American Standard Version

Tagalog 1905

Job

17

1My spirit is consumed, my days are extinct, The grave is [ready] for me.
1Ang aking diwa ay nanglulumo, ang aking mga kaarawan ay natatapos, ang libingan ay handa sa akin.
2Surely there are mockers with me, And mine eye dwelleth upon their provocation.
2Tunay na may mga manunuya na kasama ako, at ang aking mata ay nananahan sa kanilang pamumungkahi.
3Give now a pledge, be surety for me with thyself; Who is there that will strike hands with me?
3Magbigay ka ngayon ng sangla, panagutan mo ako ng iyong sarili; sinong magbubuhat ng mga kamay sa akin?
4For thou hast hid their heart from understanding: Therefore shalt thou not exalt [them].
4Sapagka't iyong ikinubli ang kanilang puso sa pagunawa: kaya't hindi mo sila itataas.
5He that denounceth his friends for a prey, Even the eyes of his children shall fail.
5Ang paglililo sa kaniyang mga kaibigan upang mahuli, ang mga mata nga ng kaniyang mga anak ay mangangalumata.
6But he hath made me a byword of the people; And they spit in my face.
6Nguni't ginawa rin niya akong kakutyaan ng bayan: at niluraan nila ako sa mukha.
7Mine eye also is dim by reason of sorrow, And all my members are as a shadow.
7Ang aking mata naman ay nanglalabo dahil sa kapanglawan. At ang madlang sangkap ko ay parang isang anino.
8Upright men shall be astonished at this, And the innocent shall stir up himself against the godless.
8Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
9Yet shall the righteous hold on his way, And he that hath clean hands shall wax stronger and stronger.
9Gayon ma'y magpapatuloy ang matuwid ng kaniyang lakad, at ang may malinis na mga kamay ay lalakas ng lalakas.
10But as for you all, come on now again; And I shall not find a wise man among you.
10Nguni't tungkol sa inyong lahat, magsiparito kayo ngayon uli; at hindi ako makakasumpong ng isang pantas sa gitna ninyo.
11My days are past, my purposes are broken off, Even the thoughts of my heart.
11Ang aking mga kaarawan ay lumipas, ang aking mga panukala ay nangasira, sa makatuwid baga'y ang mga akala ng aking puso.
12They change the night into day: The light, [say they], is near unto the darkness.
12Kanilang ipinalit ang araw sa gabi: ang liwanag, wika nila, ay malapit sa kadiliman.
13If I look for Sheol as my house; If I have spread my couch in the darkness;
13Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman:
14If I have said to corruption, Thou art my father; To the worm, [Thou art] my mother, and my sister;
14Kung sinabi ko sa kapahamakan: ikaw ay aking ama: sa uod: ikaw ay aking ina, at aking kapatid na babae;
15Where then is my hope? And as for my hope, who shall see it?
15Nasaan nga ang aking pagasa? At tungkol sa aking pagasa, sinong makakakita?
16It shall go down to the bars of Sheol, When once there is rest in the dust.
16Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok.