American Standard Version

Tagalog 1905

Job

24

1Why are times not laid up by the Almighty? And why do not they that know him see his days?
1Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat? At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
2There are that remove the landmarks; They violently take away flocks, and feed them.
2May nagsisipagbago ng lindero; kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
3They drive away the ass of the fatherless; They take the widow's ox for a pledge.
3Kanilang itinataboy ang asno ng ulila, kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
4They turn the needy out of the way: The poor of the earth all hide themselves.
4Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan: ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
5Behold, as wild asses in the desert They go forth to their work, seeking diligently for food; The wilderness [yieldeth] them bread for their children.
5Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang, sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain; ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
6They cut their provender in the field; And they glean the vintage of the wicked.
6Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain; at kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
7They lie all night naked without clothing, And have no covering in the cold.
7Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot. At walang kumot sa ginaw.
8They are wet with the showers of the mountains, And embrace the rock for want of a shelter.
8Sila'y basa ng ulan sa mga bundok, at niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
9There are that pluck the fatherless from the breast, And take a pledge of the poor;
9May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso, at nagsisikuha ng sangla ng dukha:
10[So that] they go about naked without clothing, And being hungry they carry the sheaves.
10Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit, at palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
11They make oil within the walls of these men; They tread [their] winepresses, and suffer thirst.
11Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito; sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
12From out of the populous city men groan, And the soul of the wounded crieth out: Yet God regardeth not the folly.
12Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao, at ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw; gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
13These are of them that rebel against the light; They know not the ways thereof, Nor abide in the paths thereof.
13Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
14The murderer riseth with the light; He killeth the poor and needy; And in the night he is as a thief.
14Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag, pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan; at sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
15The eye also of the adulterer waiteth for the twilight, Saying, No eye shall see me: And he disguiseth his face.
15Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay ng pagtatakip-silim, na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin: at nagiiba ng kaniyang mukha.
16In the dark they dig through houses: They shut themselves up in the day-time; They know not the light.
16Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay: sila'y nagkukulong sa sarili kung araw; hindi nila nalalaman ang liwanag,
17For the morning is to all of them as thick darkness; For they know the terrors of the thick darkness.
17Sapagka't ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman, sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
18Swiftly they [pass away] upon the face of the waters; Their portion is cursed in the earth: They turn not into the way of the vineyards.
18Siya'y matulin sa ibabaw ng tubig; ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa: siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
19Drought and heat consume the snow waters: [So doth] Sheol [those that] have sinned.
19Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
20The womb shall forget him; The worm shall feed sweetly on him; He shall be no more remembered; And unrighteousness shall be broken as a tree.
20Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod; siya'y hindi na maaalaala pa: at ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
21He devoureth the barren that beareth not, And doeth not good to the widow.
21Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
22Yet [God] preserveth the mighty by his power: He riseth up that hath no assurance of life.
22Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
23[God] giveth them to be in security, and they rest thereon; And his eyes are upon their ways.
23Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
24They are exalted; yet a little while, and they are gone; Yea, they are brought low, they are taken out of the way as all others, And are cut off as the tops of the ears of grain.
24Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay.
25And if it be not so now, who will prove me a liar, And make my speech nothing worth?
25At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling, at magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?