1But this know, that in [the] last days difficult times shall be there;
1Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
2for men shall be lovers of self, lovers of money, boastful, arrogant, evil speakers, disobedient to parents, ungrateful, profane,
2Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
3without natural affection, implacable, slanderers, of unsubdued passions, savage, having no love for what is good,
3Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
4traitors, headlong, of vain pretensions, lovers of pleasure rather than lovers of God;
4Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
5having a form of piety but denying the power of it: and from these turn away.
5Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
6For of these are they who are getting into houses, and leading captive silly women, laden with sins, led by various lusts,
6Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,
7always learning, and never able to come to [the] knowledge of [the] truth.
7Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.
8Now in the same manner in which Jannes and Jambres withstood Moses, thus these also withstand the truth; men corrupted in mind, found worthless as regards the faith.
8At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.
9But they shall not advance farther; for their folly shall be completely manifest to all, as that of those also became.
9Nguni't sila'y hindi mangagpapatuloy: sapagka't mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon.
10But *thou* hast been thoroughly acquainted with my teaching, conduct, purpose, faith, longsuffering, love, endurance,
10Nguni't sinunod mo ang aking aral, ugali, akala, pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis,
11persecutions, sufferings: what [sufferings] happened to me in Antioch, in Iconium, in Lystra; what persecutions I endured; and the Lord delivered me out of all.
11Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.
12And all indeed who desire to live piously in Christ Jesus will be persecuted.
12Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.
13But wicked men and juggling impostors shall advance in evil, leading and being led astray.
13Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.
14But *thou*, abide in those things which thou hast learned, and [of which] thou hast been fully persuaded, knowing of whom thou hast learned [them];
14Datapuwa't manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan;
15and that from a child thou hast known the sacred letters, which are able to make thee wise unto salvation, through faith which [is] in Christ Jesus.
15At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
16Every scripture [is] divinely inspired, and profitable for teaching, for conviction, for correction, for instruction in righteousness;
16Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
17that the man of God may be complete, fully fitted to every good work.
17Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.