Young`s Literal Translation

Tagalog 1905

Psalms

86

1A Prayer of David. Incline, O Jehovah, Thine ear, Answer me, for I [am] poor and needy.
1Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan.
2Keep my soul, for I [am] pious, Save Thy servant — who is trusting to Thee, O Thou, my God.
2Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
3Favour me, O Lord, for to Thee I call all the day.
3Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
4Rejoice the soul of Thy servant, For unto Thee, O Lord, my soul I lift up.
4Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
5For Thou, Lord, [art] good and forgiving. And abundant in kindness to all calling Thee.
5Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
6Hear, O Jehovah, my prayer, And attend to the voice of my supplications.
6Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
7In a day of my distress I call Thee, For Thou dost answer me.
7Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako.
8There is none like Thee among the gods, O Lord, And like Thy works there are none.
8Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
9All nations that Thou hast made Come and bow themselves before Thee, O Lord, And give honour to Thy name.
9Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10For great [art] Thou, and doing wonders, Thou [art] God Thyself alone.
10Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios.
11Show me, O Jehovah, Thy way, I walk in Thy truth, My heart doth rejoice to fear Thy name.
11Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12I confess Thee, O Lord my God, with all my heart, And I honour Thy name to the age.
12Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13For Thy kindness [is] great toward me, And Thou hast delivered my soul from the lowest Sheol.
13Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14O God, the proud have risen up against me, And a company of the terrible sought my soul, And have not placed Thee before them,
14Oh Dios, ang palalo ay bumangon laban sa akin, at ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa, at hindi inilagay ka sa harap nila.
15And Thou, O Lord, [art] God, merciful and gracious, Slow to anger, and abundant in kindness and truth.
15Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16Look unto me, and favour me, Give Thy strength to Thy servant, And give salvation to a son of Thine handmaid.
16Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin; ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod. At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17Do with me a sign for good, And those hating me see and are ashamed, For Thou, O Jehovah, hast helped me, Yea, Thou hast comforted me!
17Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti: upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya, sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.