1در همان روز فلسطینی ها سپاه خود را جمع کردند تا در مقابل اسرائیل بجنگند. اَخیش به داود گفت: «تو و مردانت باید به میدان جنگ بروید و به ما کمک کنید.»
1At nangyari sa mga araw na yaon, na pinisan ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo sa pakikidigma upang lumaban sa Israel. At sinabi ni Achis kay David, Talastasin mong maigi na ikaw ay lalabas na kasama ko sa hukbo, ikaw at ang inyong mga lalake.
2داود گفت: «بسیار خوب، خواهی دید که نوکرت چه کارروائی هائی خواهد کرد.» اَخیش گفت: «پس در اینصورت ترا برای همیشه بحیث محافظ خود مقرر می کنم.»
2At sinabi ni David kay Achis, Kaya't iyong nalalaman kung anong gagawin ng iyong lingkod. At sinabi ni Achis kay David, Kaya't gagawin kitang bantay sa aking ulo magpakailan man.
3در عین حال سموئیل مرده بود و تمام قوم اسرائیل برای او ماتم گرفتند. و بعد او را در شهر خودش، در رامه بخاک سپردند. و شائول پادشاه، همه فالبین ها و جادوگران را از کشور اسرائیل بیرون راند.
3Si Samuel nga ay namatay, at pinanaghuyan ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa makatuwid baga'y sa kaniyang sariling bayan. At pinalayas ni Saul sa lupain, yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula.
4فلسطینی ها آمدند و در شونیم اردو زدند. و شائول با سپاه خود در جِلبوع سنگر گرفت.
4At nagpipisan ang mga Filisteo, at naparoon at humantong sa Sunam: at pinisan ni Saul ang buong Israel, at sila'y humantong sa Gilboa.
5وقتی شائول سپاه عظیم فلسطینی ها را دید ترسید
5At nang makita ni Saul ang hukbo ng mga Filisteo, siya'y natakot, at ang kaniyang puso ay nanginig na mainam.
6و از خداوند سوال کرد که چه کند. اما خداوند جوابش را نداد ـ نه در خواب و نه بذریعۀ اوریم و نه بواسطۀ انبیاء.
6At nang magusisa si Saul sa Panginoon, ay hindi siya sinagot ng Panginoon, maging sa panaginip man, ni sa Urim man, ni sa pamamagitan man ng mga propeta.
7آنگاه شائول به خادمان خود گفت: «بروید زنی را که جن داشته باشد پیدا کنید، تا پیش او رفته بپرسم که چه باید بکنم.» آن ها رفتند و یک زن را در عین دور یافتند.
7Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod, Ihanap ninyo ako ng isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, upang ako'y pumaroon sa kaniya, at magusisa sa kaniya. At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya. Narito, may isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu sa Endor.
8پس شائول تغییر قیافه داده لباس عادی پوشید و در وقت شب به خانۀ آن زن رفت. از او خواهش کرده گفت: «بوسیلۀ جنی که داری برای من فال ببین و شخصی را که نام ببرم برایم بیاور.»
8At hindi napakilala si Saul, at nagsuot ng ibang kasuutan, at naparoon siya at ang dalawang lalake na kasama niya, at sila'y dumating sa babae nang kinagabihan: at kaniyang sinabi, Hulaan mo ako isinasamo ko sa iyo, sa pamamagitan ng sinasanggunian mong espiritu, at iahon mo sa akin sinomang banggitin ko sa iyo.
9زن به او گفت: «تو خوب می دانی که شائول تمام فالگیران و جادوگران را از کشور بیرون راند. پس چطور می خواهی که من خود را بدام بیندازم و خود را به کشتن بدهم؟»
9At sinabi ng babae sa kaniya, Narito, iyong nalalaman ang ginawa ni Saul, kung paanong kaniyang inihiwalay yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, sa lupain: bakit nga ipinaglalagay mo ng silo ang aking buhay, upang ipapatay ako?
10شائول گفت: «بنام خداوند قسم می خورم که از این بابت هیچ ضرری بتو نمی رسد.»
10At sumumpa si Saul sa kaniya sa pamamagitan ng Panginoon, na sinasabi, Buhay ang Panginoon, walang parusang mangyayari sa iyo dahil sa bagay na ito.
11زن پرسید: «چه کسی را می خواهی که برایت بیاورم؟» او جواب داد: «سموئیل را.»
11Nang magkagayo'y sinabi ng babae, Sinong iaahon ko sa iyo? At kaniyang sinabi, Iahon mo si Samuel sa akin.
12وقتی آن زن سموئیل را دید با آواز بلند فریاد کشید و به شائول گفت: «برای چه مرا فریب دادی؟ تو شائول هستی.»
12At nang makita ng babae si Samuel, ay sumigaw ng malakas na tinig at nagsalita ang babae kay Saul, na sinasabi, Bakit mo ako dinaya? sapagka't ikaw ay si Saul.
13پادشاه به او گفت: «چه را می بینی؟» زن گفت: «روحی را می بینم که از زمین بیرون می آید.»
13At sinabi ng hari sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't anong iyong nakikita? At sinabi ng babae kay Saul, Aking nakikita'y isang dios na lumilitaw sa lupa.
14شائول پرسید: «چه شکل دارد؟» زن جواب داد: «مرد پیری را می بینم که ردای پوشیده است.» آنگاه شائول دانست که او سموئیل است. پس رو بزمین خم شد و تعظیم کرد.
14At kaniyang sinabi sa kaniya, Ano ang kaniyang anyo? At sinabi niya, Isang matandang lalake ay lumilitaw; at siya'y nabibilot ng isang balabal. At nakilala ni Saul, na si Samuel, at siya'y yumukod sa lupa, at nagbigay galang.
15سموئیل به شائول گفت: «چرا آسایش مرا برهم زدی و مرا به اینجا آوردی؟» شائول گفت: «مشکل بزرگی دارم، زیرا فلسطینی ها به جنگ من آمده اند. خداوند مرا ترک کرده است و دیگر به سوالهای من جواب نمی دهد ـ نه بواسطۀ انبیاء و نه در خواب. بنابران، ترا خواستم تا به من بگوئی که چه چاره کنم.»
15At sinabi ni Samuel kay Saul, Bakit mo binagabag ako sa aking pagahon? At sumagot si Saul, Ako'y totoong naliligalig; sapagka't ang mga Filisteo ay nangdidigma laban sa akin, at ang Dios ay humiwalay sa akin, at hindi na ako sinasagot, kahit sa pamamagitan ng mga propeta, ni ng panaginip man: kaya tinawag kita, upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin.
16سموئیل گفت: «در صورتیکه می دانی خداوند ترا ترک کرده و دشمن تو شده است، از من چرا سوال می کنی؟
16At sinabi ni Samuel, Bakit nga nagtatanong ka sa akin, dangang ang Panginoon ay humiwalay sa iyo, at naging iyong kaaway?
17خداوند طوریکه قبلاً به من گفته بود، عمل کرد. او پادشاهی را از تو گرفته و به رقیبت، داود داده است.
17At ginawa ng Panginoon ang gaya ng sinalita niya sa pamamagitan ko: at inihiwalay ng Panginoon ang kaharian sa iyong kamay, at ibinigay sa iyong kapuwa, sa makatuwid baga'y kay David.
18زیرا که تو امر خداوند را بجا نیاوردی و به عمالیق قهر و غضب او را نشان ندادی. بنابران، خداوند این روز را بر سر تو آورد.
18Sapagka't hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, at hindi mo ginawa ang kaniyang mabagsik na galit sa Amalec, kaya't ginawa ng Panginoon ang bagay na ito sa iyo sa araw na ito.
19علاوه براین، تو و قوم اسرائیل به دست فلسطینی ها اسیر می شوید و تو و پسرانت فردا پیش من خواهید بود. و تمام لشکر اسرائیلی بکلی نابود می شود.»
19Bukod dito'y ibibigay ng Panginoon ang Israel naman na kalakip mo sa kamay ng mga Filisteo: at bukas, ikaw at ang iyong mga anak ay masasama sa akin: ibibigay naman ng Panginoon ang hukbo ng Israel sa kamay ng mga Filisteo.
20آنگاه شائول بروی زمین دراز افتاد، زیرا سخنان سموئیل او را بشدت ترساند. برعلاوه، چون تمام شب و روز چیزی نخورده بود، بیحال شده بود.
20Nang magkagayo'y biglang nabulagta si Saul sa lupa, at siya'y natakot na mainam, dahil sa mga salita ni Samuel; at nawalan siya ng lakas; sapagka't hindi siya kumain ng tinapay buong araw, ni buong gabi man.
21وقتی آن زن وضع پریشان شائول را دید به او گفت: «کنیزت امرت را بجا آورد و جان خود را بخطر انداخت.
21At naparoon ang babae kay Saul at nakita na siya'y totoong bagabag, at sinabi sa kaniya, Narito, narinig ng iyong lingkod ang iyong tinig, at aking inilagay ang aking buhay sa aking kamay, at aking dininig ang iyong mga salita na iyong sinalita sa akin.
22حالا تمنا می کنم که تو هم خواهش کنیزت را بپذیر و یک چیزی بخور تا کمی قوت یافته براه خود بروی.»
22Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, iyong dinggin naman ang tinig ng iyong lingkod, at papaglagyin mo ako ng isang subo na tinapay sa harap mo; at iyong kanin upang ikaw ay lumakas, paglakad mo ng iyong lakad.
23اما شائول از خوردن خودداری کرده گفت: «من چیزی نمی خورم.» خادمانش هم با آن زن همنوا شده اصرار نمودند. پس شائول از زمین برخاسته و بر بستر نشست.
23Nguni't siya'y tumanggi at nagsabi, Hindi ako kakain. Nguni't ipinilit ng kaniyang mga lingkod na pati ng babae; at dininig niya ang kanilang tinig. Sa gayo'y siya'y bumangon sa lupa, ay umupo sa higaan.
24آن زن فوراً گوسالۀ چاقی را که در خانه داشت کشت. آرد را خمیر کرده نان فطیر پخت.و بعد غذا را پیش شائول و خادمانش آورد. بعد از آنکه نان خورده شد، برخاستند و شباشب براه افتادند.
24At ang babae ay mayroong isang matabang guyang baka sa bahay; at siya'y nagmadali, at pinatay niya; at siya'y kumuha ng harina at kaniyang minasa, at kaniyang niluto na tinapay na walang lebadura;
25و بعد غذا را پیش شائول و خادمانش آورد. بعد از آنکه نان خورده شد، برخاستند و شباشب براه افتادند.
25At kaniyang dinala sa harap ni Saul, at sa harap ng kaniyang mga lingkod; at sila'y kumain. Nang magkagayo'y sila'y bumangon, at umalis nang gabing yaon.