1And Jacob continued his journey, and went into the land of the children of the east.
1Nang magkagayo'y nagpatuloy si Jacob ng kaniyang paglalakbay, at napasa lupain ng mga anak ng silanganan.
2And he looked, and behold, there was a well in the fields, and behold there, three flocks of sheep were lying by it; for out of that well they watered the flocks, and a great stone was at the mouth of the well.
2At siya'y tumingin, at nakakita ng isang balon sa parang, at narito, may tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon: sapagka't sa balong yaon pinaiinom ang mga kawan: at ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay malaki.
3And when all the flocks were gathered there, they rolled the stone from the mouth of the well, and watered the sheep, and put the stone again on the mouth of the well in its place.
3At doon nagkakatipon ang lahat ng kawan: at kanilang iginugulong ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon, at pinaiinom ang mga tupa, at muling inilalagay ang bato sa ibabaw ng labi ng balon, sa dako niyaon.
4And Jacob said to them, My brethren, whence are ye? And they said, Of Haran are we.
4At sinabi sa kanila ni Jacob, Mga kapatid ko, taga saan kayo? At kanilang sinabi, Taga Haran kami.
5And he said to them, Do ye know Laban the son of Nahor? And they said, We do know [him].
5At sinabi niya sa kanila, Nakikilala ba ninyo si Laban na anak ni Nachor? At kanilang sinabi, Nakikilala namin siya.
6And he said to them, Is he well? And they said, [He is] well; and behold, there comes Rachel his daughter with the sheep.
6At sinabi niya sa kanila, Siya ba'y mabuti? At, kanilang sinabi, Siya'y mabuti: at, narito, si Raquel na kaniyang anak ay dumarating na dala ang mga tupa.
7And he said, Behold, it is yet high day; it is not time that the cattle should be gathered together; water the sheep, and go, feed [them].
7At sinabi niya, Narito, maaga pa, ni hindi oras tipunin ang mga hayop: painumin ninyo ang mga tupa, at inyo silang pasabsabin.
8And they said, We cannot until all the flocks are gathered together, and they roll the stone from the mouth of the well, and we water the sheep.
8At kanilang sinabi, Hindi namin magagawa hanggang sa magkatipon ang lahat ng kawan, at igugulong ang bato mula sa labi ng balon; gayon nga aming pinaiinom ang mga tupa.
9While he was still speaking to them, Rachel came with her father's sheep, for she was a shepherdess.
9Samantalang nakikipagusap pa siya sa kanila, ay dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kaniyang ama; sapagka't siya ang nagaalaga ng mga iyon.
10And it came to pass when Jacob saw Rachel the daughter of Laban his mother's brother, and the sheep of Laban his mother's brother, that Jacob went near, and rolled the stone from the mouth of the well, and watered the sheep of Laban his mother's brother.
10At nangyari, nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina, at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina, na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina.
11And Jacob kissed Rachel, and lifted up his voice and wept.
11At hinagkan ni Jacob si Raquel; at humiyaw ng malakas at umiyak.
12And Jacob told Rachel that he was a brother of her father, and that he was Rebecca's son; and she ran and told her father.
12At kay Raquel ay sinaysay ni Jacob na siya'y kapatid ni Laban, na kaniyang ama, at anak siya ni Rebeca: at siya'y tumakbo at isinaysay sa kaniyang ama.
13And it came to pass when Laban heard the tidings of Jacob his sister's son, that he ran to meet him, and embraced him, and kissed him, and brought him to his house; and he told Laban all these things.
13At nangyari, nang marinig ni Laban ang mga balita tungkol kay Jacob, na anak ng kaniyang kapatid, ay tumakbo siya na kaniyang sinalubong, at kaniyang niyakap at kaniyang hinagkan, at kaniyang dinala sa kaniyang bahay. At isinaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
14And Laban said to him, Thou art indeed my bone and my flesh. And he abode with him a month's time.
14At sinabi sa kaniya ni Laban, Tunay na ikaw ay aking buto at aking laman. At dumoon sa kaniyang isang buwan.
15And Laban said to Jacob, Because thou art my brother, shouldest thou serve me for nothing? tell me, what shall be thy wages?
15At sinabi ni Laban kay Jacob, Sapagka't ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo.
16And Laban had two daughters: the name of the elder was Leah, and the name of the younger, Rachel.
16At may dalawang anak na babae si Laban: ang pangalan ng panganay ay Lea, at ang pangalan ng bunso ay Raquel.
17And the eyes of Leah were tender; but Rachel was of beautiful form and beautiful countenance.
17At ang mga mata ni Lea ay mapupungay; datapuwa't si Raquel ay maganda at kahalihalina.
18And Jacob loved Rachel, and said, I will serve thee seven years for Rachel thy younger daughter.
18At sininta ni Jacob si Raquel; at kaniyang sinabi, Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso.
19And Laban said, It is better that I give her to thee than that I should give her to another man: abide with me.
19At sinabi ni Laban, Magaling ang ibigay ko siya sa iyo, kay sa ibigay ko sa iba: matira ka sa akin.
20And Jacob served seven years for Rachel; and they were in his eyes as single days, because he loved her.
20At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel, na pitong taon; at sa kaniya'y naging parang ilang araw, dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya.
21And Jacob said to Laban, Give [me] my wife, for my days are fulfilled, that I may go in to her.
21At sinabi ni Jacob kay Laban, Ibigay mo sa akin ang aking asawa, sapagka't naganap na ang aking mga araw upang ako'y sumiping sa kaniya.
22And Laban gathered together all the men of the place, and made a feast.
22At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon at siya'y gumawa ng isang piging.
23And it came to pass in the evening, that he took Leah his daughter, and brought her to him; and he went in to her.
23At nangyari nang kinagabihan, na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob, at siya'y sumiping sa kaniya.
24And Laban gave to her Zilpah, his maidservant, to be maidservant to Leah his daughter.
24At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa.
25And it came to pass in the morning, that behold, it was Leah. And he said to Laban, What is this thou hast done to me? Have I not served thee for Rachel? Why then hast thou deceived me?
25At nangyari, na sa kinaumagahan, narito't si Lea: at kaniyang sinabi kay Laban: Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel? Bakit mo nga ako dinaya?
26And Laban said, It is not so done in our place, to give the younger before the firstborn.
26At sinabi ni Laban, Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako, na ibinibigay ang bunso, bago ang panganay.
27Fulfil the week [with] this one: then we will give thee the other one also, for the service that thou shalt serve me yet seven other years.
27Tapusin mo ang kaniyang sanglingo, at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa, dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa, sa akin.
28And Jacob did so, and fulfilled the week [with] this one, and he gave him Rachel his daughter to be his wife.
28At gayon ang ginawa ni Jacob, at tinapos niya ang sanglingo nito, at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya.
29And Laban gave to Rachel his daughter, Bilhah, his maidservant, to be her maidservant.
29At sa kaniyang anak na kay Raquel ay ibinigay ni Laban na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Bilha.
30And he went in also to Rachel; and he loved also Rachel more than Leah. And he served with him yet seven other years.
30At sumiping din naman si Jacob kay Raquel, at kaniya namang inibig si Raquel ng higit kay Lea, at naglingkod siya kay Laban na pitong taon pa.
31And when Jehovah saw that Leah was hated, he opened her womb; but Rachel was barren.
31At nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapopootan niya, at binuksan ang kaniyang bahay-bata; datapuwa't si Raquel ay baog.
32And Leah conceived, and bore a son, and called his name Reuben; for she said, Because Jehovah has looked upon my affliction; for now my husband will love me.
32At naglihi si Lea, at nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben; sapagka't kaniyang sinabi, Sapagka't nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian; dahil sa ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa.
33And she again conceived, and bore a son, and said, Because Jehovah has heard that I am hated, he has therefore given me this one also; and she called his name Simeon.
33At naglihi uli, at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Sapagka't narinig ng Panginoon na ako'y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito: at pinanganlan niyang Simeon.
34And she again conceived, and bore a son, and said, Now this time will my husband be united to me, for I have borne him three sons; therefore was his name called Levi.
34At naglihi uli at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Ngayo'y masasama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake: kaya't pinanganlan niyang Levi.
35And she again conceived, and bore a son, and said, This time will I praise Jehovah; therefore she called his name Judah. And she ceased to bear.
35At muling naglihi at nanganak ng isang lalake, at nagsabi, Ngayo'y aking pupurihin ang Panginoon: kaya't pinanganlang Juda; at hindi na nanganak.