1A Prayer of the afflicted, when he is overwhelmed, and poureth out his complaint before Jehovah. Hear my prayer, O Jehovah, And let my cry come unto thee.
1Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2Hide not thy face from me in the day of my distress: Incline thine ear unto me; In the day when I call answer me speedily.
2Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3For my days consume away like smoke, And my bones are burned as a firebrand.
3Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok, at ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4My heart is smitten like grass, and withered; For I forget to eat my bread.
4Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at natuyo; sapagka't nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5By reason of the voice of my groaning My bones cleave to my flesh.
5Dahil sa tinig ng aking daing ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6I am like a pelican of the wilderness; I am become as an owl of the waste places.
6Ako'y parang pelikano sa ilang; ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7I watch, and am become like a sparrow That is alone upon the house-top.
7Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
8Mine enemies reproach me all the day; They that are mad against me do curse by me.
8Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw; silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9For I have eaten ashes like bread, And mingled my drink with weeping,
9Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.
10Because of thine indignation and thy wrath: For thou hast taken me up, and cast me away.
10Dahil sa iyong galit at iyong poot: sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11My days are like a shadow that declineth; And I am withered like grass.
11Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling; at ako'y natuyo na parang damo.
12But thou, O Jehovah, wilt abide for ever; And thy memorial [name] unto all generations.
12Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man; at ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13Thou wilt arise, and have mercy upon Zion; For it is time to have pity upon her, Yea, the set time is come.
13Ikaw ay babangon at maaawa sa Sion: sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya, Oo, ang takdang panahon ay dumating.
14For thy servants take pleasure in her stones, And have pity upon her dust.
14Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato, at nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15So the nations shall fear the name of Jehovah, And all the kings of the earth thy glory.
15Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang pangalan ng Panginoon. At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16For Jehovah hath built up Zion; He hath appeared in his glory.
16Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion, siya'y napakita sa kaniyang kaluwalhatian;
17He hath regarded the prayer of the destitute, And hath not despised their prayer.
17Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18This shall be written for the generation to come; And a people which shall be created shall praise Jehovah.
18Ito'y isusulat na ukol sa lahing susunod: at ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19For he hath looked down from the height of his sanctuary; From heaven did Jehovah behold the earth;
19Sapagka't siya'y tumungo mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario; tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20To hear the sighing of the prisoner; To loose those that are appointed to death;
20Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo: upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21That men may declare the name of Jehovah in Zion, And his praise in Jerusalem;
21Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion, at ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22When the peoples are gathered together, And the kingdoms, to serve Jehovah.
22Nang ang mga bayan ay mapisan, at ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23He weakened my strength in the way; He shortened my days.
23Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan; kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24I said, O my God, take me not away in the midst of my days: Thy years are throughout all generations.
24Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan; ang mga taon mo'y lampas sa mga sali't saling lahi.
25Of old didst thou lay the foundation of the earth; And the heavens are the work of thy hands.
25Nang una ay inilagay mo ang patibayan ng lupa; at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26They shall perish, but thou shalt endure; Yea, all of them shall wax old like a garment; As a vesture shalt thou change them, and they shall be changed:
26Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27But thou art the same, And thy years shall have no end.
27Nguni't ikaw rin, at ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28The children of thy servants shall continue, And their seed shall be established before thee.
28Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi, at ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.