1`Give ye thanks to Jehovah, For good, for to the age [is] His kindness:`
1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2Let the redeemed of Jehovah say, Whom He redeemed from the hand of an adversary.
2Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3And from the lands hath gathered them, From east and from west, From north, and from the sea.
3At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.
4They wandered in a wilderness, in a desert by the way, A city of habitation they have not found.
4Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
5Hungry — yea — thirsty, Their soul in them becometh feeble,
5Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
6And they cry unto Jehovah in their adversity, From their distress He delivereth them,
6Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
7And causeth them to tread in a right way, To go unto a city of habitation.
7Pinatnubayan naman niya sila sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
8They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men.
8Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
9For He hath satisfied a longing soul, And a hungry soul hath filled [with] goodness.
9Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10Inhabitants of dark places and death-shade, Prisoners of affliction and of iron,
10Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw;
11Because they changed the saying of God, And the counsel of the Most High despised.
11Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:
12And He humbleth with labour their heart, They have been feeble, and there is no helper.
12Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.
13And they cry unto Jehovah in their adversity, From their distresses He saveth them.
13Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
14He bringeth them out from the dark place, And death-shade, And their bands He draweth away.
14Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.
15They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men.
15Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16For He hath broken doors of brass, And bars of iron He hath cut.
16Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
17Fools, by means of their transgression, And by their iniquities, afflict themselves.
17Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18All food doth their soul abominate, And they come nigh unto the gates of death,
18Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan,
19And cry unto Jehovah in their adversity, From their distresses He saveth them,
19Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20He sendeth His word and healeth them, And delivereth from their destructions.
20Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men,
21Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22And they sacrifice sacrifices of thanksgiving, And recount His works with singing.
22At mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23Those going down [to] the sea in ships, Doing business in many waters,
23Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig;
24They have seen the works of Jehovah, And His wonders in the deep.
24Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25And He saith, and appointeth a tempest, And it lifteth up its billows,
25Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26They go up [to] the heavens, they go down [to] the depths, Their soul in evil is melted.
26Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27They reel to and fro, and move as a drunkard, And all their wisdom is swallowed up.
27Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala.
28And they cry to Jehovah in their adversity, And from their distresses He bringeth them out.
28Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
29He establisheth a whirlwind to a calm, And hushed are their billows.
29Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30And they rejoice because they are quiet, And He leadeth them to the haven of their desire.
30Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
31They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men,
31Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32And they exalt Him in the assembly of the people, And in the seat of the elders praise Him.
32Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
33He maketh rivers become a wilderness, And fountains of waters become dry land.
33Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal:
34A fruitful land becometh a barren place, For the wickedness of its inhabitants.
34Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35He maketh a wilderness become a pool of water, And a dry land become fountains of waters.
35Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
36And He causeth the hungry to dwell there, And they prepare a city of habitation.
36At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
37And they sow fields, and plant vineyards, And they make fruits of increase.
37At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang.
38And He blesseth them, and they multiply exceedingly, And their cattle He doth not diminish.
38Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
39And they are diminished, and bow down, By restraint, evil, and sorrow.
39Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
40He is pouring contempt upon nobles, And causeth them to wander in vacancy — no way.
40Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
41And setteth on high the needy from affliction, And placeth families as a flock.
41Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
42The upright do see and rejoice, And all perversity hath shut her mouth.
42Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
43Who [is] wise, and observeth these? They understand the kind acts of Jehovah!
43Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.