1Bless Jehovah, O my soul. O Jehovah my God, thou art very great; Thou art clothed with honor and majesty:
1Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2Who coverest thyself with light as with a garment; Who stretchest out the heavens like a curtain;
2Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:
3Who layeth the beams of his chambers in the waters; Who maketh the clouds his chariot; Who walketh upon the wings of the wind;
3Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4Who maketh winds his messengers; Flames of fire his ministers;
4Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5Who laid the foundations of the earth, That it should not be moved for ever.
5Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
6Thou coveredst it with the deep as with a vesture; The waters stood above the mountains.
6Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
7At thy rebuke they fled; At the voice of thy thunder they hasted away
7Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8(The mountains rose, the valleys sank down) Unto the place which thou hadst founded for them.
8Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9Thou hast set a bound that they may not pass over; That they turn not again to cover the earth.
9Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
10He sendeth forth springs into the valleys; They run among the mountains;
10Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
11They give drink to every beast of the field; The wild asses quench their thirst.
11Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
12By them the birds of the heavens have their habitation; They sing among the branches.
12Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13He watereth the mountains from his chambers: The earth is filled with the fruit of thy works.
13Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
14He causeth the grass to grow for the cattle, And herb for the service of man; That he may bring forth food out of the earth,
14Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa:
15And wine that maketh glad the heart of man, [And] oil to make his face to shine, And bread that strengtheneth man's heart.
15At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
16The trees of Jehovah are filled [with moisture], The cedars of Lebanon, which he hath planted;
16Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim;
17Where the birds make their nests: As for the stork, the fir-trees are her house.
17Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
18The high mountains are for the wild goats; The rocks are a refuge for the conies.
18Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho.
19He appointed the moon for seasons: The sun knoweth his going down.
19Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
20Thou makest darkness, and it is night, Wherein all the beasts of the forest creep forth.
20Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
21The young lions roar after their prey, And seek their food from God.
21Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
22The sun ariseth, they get them away, And lay them down in their dens.
22Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib.
23Man goeth forth unto his work And to his labor until the evening.
23Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
24O Jehovah, how manifold are thy works! In wisdom hast thou made them all: The earth is full of thy riches.
24Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25Yonder is the sea, great and wide, Wherein are things creeping innumerable, Both small and great beasts.
25Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26There go the ships; There is leviathan, whom thou hast formed to play therein.
26Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27These wait all for thee, That thou mayest give them their food in due season.
27Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28Thou givest unto them, they gather; Thou openest thy hand, they are satisfied with good.
28Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
29Thou hidest thy face, they are troubled; Thou takest away their breath, they die, And return to their dust.
29Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
30Thou sendest forth thy Spirit, they are created; And thou renewest the face of the ground.
30Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.
31Let the glory of Jehovah endure for ever; Let Jehovah rejoice in his works:
31Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
32Who looketh on the earth, and it trembleth; He toucheth the mountains, and they smoke.
32Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
33I will sing unto Jehovah as long as I live: I will sing praise to my God while I have any being.
33Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
34Let thy meditation be sweet unto him: I will rejoice in Jehovah.
34Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon.
35Let sinners be consumed out of the earth. And let the wicked be no more. Bless Jehovah, O my soul. Praise ye Jehovah.
35Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon.