1Wherefore, leaving the word of the beginning of the Christ, let us go on [to what belongs] to full growth, not laying again a foundation of repentance from dead works and faith in God,
1Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,
2of [the] doctrine of washings, and of imposition of hands, and of resurrection of [the] dead, and of eternal judgment;
2Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.
3and this will we do if God permit.
3At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.
4For it is impossible to renew again to repentance those once enlightened, and who have tasted of the heavenly gift, and have been made partakers of [the] Holy Spirit,
4Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,
5and have tasted the good word of God, and [the] works of power of [the] age to come,
5At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,
6and have fallen away, crucifying for themselves [as they do] the Son of God, and making a show of [him].
6At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
7For ground which drinks the rain which comes often upon it, and produces useful herbs for those for whose sakes also it is tilled, partakes of blessing from God;
7Sapagka't ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:
8but bringing forth thorns and briars, it is found worthless and nigh to a curse, whose end [is] to be burned.
8Datapuwa't kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.
9But we are persuaded concerning you, beloved, better things, and connected with salvation, even if we speak thus.
9Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:
10For God [is] not unrighteous to forget your work, and the love which ye have shewn to his name, having ministered to the saints, and [still] ministering.
10Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.
11But we desire earnestly that each one of you shew the same diligence to the full assurance of hope unto the end;
11At ninanasa namin na ang bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:
12that ye be not sluggish, but imitators of those who through faith and patience have been inheritors of the promises.
12Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.
13For God, having promised to Abraham, since he had no greater to swear by, swore by himself,
13Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili,
14saying, Surely blessing I will bless thee, and multiplying I will multiply thee;
14Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.
15and thus, having had long patience, he got the promise.
15At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
16For men indeed swear by a greater, and with them the oath is a term to all dispute, as making matters sure.
16Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.
17Wherein God, willing to shew more abundantly to the heirs of the promise the unchangeableness of his purpose, intervened by an oath,
17Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;
18that by two unchangeable things, in which [it was] impossible that God should lie, we might have a strong encouragement, who have fled for refuge to lay hold on the hope set before us,
18Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
19which we have as anchor of the soul, both secure and firm, and entering into that within the veil,
19Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing;
20where Jesus is entered as forerunner for us, become for ever a high priest according to the order of Melchisedec.
20Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.