1A Psalm of Asaph. Surely God is good to Israel, [Even] to such as are pure in heart.
1Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso.
2But as for me, my feet were almost gone; My steps had well nigh slipped.
2Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.
3For I was envious at the arrogant, When I saw the prosperity of the wicked.
3Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
4For there are no pangs in their death; But their strength is firm.
4Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag.
5They are not in trouble as [other] men; Neither are they plagued like [other] men.
5Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
6Therefore pride is as a chain about their neck; Violence covereth them as a garment.
6Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
7Their eyes stand out with fatness: They have more than heart could wish.
7Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
8They scoff, and in wickedness utter oppression: They speak loftily.
8Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan.
9They have set their mouth in the heavens, And their tongue walketh through the earth.
9Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10Therefore his people return hither: And waters of a full [cup] are drained by them.
10Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11And they say, How doth God know? And is there knowledge in the Most High?
11At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12Behold, these are the wicked; And, being alway at ease, they increase in riches.
12Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13Surely in vain have I cleansed my heart, And washed my hands in innocency;
13Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14For all the day long have I been plagued, And chastened every morning.
14Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.
15If I had said, I will speak thus; Behold, I had dealt treacherously with the generation of thy children.
15Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito; narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16When I thought how I might know this, It was too painful for me;
16Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito, ay napakahirap sa ganang akin;
17Until I went into the sanctuary of God, And considered their latter end.
17Hanggang sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios, at aking nagunita ang kanilang huling wakas,
18Surely thou settest them in slippery places: Thou castest them down to destruction.
18Tunay na iyong inilagay sila sa mga madulas na dako: iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19How are they become a desolation in a moment! They are utterly consumed with terrors.
19Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali! Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20As a dream when one awaketh, So, O Lord, when thou awakest, thou wilt despise their image.
20Ang panaginip sa pagkagising: sa gayon, Oh Panginoon, pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21For my soul was grieved, And I was pricked in my heart:
21Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, at sa aking kalooban ay nasaktan ako:
22So brutish was I, and ignorant; I was [as] a beast before thee.
22Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.
23Nevertheless I am continually with thee: Thou hast holden my right hand.
23Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: iyong inalalayan ang aking kanan.
24Thou wilt guide me with thy counsel, And afterward receive me to glory.
24Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25Whom have I in heaven [but thee]? And there is none upon earth that I desire besides thee.
25Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
26My flesh and my heart faileth; [But] God is the strength of my heart and my portion for ever.
26Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man.
27For, lo, they that are far from thee shall perish: Thou hast destroyed all them that play the harlot, [departing] from thee.
27Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
28But it is good for me to draw near unto God: I have made the Lord Jehovah my refuge, That I may tell of all thy works.
28Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.