1Then answered Eliphaz the Temanite, and said,
1Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2Can a man be profitable unto God? Surely he that is wise is profitable unto himself.
2Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.
3Is it any pleasure to the Almighty, that thou art righteous? Or is it gain [to him], that thou makest thy ways perfect?
3May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?
4Is it for thy fear [of him] that he reproveth thee, That he entereth with thee into judgment?
4Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?
5Is not thy wickedness great? Neither is there any end to thine iniquities.
5Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.
6For thou hast taken pledges of thy brother for nought, And stripped the naked of their clothing.
6Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.
7Thou hast not given water to the weary to drink, And thou hast withholden bread from the hungry.
7Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8But as for the mighty man, he had the earth; And the honorable man, he dwelt in it.
8Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon.
9Thou hast sent widows away empty, And the arms of the fatherless have been broken.
9Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
10Therefore snares are round about thee, And sudden fear troubleth thee,
10Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
11Or darkness, so that thou canst not see, And abundance of waters cover thee.
11O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.
12Is not God in the height of heaven? And behold the height of the stars, how high they are!
12Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!
13And thou sayest, What doth God know? Can he judge through the thick darkness?
13At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?
14Thick clouds are a covering to him, so that he seeth not; And he walketh on the vault of heaven.
14Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit.
15Wilt thou keep the old way Which wicked men have trodden?
15Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
16Who were snatched away before their time, Whose foundation was poured out as a stream,
16Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:
17Who said unto God, Depart from us; And, What can the Almighty do for us?
17Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?
18Yet he filled their houses with good things: But the counsel of the wicked is far from me.
18Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19The righteous see it, and are glad; And the innocent laugh them to scorn,
19Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala:
20[Saying], Surely they that did rise up against us are cut off, And the remnant of them the fire hath consumed.
20Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.
21Acquaint now thyself with him, and be at peace: Thereby good shall come unto thee.
21Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa't ang mabuti ay darating sa iyo.
22Receive, I pray thee, the law from his mouth, And lay up his words in thy heart.
22Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
23If thou return to the Almighty, thou shalt be built up, If thou put away unrighteousness far from thy tents.
23Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.
24And lay thou [thy] treasure in the dust, And [the gold of] Ophir among the stones of the brooks;
24At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:
25And the Almighty will be thy treasure, And precious silver unto thee.
25At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo.
26For then shalt thou delight thyself in the Almighty, And shalt lift up thy face unto God.
26Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.
27Thou shalt make thy prayer unto him, and he will hear thee; And thou shalt pay thy vows.
27Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.
28Thou shalt also decree a thing, and it shall be established unto thee; And light shall shine upon thy ways.
28Ikaw nama'y magpapasiya ng isang bagay, at ito'y matatatag sa iyo; at liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29When they cast [thee] down, thou shalt say, [There is] lifting up; And the humble person he will save.
29Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.
30He will deliver [even] him that is not innocent: Yea, he shall be delivered through the cleanness of thy hands.
30Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.