1Pavel, vězeň Krista Ježíše, a Timoteus bratr, Filemonovi milému, a pomocníku našemu,
1Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa,
2A Apfie sestře milé, a Archippovi spolurytíři našemu, i vší církvi, kteráž jest v domě tvém:
2At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa iglesia sa iyong bahay:
3Milost vám a pokoj od Boha Otce našeho a Pána Jezukrista.
3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
4Díky činím Bohu svému, vždycky zmínku o tobě čině na svých modlitbách,
4Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin,
5Slyše o lásce tvé a víře, kterouž máš ku Pánu Ježíšovi, i ke všechněm svatým,
5Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;
6Aby společnost víry tvé mocná byla a tudy poznáno býti mohlo, cožkoli dobrého jest v vás skrze Krista Ježíše.
6Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.
7Radost zajisté máme velikou, a potěšení z lásky tvé, že srdce svatých občerstvena jsou skrze tebe, bratře.
7Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.
8Protož ačkoli mnohou smělost mám v Kristu rozkázati tobě, což by náleželo,
8Kaya, bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,
9Však pro lásku raději tebe prosím, jsa již takový, totiž Pavel starý, a nyní i vězeň Ježíše Krista.
9Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y bilanggo ni Cristo Jesus:
10Prosímť pak tebe za syna svého, kteréhož jsem zplodil v vězení svém, Onezima,
10Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si Onesimo,
11Kterýž byl někdy tobě neužitečný, ale nyní tobě i mně velmi užitečný, jehožť jsem odeslal.
11Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan, datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man:
12Protož ty jej, (totiž srdce mé,) přijmi.
12Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan, sa makatuwid baga'y, ang aking sariling puso:
13Kteréhožto já chtěl jsem byl při sobě zanechati, aby mi posluhoval místo tebe v vězení, kteréž trpím pro evangelium;
13Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling, upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa mga tanikala ng evangelio:
14Ale bez vědomí tvého nechtěl jsem nic učiniti, aby dobrý skutek tvůj nebyl jako bezděky, ale z dobré vůle.
14Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan, kundi sa sariling kalooban.
15Ano snad proto byl odšel na chvíli, abys jej potom věčného měl,
15Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man;
16Již ne jako služebníka, ale více než služebníka, totiž bratra milého, zvláště mně, a čím víc tobě, i podle těla, i v Pánu.
16Na hindi na alipin, kundi higit sa alipin, isang kapatid na minamahal, lalong lalo na sa akin, nguni't gaano pa kaya sa iyo, na siya'y minamahal mo maging sa laman at gayon din sa Panginoon.
17Protož máš-li mne za tovaryše, přijmiž jej, jako mne.
17Kung ako nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin.
18Jestližeť pak v čem ublížil, anebo jest-liť co dlužen, to mně přičti.
18Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo sa akin;
19Já Pavel psal jsem svou rukou, jáť zaplatím; ať nedím tobě, že ty i sám sebe jsi mi dlužen.
19Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ay siyang magbabayad sa iyo: hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin.
20Tak, bratře, ať já uživu tebe v Pánu; očerstviž srdce mé v Pánu.
20Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: panariwain mo ang aking puso kay Cristo.
21Jist jsa tvým poslušenstvím, tak jsem tobě napsal, věda, že i více, nežli pravím, učiníš.
21Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima, palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi.
22A mezi tím připraviž mi také hospodu; neboť naději mám, že k modlitbám vašim budu vám navrácen.
22Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo.
23Pozdravují tě Epafras, (spoluvězeň můj pro Krista Ježíše,)
23Binabati ka ni Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;
24Marek, Aristarchus, Démas a Lukáš, pomocníci moji.
24At gayon din ni Marcos, ni Aristarco, ni Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.
25Milost Pána našeho Jezukrista budiž s duchem vaším. Amen. List tento k Filemonovi psán byl z Říma po Onezimovi služebníku.
25Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.