1Den tredje Dag iførte Ester sig det kongelige Skrud og trådte ind i den indre Gård til Kongens Palads, foran Kongens Palads, medens Kongen sad på sin Kongetrone i det kongelige Palads ud imod Indgangen.
1Nangyari nga, nang ikatlong araw, na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina, at tumayo sa pinakaloob ng bahay ng hari, sa tapat ng bahay-hari; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari, sa tapat ng pasukan sa bahay.
2Da Kongen så Dronning Ester stå i Gården, fandt hun Nåde for hans Øjne, og Kongen rakte det gyldne Scepter, som han havde i Hånden, ud imod Ester. Da trådte Ester hen og rørte ved Spidsen af Scepteret;
2At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro.
3og Kongen sagde til hende: "Hvad fattes dig, Dronning Ester, og hvad er dit Ønske? Om det så er Halvdelen af Riget, skal du få det!
3Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo kahit kalahati ng kaharian.
4Ester svarede: "Hvis Kongen synes, vil jeg bede Kongen og Haman om i Dag at komme til et Gæstebud, jeg har gjort rede for ham."
4At sinabi ni Esther, Kung inaakalang mabuti ng hari, pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya.
5Da sagde Kongen: Send hurtigt Bud efter Haman, for at Esters Ønske kan blive opfyldt!" Så kom Haman og Kongen til det Gæstebud, Ester havde gjort rede,
5Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther. Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther.
6og da de sad ved Vinen, sagde Kongen til Ester: Hvad er din Bøn? Du skal få den opfyldt. Og hvad er dit Ønske? Om det så er Halvdelen af Riget, skal det tilstås dig!
6At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak: Ano ang iyong hingi? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.
7Ester svarede: "Min Bøn og mit Ønske er
7Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito;
8hvis jeg har fundet Nåde for Kongens Øjne, og hvis det synes Kongen ret at opfylde min Bøn og tilstå mig mit Ønske, så komme Kongen og Haman til et Gæstebud, jeg vil gøre rede for dem. I Morgen vil jeg da gøre, som Kongen siger!"
8Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari, at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi, at gawin ang aking hiling, na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila, at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari.
9Haman gik glad og vel til Mode derfra den Dag. Men da Haman så Mordokaj i Kongens Port, og han hverken rejste sig op eller rørte sig af Pletten for ham, opfyldtes han af Vrede mod Mordokaj.
9Nang magkagayo'y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso: nguni't nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya, siya'y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo.
10Dog tvang han sig; men da han var kommet hjem, sendte han Bud efter sine Venner og sin Hustru Zeresj;
10Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili, at umuwi sa bahay; at siya'y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si Zeres na kaniyang asawa.
11og Haman talte til dem om sin overvættes Rigdom og sine mange Sønner og om al den Ære, Kongen havde vist ham, og hvorledes han havde udmærket ham frem for Fyrsterne og Kongens Folk.
11At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan, at ang karamihan ng kaniyang mga anak, at lahat ng bagay na ipinagkaloob ng hari sa kaniya, at kung paanong siya'y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari.
12Og Haman sagde: Dronning Ester lod heller ikke andre end mig komme med Kongen til det Gæstebud, hun havde gjoet rede; og jeg er også indbudt af hende til i Morgen sammen med Kongen.
12Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari.
13Men alt det er mig ikke nok, så længe jeg ser denne Jøde Mordokaj sidde i Kongens Port."
13Gayon ma'y ang lahat ng ito'y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari.
14Da sagde hans Hustru Zeresj og alle hans Venner til ham: "Lad en Galge rejse, halvtredsindstyve Alen høj, og bed i Morgen tidlig Kongen om, at Mordokaj må blive hængt i den; så kan du gå glad til Gæstebudet med Kongen. Det vandt Hamans Bifald, og han lod Galgen rejse.
14Nang magkagayo'y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya: Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas, at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo: kung magkagayo'y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan. At ang bagay ay nakalugod kay Aman; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan.