1مرد مقتدر و ثروتمندی در قبیلۀ بنیامین زندگی می کرد. نام او قَیس، نام پدرش اَبیئیل، نام پدر کلانش صرور، نام نیکه اش بَکُورَت و نام نیکه کلان او افیح بود.
1May isang lalake nga sa Benjamin, na ang pangala'y Cis, na anak ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, na anak ni Aphia, na anak ng isang Benjamita, na isang makapangyarihang lalake na may tapang.
2قَیس پسر جوان و خوش چهره ای بنام شائول داشت که در بین تمام اسرائیل مثل او جوان خوش اندامی پیدا نمی شد و در بلندی قد نظیر او کسی نبود.
2At siya'y may isang anak na lalake, na ang pangala'y Saul, isang bata at makisig: at sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalake kay sa kaniya: mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa paitaas ay lalong mataas siya kay sa sinoman sa bayan.
3روزی خرهای قَیس، پدر شائول گم شدند. قَیس به پسر خود، شائول گفت: «برخیز و یکی از خادمان را با خود گرفته برای یافتن خرها برو.»
3At ang mga asno ni Cis na ama ni Saul ay nawala. At sinabi ni Cis kay Saul na kaniyang anak, Ipagsama mo ngayon ang isa sa mga bataan, at ikaw ay tumindig, at hanapin mo ang mga asno.
4آن ها از کوهستانهای افرایم گذشته تا سرزمین شَلیشه رفتند، اما خرها را نیافتند. از آنجا به شَعلیم سفر کردند، ولی اثری از خرها نبود. بعد سراسر سرزمین بنیامین را جستجو نمودند، باز هم خرها را نیافتند.
4At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim, at nagdaan sa lupain ng Salisa, nguni't hindi nila nangasumpungan: nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim, at wala roon: at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita, nguni't hindi nila nangasumpungan doon.
5وقتی به سرزمین صوف رسیدند، شائول به خادم همراه خود گفت: «بیا که برگردیم. ممکن است حالا پدرم خرها را فراموش کرده و بخاطر ما پریشان باشد.»
5Nang sila'y dumating sa lupain ng Suph, ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya, Halina at bumalik tayo, baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo.
6اما خادمش در جواب او گفت: «یک چیزی بیادم آمد. در این شهر یک مرد خدا زندگی می کند و همه مردم به او احترام دارند. او هر چیزی که بگوید، حقیقت پیدا می کند. بیا که پیش او برویم، شاید بتواند ما را در سفر راهنمائی کند.»
6At sinabi niya sa kaniya, Narito, may isa ngang lalake ng Dios sa bayang ito, at siya'y isang lalaking may dangal; lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari: ngayo'y pumaroon tayo; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon.
7شائول جواب داد: «ولی ما چیزی نداریم که برایش ببریم. نانی که در توبره داشتیم تمام شده است و تحفۀ دیگری هم موجود نیست که برای آن مرد خدا بدهیم. پس چه ببریم؟»
7Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Nguni't narito, kung tayo'y pumaroon, ano ang ating dadalhin sa lalake? sapagka't naubos na ang tinapay sa ating mga buslo, at wala na tayong madadalang kaloob sa lalake ng Dios: anong mayroon tayo?
8خادم گفت: «من شش نخود نقره دارم و آن را به مرد خدا می دهیم تا راه را برای ما نشان بدهد.»
8At sumagot uli ang bataan kay Saul, at nagsabi, Narito, mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak: iyan ang aking ibibigay sa lalake ng Dios, upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay.
9(در آن زمان وقتی کسی حاجتی از خدا می داشت، می گفت: «بیا که پیش یک رایی برویم.» چون به کسانی که امروز نبی می گویند در آن دوران آن ها را رایی می گفتند.)
9(Nang una sa Israel, pagka ang isang lalake ay mag-uusisa sa Dios, ay ganito ang sinasabi, Halika, at tayo'y pumaroon sa tagakita: sapagka't yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatawag nang una na Tagakita.)
10شائول قبول کرد و گفت: «بسیار خوب، بیا که برویم.» پس آن ها به شهر پیش آن مرد خدا رفتند.
10Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Mabuti ang sinasabi mo; halika, tayo'y pumaroon. Sa gayo'y naparoon sila sa bayang kinaroroonan ng lalake ng Dios.
11آن دو در راهِ تپه ای که به طرف شهر می رفت با چند دختر جوان برخوردند که برای کشیدن آب می رفتند. از آن دخترها پرسیدند: «آیا در این شهر نبی خداوند است؟»
11Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig, at sinabi nila sa kanila, Narito ba ang tagakita?
12دخترها جواب دادند: «بلی، از همین راه مستقیم بروید، چون او همین حالا به شهر رسید، زیرا مردم در بالای تپه مصروف اجرای مراسم قربانی هستند.
12At sila'y sumagot sa kanila, at nagsabi, Siya'y nariyan, narito, nasa unahan mo: magmadali kayo ngayon, sapagka't siya'y naparoon ngayon sa bayan; sapagka't ang bayan ay may hain ngayon sa mataas na dako.
13پس عجله کنید، چون ممکن است وقتی شما به شهر داخل شوید او برای صرف غذا بسر تپه برود. و تا او به آنجا نرسد، مردم به غذا دست نمی زنند، زیرا او اول دعای قربانی را می خواند و بعد از آن مهمانها غذا می خورند. حالا بروید، بزودی او را می بینید.»
13Pagkapasok ninyo sa bayan, ay agad masusumpungan ninyo siya, bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain; sapagka't ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating, sapagka't kaniyang binabasbasan ang hain; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan. Kaya nga umahon kayo; sapagka't sa oras na ito'y inyong masusumpungan siya.
14پس آن ها به شهر رفتند و دیدند که سموئیل در راه خود بسوی تپه، بطرف آن ها می آید.
14At sila'y umahon sa bayan; at pagpasok nila sa bayan, narito, si Samuel ay nasasalubong nila, na papaahon sa mataas na dako.
15یک روز پیش از آمدن شائول، خداوند به سموئیل فرمود:
15Inihayag nga ng Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi,
16«فردا در همین ساعت مردی را از سرزمین بنیامین پیش تو می فرستم و تو او را مسح کرده بعنوان فرمانروای قوم برگزیدۀ من، اسرائیل انتخاب می کنی تا قوم برگزیدۀ مرا از دست فلسطینی ها نجات بدهد. من بر آن ها رحم کرده ام، زیرا زاری و نالۀ شان بگوش من رسیده است.»
16Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.
17وقتی سموئیل شائول را دید، خداوند به سموئیل فرمود: «این شخص همان کسی است که من در باره اش بتو گفتم! او کسی است که باید بر قوم برگزیدۀ من حکومت کند.»
17At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.
18لحظه ای بعد شائول در پیش دروازۀ شهر با سموئیل برخورد و گفت: «لطفاً خانۀ نبی خداوند را به ما نشان بده.»
18Nang magkagayo'y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung saan nandoon ang bahay ng tagakita.
19سموئیل جواب داد: «من خودم همان نبی هستم؛ حالا پیشتر از من بسر تپه برو، زیرا امروز با من غذا می خوری. فردا صبح هرچه که می خواهی بدانی، برایت می گویم و بعد می توانی به هر جائی می خواهی، بروی.
19At sumagot si Samuel kay Saul, at nagsabi, Ako ang tagakita; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako, sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon: at sa kinaumagahan ay payayaunin kita, at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo.
20اما در بارۀ خرها که سه روز پیش گم شده بودند، غم نخور، چرا که آن ها یافت شده اند، ولی چیزی که مردم اسرائیل بیشتر می خواهند تو و خانوادۀ پدرت می باشید.»
20At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?
21شائول جواب داد: «من از قبیلۀ بنیامین هستم که کوچکترین قبیله ها است و خانوادۀ من هم از نگاه اهمیت و شهرت کمترین خانواده های قبیلۀ بنیامین می باشد. چرا این سخنان را با من می زنی؟»
21At si Saul ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba ako Benjamita, sa pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan?
22آنگاه سموئیل شائول و خادمش را در سالون بزرگی که در آن در حدود سی نفر مهمان حضور داشتند، برده در صدر مجلس جا داد.
22At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan, at ipinasok niya sila sa kabahayan, at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan, na may tatlong pung katao.
23بعد سموئیل به آشپز گفت: «آن تکۀ گوشت را که به تو دادم و گفتم که آنرا پیش خود نگهدار، بیاور.»
23At sinabi ni Samuel sa tagapagluto, Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, Ilagay mo ito sa iyo.
24آشپز گوشت را آورد و پیش شائول گذاشت. سموئیل گفت: «این را مخصوصاً برای تو نگهداشته بودم تا در وقت معینش آن را بخوری. حالا بفرما، نوش جان کن!»
به این ترتیب، شائول در آن روز با سموئیل غذا خورد.
24At itinaas nga ng tagapagluto ang hita, at yaong nakapatong, at inilagay sa harap ni Saul. At sinabi ni Samuel, Narito, siya ngang itinago! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin; sapagka't iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo, sapagka't aking sinabi, Aking inanyayahan ang bayan. Sa gayo'y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon.
25وقتی آن ها از تپه پائین آمدند و به شهر رفتند، سموئیل شائول را بر بام خانۀ خود برده و با او به گفتگو پرداخت.
25At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako, siya'y nakipagpulong kay Saul sa bubungan ng bahay.
26صبح وقت روز دیگر سموئیل شائول را که در پشت بام بود صدا کرد و گفت: «برخیز، وقت آن است که باید بروی.» پس شائول برخاست با سموئیل بیرون رفت.وقتی آن ها به خارج شهر نزدیک شدند، سموئیل به شائول گفت: «به خادمت بگو که پیشتر از ما برود و تو کمی معطل کن، زیرا می خواهم پیغامی را که از جانب خداوند دارم برایت برسانم.»
26At sila'y bumangong maaga: at nangyari sa pagbubukang liwayway, na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, na sinasabi, Bangon, upang mapagpaalam kita. At si Saul ay bumangon, at lumabas kapuwa sila, siya at si Samuel.
27وقتی آن ها به خارج شهر نزدیک شدند، سموئیل به شائول گفت: «به خادمت بگو که پیشتر از ما برود و تو کمی معطل کن، زیرا می خواهم پیغامی را که از جانب خداوند دارم برایت برسانم.»
27At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan, ay sinabi ni Samuel kay Saul, Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin (at siya'y nagpauna,) nguni't tumigil ka sa oras na ito, upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios.