Dari

Tagalog 1905

Genesis

1

1در ابتدا خدا آسمان ها و زمین را آفرید.
1Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2زمین خالی و بدون شکل بود. همه جا آب بود و تاریکی آنرا پوشانیده بود و روح خدا بر روی آبها حرکت می کرد.
2At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3خدا فرمود: «روشنی بشود» و روشنی شد.
3At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
4خدا دید که روشنی نیکوست و روشنی را از تاریکی جدا کرد.
4At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
5خدا روشنی را روز و تاریکی را شب نام گذاشت. شب گذشت و صبح شد. این بود روز اول.
5At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.
6خدا فرمود: «فضا ساخته شود تا آبها را از یکدیگر جدا کند.»
6At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.
7خدا فضا را ساخت و آب های زیر فضا را از آب های بالای فضا جدا کرد.
7At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.
8خدا فضا را آسمان نامید. شب گذشت و صبح شد. این بود روز دوم.
8At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.
9خدا فرمود: «آب های زیر آسمان در یک جا جمع شوند تا خشکه ظاهر گردد» و چنان شد.
9At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.
10خدا خشکه را زمین نامید و آبها را که در یک جا جمع شده بودند بحر نام گذاشت. خدا دید که آنچه انجام شده بود نیکوست.
10At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.
11سپس خدا فرمود: «زمین همه نوع نبات برویاند. نباتاتی که غلات و حبوبات بیاورند و نباتاتی که میوه بار آورند» و چنین شد.
11At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
12پس زمین همه نوع نبات رویانید و خدا دید که آنچه بوجود آمده بود نیکوست.
12At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti.
13شب گذشت و صبح شد. این بود روز سوم.
13At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.
14بعد از آن خدا فرمود: «اجسام نورانی در آسمان بوجود آیند تا روز را از شب جدا کنند و روز ها، سال ها، آیات و زمان ها را نشان دهند.
14At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:
15آن ها در آسمان بدرخشند تا بر زمین روشنی دهند» و چنین شد.
15At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
16پس از آن، خدا دو جسم نورانی بزرگتر ساخت، یکی آفتاب برای سلطنت در روز و یکی ماهتاب برای سلطنت در شب. همچنین ستارگان را ساخت.
16At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.
17آن ها را در آسمان قرار داد تا بر زمین روشنی دهند
17At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
18و بر روز و شب سلطنت نمایند و روشنی را از تاریکی جدا کنند. خدا دید که نیکوست.
18At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.
19شب گذشت و صبح شد. این بود روز چهارم.
19At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.
20پس از آن خدا فرمود: «آبها از انواع حیوانات و آسمان از انواع پرندگان پُر شوند.»
20At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.
21پس خدا جانداران بزرگ بحری و همۀ حیواناتی که در آب زندگی می کنند و تمام پرندگان آسمان را آفرید. خدا دید که آنچه کرده بود نیکوست.
21At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
22و همۀ آن ها را برکت داد و فرمود: «بارور و زیاد شوید و آب های بحر را پُر سازید و پرندگان در زمین زیاد شوند.»
22At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.
23شب گذشت و صبح شد. این بود روز پنجم.
23At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.
24بعد از آن خدا فرمود: «زمین همه نوع حیوانات بوجود آوَرَد، اهلی و وحشی، بزرگ و کوچک» و چنین شد.
24At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.
25پس خدا همۀ آن ها را ساخت و دید که آنچه انجام داده بود نیکوست.
25At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
26پس از آن خدا فرمود: «حالا انسان را می سازیم. آن ها به صورت ما و به شکل ما باشند و بر ماهیان بحری و پرندگان آسمان و همۀ حیوانات، اهلی و وحشی، بزرگ و کوچک و تمام زمین حکومت کنند.»
26At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.
27پس خدا انسان را به صورت خود آفرید. انسان را به صورت خدا آفرید. آن ها را زن و مرد آفرید.
27At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
28آن ها را برکت داد و فرمود: «بارور و زیاد شوید، زمین را پُر سازید و در آن تسلط نمائید. بر ماهیان و پرندگان و تمام حیوانات روی زمین حکومت کنید.»
28At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
29و خدا گفت: «هر نوع گیاهی را که غلات و حبوبات بیاورد و هر نوع درختی را که میوه بیاورد به شما دادم تا برای شما خوراک باشد.
29At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain:
30اما هر نوع علف سبز را برای خوراک تمام حیوانات و پرندگان آماده کرده ام.» و چنین شد.آنگاه خدا کارهای آفرینش را ملاحظه کرد و همه را از هر جهت عالی یافت. شب گذشت و صبح شد، این بود روز ششم.
30At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon.
31آنگاه خدا کارهای آفرینش را ملاحظه کرد و همه را از هر جهت عالی یافت. شب گذشت و صبح شد، این بود روز ششم.
31At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.