Cebuano

Tagalog 1905

Psalms

62

1Sa Dios lamang nagahulat sa hilum ang akong kalag: Gikan kaniya moabut ang akong kaluwasan.
1Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
2Siya lamang mao ang akong bato ug ang akong kaluwasan: Siya mao ang akong hataas nga torre; ako dili matarug sa hilabihan.
2Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
3Hangtud ba anus-a kamo magahulga sa usa ka tawo, Aron mapatay ninyo siya , ngatanan kamo, Sama sa kuta nga nagaharag, sama sa usa ka siklat nga nagakaguba?
3Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
4Sila nanagsabut lamang sa pagpukan kaniya gikan sa iyang pagkahalangdon; Nanagkalipay sila sa mga kabakakan; Nanagpanalangin sila pinaagi sa ilang baba, apan nanagtunglo sila sa sulod nila . (Selah)
4Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan; sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan: sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
5Kalag ko, sa Dios lamang maghulat ka sa hilum; Kay gikan kaniya ang akong paglaum,
5Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
6Siya lamang mao ang akong bato ug ang akong kaluwasan: Siya mao ang akong torre nga hataas; dili ako matarug.
6Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan: siya'y aking matayog na moog; hindi ako makikilos.
7Sa Dios anaa ang akong kaluwasan ug ang akong himaya: Ang bato sa akong kalig-on, ug ang akong dalangpanan, anaa sa Dios.
7Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
8Sumalig kamo kaniya sa tanan nga panahon, kamo nga katawohan; Ibubo ninyo ang inyong kasingkasing sa atubangan niya: Ang Dios mao ang dalangpanan alang kanato. (Selah)
8Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
9Sa pagkamatuod, ang mga tawo nga ubos ug kahimtang maoy kakawangan lamang , ug ang mga tawo nga hatag-as ug kahimtang maoy usa ka bakak lamang : Diha sa mga timbangan sila mogaan; Labi pang magaan sila kay sa kakawangan.
9Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan: sa mga timbangan ay sasampa sila; silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10Ayaw pagsalig tungod sa pagdaug-daug, Ug ayaw pagginarbuso tungod sa pagpangawat: Kong ang mga bahandi modagaya, ayaw ibutang ang inyong kasing-kasing niana .
10Huwag kang tumiwala sa kapighatian, at huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw: kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11Ang Dios nagsulti sa nakausa, Nakaduha ako makadungog niini, Nga ang gahum iya man sa Dios.
11Ang Dios ay nagsalitang minsan, makalawang aking narinig ito; na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12Kanimo usab, Oh Ginoo, imo man ang mahigugmaong-kalolot; Kay ikaw nagabalus sa tagsa-tagsa ka tawo sumala sa iyang buhat.
12Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang kagandahang-loob: sapagka't ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.