1Give ye thanks unto Jehovah, call upon his name; make known his acts among the peoples.
1Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
2Sing unto him, sing psalms unto him; meditate upon all his wondrous works.
2Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
3Glory ye in his holy name: let the heart of them rejoice that seek Jehovah.
3Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
4Seek Jehovah and his strength, seek his face continually;
4Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
5Remember his wondrous works which he hath done, his miracles and the judgments of his mouth:
5Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
6Ye seed of Abraham his servant, ye sons of Jacob, his chosen ones.
6Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
7He, Jehovah, is our God; his judgments are in all the earth.
7Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
8He is ever mindful of his covenant, -- the word which he commanded to a thousand generations, --
8Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
9Which he made with Abraham, and of his oath unto Isaac;
9Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac;
10And he confirmed it unto Jacob for a statute, unto Israel for an everlasting covenant,
10At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
11Saying, Unto thee will I give the land of Canaan, the lot of your inheritance;
11Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana;
12When they were a few men in number, of small account, and strangers in it.
12Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
13And they went from nation to nation, from one kingdom to another people.
13At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
14He suffered no man to oppress them, and reproved kings for their sakes,
14Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
15[Saying,] Touch not mine anointed ones, and do my prophets no harm.
15Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
16And he called for a famine upon the land; he broke the whole staff of bread.
16At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay.
17He sent a man before them: Joseph was sold for a bondman.
17Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
18They afflicted his feet with fetters; his soul came into irons;
18Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
19Until the time when what he said came about: the word of Jehovah tried him.
19Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon.
20The king sent and loosed him -- the ruler of peoples -- and let him go free.
20Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
21He made him lord of his house, and ruler over all his possessions:
21Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari:
22To bind his princes at his pleasure, and teach his elders wisdom.
22Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
23And Israel came into Egypt, and Jacob sojourned in the land of Ham.
23Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham.
24And he made his people exceeding fruitful, and made them mightier than their oppressors.
24At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25He turned their heart to hate his people, to deal subtilly with his servants.
25Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26He sent Moses his servant, [and] Aaron whom he had chosen:
26Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang.
27They set his signs among them, and miracles in the land of Ham.
27Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
28He sent darkness, and made it dark; and they rebelled not against his word.
28Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
29He turned their waters into blood, and caused their fish to die.
29Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda.
30Their land swarmed with frogs, -- in the chambers of their kings.
30Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari.
31He spoke, and there came dog-flies, [and] gnats in all their borders.
31Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
32He gave them hail for rain, [and] flaming fire in their land;
32Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain.
33And he smote their vines and their fig-trees, and broke the trees of their borders.
33Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
34He spoke, and the locust came, and the cankerworm, even without number;
34Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
35And they devoured every herb in their land, and ate up the fruit of their ground.
35At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa.
36And he smote every firstborn in their land, the firstfruits of all their vigour.
36Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan.
37And he brought them forth with silver and gold; and there was not one feeble among their tribes.
37At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
38Egypt rejoiced at their departure; for the fear of them had fallen upon them.
38Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
39He spread a cloud for a covering, and fire to give light in the night.
39Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
40They asked, and he brought quails, and satisfied them with the bread of heaven.
40Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit.
41He opened the rock, and waters gushed forth; they ran in the dry places [like] a river.
41Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
42For he remembered his holy word, [and] Abraham his servant;
42Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod.
43And he brought forth his people with gladness, his chosen with rejoicing;
43At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan.
44And he gave them the lands of the nations, and they took possession of the labour of the peoples:
44At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
45That they might keep his statutes, and observe his laws. Hallelujah!
45Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.