1The elders among you I exhort, who am a fellow-elder, and a witness of the sufferings of Christ, who am also a partaker of the glory that shall be revealed:
1Sa matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, akong matandang kasamahan ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag:
2Tend the flock of God which is among you, exercising the oversight, not of constraint, but willingly, according to [the will of] God; nor yet for filthy lucre, but of a ready mind;
2Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
3neither as lording it over the charge allotted to you, but making yourselves ensamples to the flock.
3Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan.
4And when the chief Shepherd shall be manifested, ye shall receive the crown of glory that fadeth not away.
4At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.
5Likewise, ye younger, be subject unto the elder. Yea, all of you gird yourselves with humility, to serve one another: for God resisteth the proud, but giveth grace to the humble.
5Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo, kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
6Humble yourselves therefore under the mighty hand of God, that he may exalt you in due time;
6Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan;
7casting all your anxiety upon him, because he careth for you.
7Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
8Be sober, be watchful: your adversary the devil, as a roaring lion, walketh about, seeking whom he may devour,
8Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9whom withstand stedfast in your faith, knowing that the same sufferings are accomplished in your brethren who are in the world.
9Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
10And the God of all grace, who called you unto his eternal glory in Christ, after that ye have suffered a little while, shall himself perfect, establish, strengthen you.
10At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.
11To him [be] the dominion for ever and ever. Amen.
11Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12By Silvanus, our faithful brother, as I account [him], I have written unto you briefly, exhorting, and testifying that this is the true grace of God. Stand ye fast therein.
12Sa pamamagitan ni Silvano, na tapat nating kapatid, ayon sa aking palagay sa kaniya, ay sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito.
13She that is in Babylon, elect together with [you], saluteth you; and [so doth] Mark my son.
13Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak.
14Salute one another with a kiss of love. Peace be unto you all that are in Christ.
14Mangagbatian kayo ng halik ng pagibig. Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.