Darby's Translation

Tagalog 1905

1 Chronicles

28

1And David assembled all the princes of Israel, the princes of the tribes, and the princes of the divisions that ministered to the king, and the captains over thousands, and the captains over hundreds, and the comptrollers of all the substance and possessions of the king and of his sons, with the chamberlains, and the mighty men, and all the men of valour, unto Jerusalem.
1At pinulong ni David ang lahat na prinsipe sa Israel, ang mga prinsipe ng mga lipi, at ang mga punong kawal ng mga pulutong na nagsisipaglingkod sa hari ayon sa halinhinan, at ang mga punong kawal ng lilibuhin, at ang mga punong kawal ng dadaanin, at ang mga katiwala sa lahat ng tinatangkilik at pag-aari ng hari at ng kaniyang mga anak, na kasama ng mga pinuno at ng mga makapangyarihang lalake, lahat na makapangyarihang lalaking matapang, sa Jerusalem.
2And king David stood up upon his feet, and said, Hear me, my brethren and my people! I had in my heart to build a house of rest for the ark of the covenant of Jehovah and for the footstool of our God, and I have prepared to build.
2Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo.
3But God said to me, Thou shalt not build a house unto my name, for thou art a man of war, and hast shed blood.
3Nguni't sinabi ng Dios sa akin, Huwag mong ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, sapagka't ikaw ay lalaking mangdidigma, at nagbubo ka ng dugo.
4And Jehovah the God of Israel chose me out of all the house of my father to be king over Israel for ever; for he has chosen Judah to be the prince; and of the house of Judah, the house of my father; and among the sons of my father he took pleasure in me to make me king over all Israel;
4Gayon ma'y pinili ako ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa buong sangbahayan ng aking ama upang maging hari sa Israel magpakailan man: sapagka't kaniyang pinili ang Juda upang maging pangulo: at sa sangbahayan ng Juda, ang sangbahayan ng aking ama; at sa gitna ng mga anak ng aking ama ay kinaluguran niya ako upang gawin akong hari sa buong Israel:
5and of all my sons, (for Jehovah has given me many sons,) he has chosen Solomon my son to sit upon the throne of the kingdom of Jehovah over Israel.
5At sa lahat ng aking mga anak (sapagka't binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak,) pinili niya si Salomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng kaharian ng Panginoon sa Israel.
6And he said to me, Solomon thy son, he shall build my house and my courts; for I have chosen him to be my son, and I will be his father.
6At kaniyang sinabi sa akin, Si Salomon na iyong anak ay siyang magtatayo ng aking bahay at ng aking mga looban; sapagka't aking pinili siya upang maging anak ko, at ako'y magiging kaniyang ama.
7And I will establish his kingdom for ever, if he be firm to do my commandments and mine ordinances, as at this day.
7At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.
8And now in the sight of all Israel, the congregation of Jehovah, and in the audience of our God, -- keep and seek for all the commandments of Jehovah your God; that ye may possess the good land, and leave it as an inheritance to your children after you for ever.
8Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.
9And thou, Solomon my son, know the God of thy father, and serve him with a perfect heart and with a willing mind; for Jehovah searches all hearts, and discerns all the imaginations of the thoughts. If thou seek him, he will be found of thee; but if thou forsake him, he will cut thee off for ever.
9At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.
10Consider now, that Jehovah has chosen thee to build a house for the sanctuary: be strong, and do [it].
10Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo.
11And David gave to Solomon his son the pattern of the porch, and of its houses, and of its treasuries, and of its upper chambers, and of its inner chambers, and of the house of the mercy-seat;
11Nang magkagayo'y ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng portiko ng templo, at ng mga kabahayan niyaon, at ng mga ingatang-yaman niyaon, at ng mga mataas na silid niyaon, at ng mga pinakaloob na silid niyaon, at ng dakong luklukan ng awa:
12and the pattern of all that he had by the Spirit, of the courts of the house of Jehovah, and of all the chambers round about, for the treasuries of the house of God, and for the treasuries of the dedicated things;
12At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng silid sa palibot, tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios, at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay:
13and for the courses of the priests and the Levites, and for all the work of the service of the house of Jehovah, and for all the instruments of service in the house of Jehovah:
13Tungkol din naman sa mga bahagi ng mga saserdote at ng mga Levita, at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon.
14gold by weight for [things] of gold, for all utensils of each kind of service; for all utensils of silver, by weight, for all utensils of each kind of service;
14Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod:
15and the weight of the golden candlesticks, and of their golden lamps, by weight for every candlestick, and for its lamps; and for the silver candlesticks, by weight, for the candlestick and for its lamps, according to the use of every candlestick;
15Na ang timbang din naman na ukol sa mga kandelero na ginto, at sa mga ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero:
16and gold by weight for the tables of the [loaves] to be set in rows, for every table; and silver for the tables of silver;
16At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak:
17and pure gold for the forks, and the bowls, and the goblets; and for the golden basons by weight for every bason; and for the silver basons by weight for every bason;
17At ang mga panduro, at ang mga mangkok, at ang mga saro, na taganas na ginto: at sa mga gintong taza ay ang timbang sa bawa't taza; at sa mga pilak na taza ay ang timbang sa bawa't taza;
18and for the altar of incense, refined gold by weight; and the pattern of the chariot of the cherubim of gold, which spread out [their wings] and cover the ark of the covenant of Jehovah.
18At sa dambana ng kamangyan ay gintong dalisay ayon sa timbang: at ginto sa anyo ng karo, sa makatuwid baga'y ang mga querubin na nakabuka ang mga pakpak at lumililim sa kaban ng tipan ng Panginoon.
19All this [said David,] in writing, by Jehovah's hand upon me, instructing as to all the works of the pattern.
19Lahat ng ito'y, sabi ni David, aking naalaman sa sulat na mula sa kamay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y lahat ng gawain sa anyong ito.
20And David said to Solomon his son, Be strong and courageous, and do it; fear not nor be dismayed: for Jehovah Elohim, my God, will be with thee; he will not leave thee, neither forsake thee, until all the work for the service of the house of Jehovah is finished.
20At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.
21And behold, the courses of the priests and the Levites are for all the service of the house of God; and thou hast with thee for all manner of workmanship every willing man, skilful for every sort of service; and the princes and all the people are wholly at thy commandment.
21At, narito, may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita, na ukol sa lahat na paglilingkod sa bahay ng Dios: at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa't may kusang kaloobang tao na bihasa sa sarisaring paglilingkod: ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos.