Darby's Translation

Tagalog 1905

Joshua

11

1And it came to pass when Jabin king of Hazor heard [this], that he sent to Jobab king of Madon, and to the king of Shimron, and to the king of Achshaph,
1At nangyari nang mabalitaan ni Jabin na hari sa Hasor, na siya'y nagsugo kay Jobab na hari sa Madon, at sa hari sa Simron, at sa hari sa Achsaph,
2and to the kings that were northward in the mountains, and in the plain south of Chinneroth, and in the lowland, and on the upland of Dor on the west,
2At sa mga hari na nangasa hilagaan, sa lupaing maburol, at sa Araba sa timugan ng Cinneroth at sa mababang lupain, at sa mga kaitaasan ng Dor sa kalunuran,
3to the Canaanite on the east and on the west, and to the Amorite, and the Hittite, and the Perizzite, and the Jebusite in the mountains, and to the Hivite at the foot of Hermon in the land of Mizpah.
3Sa Cananeo sa silanganan at sa kalunuran at sa Amorrheo, at sa Hetheo, at sa Pherezeo, at sa Jebuseo sa lupaing maburol, at sa Heveo sa ibaba ng Hermon, sa lupain ng Mizpa.
4And they went out, they and all their armies with them, a people numerous as the sand that is on the seashore in multitude, with horses and chariots very many.
4At sila'y lumabas, sila at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, maraming tao, na gaya nga ng mga buhangin na nasa baybayin ng dagat sa karamihan, na may mga kabayo at mga karo na totoong marami.
5And all these kings met together, and came and encamped together at the waters of Merom, to fight against Israel.
5At ang lahat ng mga haring ito ay nagpipisan; at sila'y naparoon at humantong na magkakasama sa tubig ng Merom, upang makipaglaban sa Israel.
6And Jehovah said to Joshua, Be not afraid because of them; for to-morrow about this time will I give them all up slain before Israel: their horses shalt thou hough, and thou shalt burn their chariots with fire.
6At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot ng dahil sa kanila; sapagka't bukas sa ganitong oras ay ibibigay ko silang lahat na patay sa harap ng Israel: inyong pipilayan ang kanilang mga kabayo, at sisilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
7And Joshua, and all the people of war with him, came upon them by the waters of Merom suddenly, and fell upon them.
7Sa gayo'y biglang naparoon si Josue, at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, laban sa kanila sa tabi ng tubig ng Merom, at dumaluhong sila sa kanila.
8And Jehovah delivered them into the hand of Israel, and they smote them, and chased them unto great Zidon, and to Misrephoth-maim, and to the valley of Mizpah eastward, and smote them until none were left remaining to them.
8At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
9And Joshua did to them as Jehovah had said to him: he houghed their horses, and burned their chariots with fire.
9At ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; kaniyang pinilayan ang kanilang mga kabayo, at sinilaban ng apoy ang kanilang mga karo.
10And Joshua turned back at that time, and took Hazor, and smote the king thereof with the sword; for Hazor was in times past the head of all those kingdoms.
10At bumalik si Josue nang panahong yaon at sinakop ang Hasor, at sinugatan ng tabak ang hari niyaon: sapagka't ang Hasor ng una ay pangulo ng lahat ng mga kahariang yaon.
11And they smote all the souls that were therein with the edge of the sword, destroying them utterly: there was not any left to breathe; and he burned Hazor with fire.
11At kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang lahat na tao na nandoon, na kanilang lubos na nilipol: walang naiwan na may hininga, at kaniyang sinilaban ng apoy ang Hasor.
12And all the cities of those kings and all their kings did Joshua take; and he smote them with the edge of the sword, destroying them utterly, as Moses the servant of Jehovah had commanded.
12At ang lahat ng mga bayan ng mga haring yaon at ang lahat ng mga hari ng mga yaon ay sinakop ni Josue, at sinugatan niya sila ng talim ng tabak at lubos na nilipol sila; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon.
13Only, all the cities that stood still upon their hills Israel did not burn, save Hazor alone, [which] Joshua burned.
13Nguni't tungkol sa mga bayang natatayo sa kanilang mga bunton, ay walang sinunog ang Israel sa mga yaon, liban sa Hasor lamang, na sinunog ni Josue.
14And all the spoil of these cities and the cattle the children of Israel took as prey to themselves; only, they smote all the men with the edge of the sword, until they had destroyed them: they left none that breathed.
14At ang lahat na samsam sa mga bayang ito at ang mga hayop ay kinuha ng mga anak ni Israel na pinakasamsam para sa kanilang sarili; nguni't ang bawa't tao ay sinugatan nila ng talim ng tabak hanggang sa kanilang nalipol sila, ni hindi nagiwan sila ng anomang may hininga.
15As Jehovah had commanded Moses his servant, so did Moses command Joshua, and so did Joshua: he let nothing fail of all that Jehovah had commanded Moses.
15Kung paanong nagutos ang Panginoon kay Moises na kaniyang lingkod, ay gayon nagutos si Moises kay Josue: at gayon ang ginawa ni Josue; wala siyang iniwang hindi yari sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.
16And Joshua took all that land, the mountain and all the south, and all the land of Goshen, and the lowland, and the plain, and the mountain of Israel, and its lowland;
16Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
17from the smooth mountain, which rises toward Seir, as far as Baal-Gad in the valley of Lebanon, at the foot of mount Hermon; and he took all their kings, and smote them, and put them to death.
17Mula sa bundok ng Halac na paahon sa Seir, hanggang sa Baal-gad sa libis ng Libano sa ibaba ng bundok Hermon: at kinuha niya ang lahat nilang hari, at sinaktan niya sila at ipinapatay niya sila.
18Joshua made war a long time with all those kings.
18Si Josue ay nakipagdigmang malaong panahon sa lahat ng mga haring yaon.
19There was not a city that made peace with the children of Israel, save the Hivites who dwelt at Gibeon; they took all in battle.
19Walang bayan na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel, liban ang mga Heveo na mga taga Gabaon: kanilang kinuhang lahat sa pakikipagbaka.
20For it was of Jehovah that their heart was hardened, to meet Israel in battle, that they might be utterly destroyed, and that there might be no favour shewn to them, but that they might be destroyed, as Jehovah had commanded Moses.
20Sapagka't inakala nga ng Panginoon na papagmatigasin ang kanilang puso, upang pumaroon laban sa Israel sa pakikipagbaka, upang kanilang malipol silang lubos, na huwag silang magtamo ng biyaya, kundi kaniyang malipol sila, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
21And Joshua came at that time and cut off the Anakim from the mountains, from Hebron, from Debir, from Anab, and from all the mountain of Judah, and from all the mountain of Israel: Joshua destroyed them utterly, with their cities.
21At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
22There were none of the Anakim left in the land of the children of Israel; only at Gazah, at Gath, and at Ashdod there remained.
22Walang naiwan sa mga Anaceo sa lupain ng mga anak ni Israel: sa Gaza, sa Gath, at sa Asdod lamang, nagiwan siya ng ilan.
23And Joshua took the whole land, according to all that Jehovah had said to Moses; and Joshua gave it for an inheritance to Israel according to their divisions, by their tribes. And the land rested from war.
23Gayon sinakop ni Josue ang buong lupain ayon sa lahat na sinalita ng Panginoon kay Moises; at ibinigay ni Josue na pinakamana sa Israel, ayon sa kanilang pagkakabahagi sangayon sa kanilang mga lipi. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikipagdigma.