1Vaata, Issand laastab maa ja rüüstab selle, paiskab segi selle pinna ja pillutab elanikud.
1Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.
2Ja nagu rahvaga, nõnda sünnib preestriga, nagu sulasega, nõnda ta isandaga, nagu teenijaga, nõnda ta emandaga, nagu ostjaga, nõnda müüjaga, nagu laenuandjaga, nõnda laenajaga, nagu võlausaldajaga, nõnda võlgnikuga.
2At mangyayari, na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.
3Maa laastatakse täiesti ja riisutakse sootuks, sest Issand on öelnud selle sõna.
3Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.
4Maa leinab, laostub, ilmamaa närbub, laostub, maa rahva ülikud rammestuvad.
4Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.
5Maa on rüvetunud oma elanike all, sest need on üle astunud Seadusest, muutnud seadlusi, murdnud igavese lepingu.
5Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.
6Seepärast neelab needus maa ja selle elanikud peavad kandma oma süüd; seepärast kahaneb maa elanike hulk ja vähe inimesi jääb järele.
6Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.
7Vein leinab, viinapuu kuivab, ägavad kõik, kes olid südamest rõõmsad.
7Ang bagong alak ay pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.
8Lõpeb trummide lõbu, lakkab hõiskajate lärm, kaob kandle rõõm.
8Ang saya ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.
9Enam ei jooda lauldes veini, vägijook on joojale kibe.
9Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.
10Tühi linn purustatakse, kõik kojad suletakse, sissepääsu ei ole.
10Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.
11Tänavail karjutakse veini järele, kõik rõõm kaob, maa lust lahkub.
11May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.
12Linna jääb häving ja värav taotakse puruks.
12Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.
13Sest nõnda peab sündima keset maad, rahvaste keskel, otsekui õlipuu raputus, otsekui järelnoppimine pärast viinamarjalõikuse lõppu.
13Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.
14Need seal tõstavad häält, rõkatavad rõõmust, Issanda ülevuse tõttu hõiskavad lääne poolt:
14Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.
15'Seepärast austage ka ida pool Issandat, mere saartel Issanda, Iisraeli Jumala nime.'
15Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.
16Maa äärest kuuleme kiituslaule: 'Austus õigele!' Aga mina ütlen: Kadu mulle, kadu mulle! Häda mulle, petised petavad, jah, petised petavad petise kombel!
16Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.
17Pelg, püügiauk ja püüdepael on su ees, maa elanik.
17Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.
18Kes siis põgeneb peletushüüu eest, langeb püügiauku; aga kes tuleb püügiaugust välja, selle püüab püüdepael. Sest kõrguse luugid avanevad ja maa alused vappuvad.
18At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga.
19Maa põrub põrmuks, maa lõheneb lõhki, maa kõigub kõvasti.
19Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.
20Maa vaarub tugevasti, joobnu sarnaselt, ja vangub otsekui vahionn. Tema üleastumine lasub raskesti ta peal, ta langeb ega tõuse enam.
20Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.
21Sel päeval nuhtleb Issand kõrguse väehulki kõrgel ja maa kuningaid maa peal.
21At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.
22Need kogutakse kokku, kogutakse vangidena auku, suletakse vangitorni ja hulga aja pärast nuheldakse neid.
22At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.
23Siis on kuul häbi ja päike häbeneb, sest vägede Issand on kuningas Siioni mäel ja Jeruusalemmas, ja tema vanemate ees paistab auhiilgus.
23Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.