1Christ, then, having suffered for us in [the] flesh, do *ye* also arm yourselves with the same mind; for he that has suffered in [the] flesh has done with sin,
1Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka't siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;
2no longer to live the rest of [his] time in [the] flesh to men's lusts, but to God's will.
2Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao, kundi sa kalooban ng Dios.
3For the time past [is] sufficient [for us] to have wrought the will of the Gentiles, walking in lasciviousness, lusts, wine-drinking, revels, drinkings, and unhallowed idolatries.
3Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan:
4Wherein they think it strange that ye run not with [them] to the same sink of corruption, speaking injuriously [of you];
4Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo'y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, kung kaya't kayo'y pinagsasalitaan ng masama:
5who shall render account to him who is ready to judge [the] living and [the] dead.
5Na sila'y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay.
6For to this [end] were the glad tidings preached to [the] dead also, that they might be judged, as regards men, after [the] flesh, but live, as regards God, after [the] Spirit.
6Sapagka't dahil dito'y ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa't mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.
7But the end of all things is drawn nigh: be sober therefore, and be watchful unto prayers;
7Nguni't ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:
8but before all things having fervent love among yourselves, because love covers a multitude of sins;
8Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:
9hospitable one to another, without murmuring;
9Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:
10each according as he has received a gift, ministering it to one another, as good stewards of [the] various grace of God.
10Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;
11If any one speak -- as oracles of God; if any one minister -- as of strength which God supplies; that God in all things may be glorified through Jesus Christ, to whom is the glory and the might for the ages of ages. Amen.
11Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12Beloved, take not [as] strange the fire [of persecution] which has taken place amongst you for [your] trial, as if a strange thing was happening to you;
12Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:
13but as ye have share in the sufferings of Christ, rejoice, that in the revelation of his glory also ye may rejoice with exultation.
13Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
14If ye are reproached in [the] name of Christ, blessed [are ye]; for the [Spirit] of glory and the Spirit of God rests upon you: [on their part he is blasphemed, but on your part he is glorified.]
14Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
15Let none of you suffer indeed as murderer, or thief, or evildoer, or as overseer of other people's matters;
15Nguni't huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:
16but if as a christian, let him not be ashamed, but glorify God in this name.
16Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.
17For the time of having the judgment begin from the house of God [is come]; but if first from us, what [shall be] the end of those who obey not the glad tidings of God?
17Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?
18And if the righteous is difficultly saved, where shall the impious and [the] sinner appear?
18At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?
19Wherefore also let them who suffer according to the will of God commit their souls in well-doing to a faithful Creator.
19Kaya't ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.