerusalem, because it is a city of a great king,
35Kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't siyang bayan ng dakilang Hari.
36nor by thy head mayest thou swear, because thou art not able one hair to make white or black;
36Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.
37but let your word be, Yes, Yes, No, No, and that which is more than these is of the evil.
37Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.
38`Ye heard that it was said: Eye for eye, and tooth for tooth;
38Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin:
39but I — I say to you, not to resist the evil, but whoever shall slap thee on thy right cheek, turn to him also the other;
39Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.
40and whoever is willing to take thee to law, and thy coat to take — suffer to him also the cloak.
40At sa magibig na ikaw ay ipagsakdal, at kunin sa iyo ang iyong tunika, ay iwan mo rin naman sa kaniya ang iyong balabal.
41`And whoever shall impress thee one mile, go with him two,
41At sa sinomang pipilit sa iyo na ikaw ay lumakad ng isang milya, ay lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.
42to him who is asking of thee be giving, and him who is willing to borrow from thee thou mayest not turn away.
42Bigyan mo ang sa iyo'y humihingi, at huwag mong talikdan ang sa iyo'y nangungutang.
43`Ye heard that it was said: Thou shalt love thy neighbor, and shalt hate thine enemy;
43Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway:
44but I — I say to you, Love your enemies, bless those cursing you, do good to those hating you, and pray for those accusing you falsely, and persecuting you,
44Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
45that ye may be sons of your Father in the heavens, because His sun He doth cause to rise on evil and good, and He doth send rain on righteous and unrighteous.
45Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
46`For, if ye may love those loving you, what reward have ye? do not also the tax-gatherers the same?
46Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?
47and if ye may salute your brethren only, what do ye abundant? do not also the tax-gatherers so?
47At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
48ye shall therefore be perfect, as your Father who [is] in the heavens is perfect.
48Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.