1Dio de vengxo, ho Eternulo, Dio de vengxo, aperu!
1Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2Levigxu, Jugxanto de la tero; Redonu la meritajxon al la fieruloj.
2Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3Kiel longe la malvirtuloj, ho Eternulo, Kiel longe la malvirtuloj triumfos?
3Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4Ili estas malhumilaj, parolas arogantajxon; Fanfaronas cxiuj malbonaguloj.
4Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan: lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5Vian popolon, ho Eternulo, ili premas, Kaj Vian heredon ili turmentas.
5Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon, at dinadalamhati ang iyong mana.
6Vidvinon kaj fremdulon ili mortigas, Kaj orfojn ili bucxas.
6Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
7Kaj ili diras:La Eternulo ne vidas, Kaj la Dio de Jakob ne scias.
7At kanilang sinasabi, ang Panginoo'y hindi makakakita, ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8Komprenu, senprudentuloj en la popolo; Kaj vi, malsagxuloj, kiam vi sagxigxos?
8Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan: at ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
9CXu ne auxdas Tiu, kiu arangxis orelon? CXu ne vidas Tiu, kiu kreis okulon?
9Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10CXu ne punas la gxustiganto de la popoloj, Kiu instruas al homo scion?
10Siyang nagpaparusa sa mga bansa, hindi ba siya sasaway, sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11La Eternulo scias la pensojn de homo, Ke ili estas vantaj.
11Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao, na sila'y pawang walang kabuluhan.
12Bone estas al la homo, kiun Vi, ho Eternulo, gxustigas, Kaj al kiu Vi instruas Vian legxon,
12Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13Por trankviligi lin en la malbonaj tagoj, GXis estos pretigita la foso por la malvirtulo.
13Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14CXar la Eternulo ne forpusxos Sian popolon, Kaj Sian heredon Li ne forlasos.
14Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15CXar jugxo revenos al vero, Kaj gxin sekvos cxiuj virtkoruloj.
15Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16Kiu helpas min kontraux malbonuloj? Kiu staras apud mi kontraux malbonaguloj?
16Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17Se la Eternulo ne estus mia helpanto, Mia animo preskaux kusxus jam silenta.
17Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18Kiam mi diris, ke mia piedo sxanceligxas, Via boneco, ho Eternulo, min subtenis.
18Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19Kiam mi havas interne multe da maltrankvilaj pensoj, Viaj konsoloj karesas mian animon.
19Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20CXu aligxos al Vi trono de maljusteco, Kiu arangxas maljustajxon en la nomo de la legxo?
20Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21Ili sin armas kontraux la animo de virtulo, Kaj sangon senkulpan ili akuzas.
21Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22Sed la Eternulo estos mia rifugxejo; Kaj mia Dio estos la roko de mia sxirmo.
22Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.
23Kaj Li redonos al ili por iliaj malbonagoj, Kaj por ilia malboneco Li ilin ekstermos; Ilin ekstermos la Eternulo, nia Dio.
23At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.