1Oh that thou wouldest rend the heavens, that thou wouldest come down, that the mountains might quake at thy presence,
1Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
2as when fire kindleth the brushwood, [and] the fire causeth the waters to boil; to make thy name known to thine adversaries, that the nations may tremble at thy presence!
2Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
3When thou didst terrible things which we looked not for, thou camest down, the mountains quaked at thy presence.
3Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
4For from of old men have not heard, nor perceived by the ear, neither hath the eye seen a God besides thee, who worketh for him that waiteth for him.
4Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.
5Thou meetest him that rejoiceth and worketh righteousness, those that remember thee in thy ways: behold, thou wast wroth, and we sinned: in them [have we been] of long time; and shall we be saved?
5Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?
6For we are all become as one that is unclean, and all our righteousnesses are as a polluted garment: and we all do fade as a leaf; and our iniquities, like the wind, take us away.
6Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.
7And there is none that calleth upon thy name, that stirreth up himself to take hold of thee; for thou hast hid thy face from us, and hast consumed us by means of our iniquities.
7At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.
8But now, O Jehovah, thou art our Father; we are the clay, and thou our potter; and we all are the work of thy hand.
8Nguni't ngayon, Oh Panginoon, ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
9Be not wroth very sore, O Jehovah, neither remember iniquity for ever: behold, look, we beseech thee, we are all thy people.
9Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong bayan.
10Thy holy cities are become a wilderness, Zion is become a wilderness, Jerusalem a desolation.
10Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira.
11Our holy and our beautiful house, where our fathers praised thee, is burned with fire; and all our pleasant places are laid waste.
11Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira.
12Wilt thou refrain thyself for these things, O Jehovah? wilt thou hold thy peace, and afflict us very sore?
12Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?