1Häda sulle, hävitaja, kes ise oled hävitamata, reetur, keda ei ole reedetud! Kui oled hävitusega valmis, hävitatakse sind, kui oled reetmise lõpetanud, reedetakse sind.
1Sa aba mo na sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.
2Issand, ole meile armuline, me ootame sind! Ole meie käsivars igal hommikul, ole meie abi kitsikuse ajal.
2Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.
3Su kõuehääle eest põgenevad rahvad, kui sa tõused, hajuvad paganad
3Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat ang mga bansa.
4ja saak kahmatakse meie käest, otsekui ahmaksid röövputukad; rohutirtsude rünnaku sarnaselt tormatakse selle kallale.
4At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.
5Issand on kõrge, sest ta elab kõrgel, tema täidab Siioni õiguse ja õiglusega.
5Ang Panginoon ay nahayag; sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.
6Tema on su aegade tagatis, abi küllus, tarkus ja tunnetus; Issanda kartus - see on Siioni rikkus.
6At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.
7Vaata, Arieli elanikud kisendavad õues, rahu saadikud nutavad kibedasti.
7Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.
8Maanteed on tühjad, teekäijat ei ole, leping on tühistatud, tunnistajad on hüljatud, inimestest ei hoolita.
8Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay naglilikat: kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.
9Maa leinab, närbub, Liibanon häbeneb, närtsib; Saaron on saanud kõnnumaaks, Baasan ja Karmel varistavad lehti.
9Ang lupain ay nananangis at nahahapis: ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang Saron ay gaya ng isang ilang; at ang Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.
10Nüüd ma tõusen, ütleb Issand, nüüd ma tahan olla kõrge, nüüd ma ülendan ennast.
10Ngayo'y babangon ako, sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.
11Kuluheinast olete rasedad, kõrsi toote ilmale, teie hingeõhk on tuli, mis teid sööb.
11Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.
12Jah, rahvad põletatakse lubjaks, otsekui maharaiutud kibuvitsad süüdatakse nad tulega.
12At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.
13Kuulge, kaugelviibijad, mida ma olen teinud, ja juuresolijad, tundke mu väge!
13Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.
14Patused Siionis värisevad, vabin valdab jumalatuid: 'Kes meist saaks elada hävitavas tules? Kes meist saaks elada igavesel leel?'
14Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?
15See, kes elab õiguses ja räägib tõtt, kes põlgab rõhumisest saadavat kasu, kes raputab käsi, et keelduda meeleheast, kes topib kõrvad kinni, et mitte kuulda veretööst, ja kes suleb silmad, et mitte näha kurja,
15Siyang lumalakad ng matuwid, at nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;
16see elab kõrgustikel, ligipääsmatud kaljud on temale varjupaigaks; temale antakse ta leib, temale on vesi kindlustatud.
16Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang kaniyang tubig ay sagana.
17Su silmad saavad näha kuningat ta ilus, saavad näha ihaldusväärset maad.
17Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.
18Su süda meenutab hirmsaid asju: kus on nüüd kirjutaja, kus on vaagija, kus on tornide lugeja?
18Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?
19Enam sa ei näe jultunud rahvast, rahvast, kelle segast kõnet sa ei taipa, kelle kogelevast keelest sa ei saa aru.
19Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan, ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.
20Vaata Siionit, meie pidupäevade linna! Su silmad näevad Jeruusalemma, rahulikku paika, liigutamatut telki, mille vaiu ei tõmmata iialgi välja ja mille nööridest ei kista ainsatki katki.
20Tumingin ka sa Sion, ang bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo na hindi makikilos, ang mga tulos niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.
21Sest seal on Vägev: meiega on Issand nagu laiade jõgede ja vooluste kogumik, sellel ei kulge sõudelaev ja seda ei ületa võimsaimgi alus.
21Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.
22Sest Issand on meie kohtumõistja, Issand on meie käsuandja, Issand on meie kuningas, tema päästab meid.
22Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.
23Su köied lõtvuvad, ei pea paigal mastipuud ega lase purjel paisuda. Siis jagatakse suurt saaki, jalutudki võtavad noosi
23Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.
24ja ükski elanik ei ütle: 'Ma olen nõder!' Rahvale, kes seal elab, antakse süü andeks.
24At ang mamamayan ay hindi magsasabi, Ako'y may sakit: ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.