American Standard Version

Tagalog 1905

1 Chronicles

21

1And Satan stood up against Israel, and moved David to number Israel.
1At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.
2And David said to Joab and to the princes of the people, Go, number Israel from Beer-sheba even to Dan; and bring me word, that I may know the sum of them.
2At sinabi ni David kay Joab, at sa mga prinsipe ng bayan, Kayo'y magsiyaon, bilangin ninyo ang Israel mula sa Beer-seba hanggang sa Dan; at dalhan ninyo ako ng salita; upang aking maalaman ang bilang nila.
3And Joab said, Jehovah make his people a hundred times as many as they are: but, my lord the king, are they not all my lord's servants? why doth my lord require this thing? why will he be a cause of guilt unto Israel?
3At sinabi ni Joab, Gawin nawa ng Panginoon ang kaniyang bayan na makasandaang higit sa dami nila; nguni't, panginoon ko na hari, di ba silang lahat ay mga lingkod ng aking panginoon? bakit kinakailangan ng panginoon ko ang bagay na ito? bakit siya'y magiging sanhi ng ipagkakasala ng Israel?
4Nevertheless the king's word prevailed against Joab. Wherefore Joab departed, and went throughout all Israel, and came to Jerusalem.
4Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab. Kaya't si Joab ay yumaon, at naparoon sa buong Israel, at dumating sa Jerusalem.
5And Joab gave up the sum of the numbering of the people unto David. And all they of Israel were a thousand thousand and a hundred thousand men that drew sword: and Judah was four hundred threescore and ten thousand men that drew sword.
5At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David. At silang lahat na taga Israel ay labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak: at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak.
6But Levi and Benjamin counted he not among them; for the king's word was abominable to Joab.
6Nguni't ang Levi at ang Benjamin ay hindi binilang; sapagka't ang pananalita ng hari ay kahalayhalay kay Joab.
7And God was displeased with this thing; therefore he smote Israel.
7At sumama ang loob ng Dios sa bagay na ito; kaya't kaniyang sinaktan ang Israel.
8And David said unto God, I have sinned greatly, in that I have done this thing: but now, put away, I beseech thee, the iniquity of thy servant; for I have done very foolishly.
8At sinabi ni David sa Dios, Ako'y nagkasala ng mabigat sa aking paggawa ng bagay na ito: nguni't ngayo'y alisin mo, ipinamamanhik ko sa iyo, ang kasamaan ng iyong lingkod, sapagka't aking ginawang may lubhang kamangmangan.
9And Jehovah spake unto Gad, David's seer, saying,
9At ang Panginoon ay nagsalita kay Gad na tagakita ni David, na sinasabi,
10Go and speak unto David, saying, Thus saith Jehovah, I offer thee three things: choose thee one of them, that I may do it unto thee.
10Yumaon ka at magsalita kay David na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga iyan, upang aking magawa sa iyo.
11So Gad came to David, and said unto him, Thus saith Jehovah, Take which thou wilt:
11Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Piliin mo ang iniibig mo:
12either three years of famine; or three months to be consumed before thy foes, while the sword of thine enemies overtaketh thee; or else three days the sword of Jehovah, even pestilence in the land, and the angel of Jehovah destroying throughout all the borders of Israel. Now therefore consider what answer I shall return to him that sent me.
12Tatlong taong kagutom; o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway, samantalang ang tabak ng iyong mga kaaway ay umabot sa iyo; o kung dili ay tatlong araw na ang tabak ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang salot sa lupain, at ang anghel ng Panginoon ay mangwawasak sa lahat na hangganan ng Israel. Ngayon nga'y akalain mo kung anong sagot ang ibabalik ko sa kaniya na nagsugo sa akin.
13And David said unto Gad, I am in a great strait: let me fall, I pray, into the hand of Jehovah; for very great are his mercies: and let me not fall into the hand of man.
13At sinabi ni David kay Gad, Ako'y totoong nasa kagipitan: ipinamamanhik ko na ihulog mo ako ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't totoong malaki ang kaniyang kaawaan; at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
14So Jehovah sent a pestilence upon Israel; and there fell of Israel seventy thousand men.
14Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel: at nabuwal sa Israel ay pitongpung libong lalake.
15And God sent an angel unto Jerusalem to destroy it: and as he was about to destroy, Jehovah beheld, and he repented him of the evil, and said to the destroying angel, It is enough; now stay thy hand. And the angel of Jehovah was standing by the threshing-floor of Ornan the Jebusite.
15At ang Dios ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem, upang gibain; at nang kaniyang lilipulin, ang Panginoo'y tumingin, at nagsisi siya tungkol sa kasamaan, at sinabi sa manglilipol na anghel, Siya na, ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo.
16And David lifted up his eyes, and saw the angel of Jehovah standing between earth and heaven, having a drawn sword in his hand stretched out over Jerusalem. Then David and the elders, clothed in sackcloth, fell upon their faces.
16At itinanaw ni David ang kaniyang mga mata, at nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit, na may hawak na tabak sa kaniyang kamay na nakaunat sa Jerusalem. Nang magkagayo'y si David at ang mga matanda, na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa.
17And David said unto God, Is it not I that commanded the people to be numbered? even I it is that have sinned and done very wickedly; but these sheep, what have they done? let thy hand, I pray thee, O Jehovah my God, be against me, and against my father's house; but not against thy people, that they should be plagued.
17At sinabi ni David sa Dios, Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan? sa makatuwid baga'y ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon kong Dios, na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama; nguni't huwag laban sa iyong bayan, na sila'y masasalot.
18Then the angel of Jehovah commanded Gad to say to David, that David should go up, and rear an altar unto Jehovah in the threshing-floor of Ornan the Jebusite.
18Nang magkagayo'y inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad upang sabihin kay David na siya'y sumampa, at magtayo ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
19And David went up at the saying of Gad, which he spake in the name of Jehovah.
19At si David ay sumampa sa sabi ni Gad na kaniyang sinalita sa pangalan ng Panginoon.
20And Ornan turned back, and saw the angel; and his four sons that were with him hid themselves. Now Ornan was threshing wheat.
20At si Ornan ay bumalik at nakita ang anghel; at ang kaniyang apat na anak na kasama niya ay nagsipagkubli. Si Ornan nga ay gumigiik ng trigo.
21And as David came to Ornan, Ornan looked and saw David, and went out of the threshing-floor, and bowed himself to David with his face to the ground.
21At samantalang si David ay naparoroon kay Ornan, si Ornan ay tumanaw at nakita si David, at lumabas sa giikan, at iniyukod kay David ang kaniyang mukha sa lupa.
22Then David said to Ornan, Give me the place of this threshing-floor, that I may build thereon an altar unto Jehovah: for the full price shalt thou give it me, that the plague may be stayed from the people.
22Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Ornan, Ibigay mo sa akin ang dako ng giikang ito, upang aking mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon: sa buong halaga ay ibibigay mo sa akin: upang ang salot ay tumigil sa bayan.
23And Ornan said unto David, Take it to thee, and let my lord the king do that which is good in his eyes: lo, I give [thee] the oxen for burnt-offerings, and the threshing instruments for wood, and the wheat for the meal-offering; I give it all.
23At sinabi ni Ornan kay David, Kunin mo, at gawin ng panginoon kong hari ang mabuti sa harap ng kaniyang mga mata: narito, aking ibinibigay sa iyo ang mga baka na mga pinakahandog na susunugin, at ang mga kasangkapan ng giikan na pinaka kahoy, at ang trigo na pinakahandog na harina; aking ibinibigay sa lahat.
24And king David said to Ornan, Nay; but I will verily buy it for the full price: for I will not take that which is thine for Jehovah, nor offer a burnt-offering without cost.
24At sinabi ng haring David kay Ornan, Huwag; kundi katotohanang aking bibilhin ng buong halaga: sapagka't hindi ko kukunin ang iyo para sa Panginoon, o maghahandog man ng handog na susunugin na walang bayad.
25So David gave to Ornan for the place six hundred shekels of gold by weight.
25Sa gayo'y ibinigay ni David kay Ornan dahil sa dakong yaon ang anim na raang siklong ginto na pinakatimbang.
26And David built there an altar unto Jehovah, and offered burnt-offerings and peace-offerings, and called upon Jehovah; and he answered him from heaven by fire upon the altar of burnt-offering.
26At ipinagtayo roon ni David ng isang dambana ang Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at tumawag sa Panginoon; at sinagot niya siya mula sa langit sa pamamagitan ng apoy sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin.
27And Jehovah commanded the angel; and he put up his sword again into the sheath thereof.
27At inutusan ng Panginoon ang anghel; at kaniyang isinuksok sa kaluban ang kaniyang tabak.
28At that time, when David saw that Jehovah had answered him in the threshing-floor of Ornan the Jebusite, then he sacrificed there.
28Nang panahong yaon, nang makita ni David na sinagot siya ng Panginoon sa giikan ni Ornan na Jebuseo, siya nga'y naghain doon.
29For the tabernacle of Jehovah, which Moses made in the wilderness, and the altar of burnt-offering, were at that time in the high place at Gibeon.
29Sapagka't ang tabernakulo ng Panginoon na ginawa ni Moises sa ilang at ang dambana ng handog na susunugin, ay nasa mataas na dako nang panahong yaon sa Gabaon.
30But David could not go before it to inquire of God; for he was afraid because of the sword of the angel of Jehovah.
30Nguni't si David ay hindi makaparoon sa harap niyaon upang magusisa sa Dios: sapagka't siya'y natakot dahil sa tabak ng anghel ng Panginoon.