Pyhä Raamattu

Tagalog 1905

1 Kings

1

1Kuningas Daavid oli käynyt vanhaksi, ja vaikka häntä kuinka peiteltiin, hänen ei ollut lämmin.
1Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan.
2Hänen palvelijansa sanoivat hänelle: "Sinulle, herramme ja kuninkaamme, pitäisi etsiä tyttö, neitsyt, joka olisi luonasi ja hoitaisi sinua. Kun hän makaa sylissäsi, sinulla, herramme ja kuninkaamme, on lämmin."
2Kaya't sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan.
3He etsivät kaunista tyttöä kautta koko Israelin ja löysivät sunemilaisen Abisagin. He toivat hänet kuninkaan luo.
3Sa gayo'y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari.
4Tyttö oli hyvin kaunis, ja hän alkoi hoitaa ja palvella kuningasta. Mutta kuningas ei yhtynyt häneen.
4At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni't hindi siya ginalaw ng hari.
5Adonia, Haggitin poika, havitteli suuria ja ajatteli: "Minusta tulee kuningas." Hän hankki itselleen vaunut ja hevosia sekä viidenkymmenen miehen saattueen.
5Nang magkagayo'y nagmataas si Adonia na anak ni Haggith, na nagsabi, Ako'y magiging hari: at siya'y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo, at limang pung lalaking mananakbo sa unahan niya.
6Hänen isänsä ei milloinkaan ollut moittinut häntä sanoen: "Miksi teit noin?" Adonia oli myös hyvin komea, ja hän oli syntynyt Absalomista seuraavana.
6At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? at siya'y totoong makisig na lalake rin naman; at siya'y ipinanganak na kasunod ni Absalom.
7Hän haki tukea Joabilta, Serujan pojalta, ja pappi Abjatarilta, ja nämä lupasivat hänelle kannatuksensa.
7At siya'y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia, at sa saserdoteng kay Abiathar: at pagsunod nila kay Adonia ay nagsitulong sa kaniya.
8Sitä vastoin pappi Sadok ja Benaja, Jojadan poika, eivät olleet hänen puolellaan, ei myöskään profeetta Natan, ei Simei, Rei eikä Daavidin henkivartiosto.
8Nguni't si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at si Nathan na propeta, at si Semei, at si Reihi, at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David, ay hindi kasama ni Adonia.
9Adonia järjesti uhrijuhlan ja teurasti vuohia ja lampaita sekä juottovasikoita ja muuta karjaa Soheletin kiven luona lähellä Rogelin lähdettä. Hän kutsui sinne kaikki veljensä, kuninkaan pojat, sekä kaikki Juudan miehet, jotka olivat kuninkaan palveluksessa.
9At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari.
10Mutta profeetta Natania, Benajaa, henkivartiostoa ja veljeään Salomoa hän ei kutsunut.
10Nguni't si Nathan na propeta, at si Benaia, at ang mga makapangyarihang lalake, at si Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag.
11Silloin Natan sanoi Batseballe, Salomon äidille, näin: "Olet kai kuullut, että Adonia, Haggitin poika, on herramme Daavidin tietämättä julistautunut kuninkaaksi?
11Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon?
12Kuuntele nyt neuvoani, että pelastaisit henkesi ja poikasi Salomon hengen.
12Ngayon nga'y parito ka, isinasamo ko sa iyo, na bigyang payo kita, upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay, at ang buhay ng iyong anak na si Salomon.
13Mene kuningas Daavidin luo ja sano hänelle: 'Etkö sinä, herrani ja kuninkaani, ole vannonut minulle, palvelijattarellesi, että pojastani Salomosta tulee kuningas sinun jälkeesi ja hän saa istua valtaistuimellasi? Miksi sitten Adoniasta on tullut kuningas?'
13Ikaw ay yumaon, at pasukin mo ang haring si David, at sabihin mo sa kaniya, Di ba, panginoon ko, isinumpa mo sa iyong lingkod, na iyong sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? bakit nga maghahari si Adonia?
14Ja kun sinä vielä olet siellä kuninkaan puheilla, minä tulen sinne ja vahvistan sinun sanasi."
14Narito, samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari, ay papasok naman ako na kasunod mo, at aking patototohanan ang iyong mga salita.
15Niin Batseba meni kuninkaan luo makuuhuoneeseen. Kuningas oli jo hyvin vanha, ja hänellä oli hoitajanaan sunemilainen Abisag.
15At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid; at ang hari ay totoong matanda na; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari.
16Batseba kumartui kasvoilleen kuninkaan eteen. Kuningas kysyi: "Mitä asiaa sinulla on?"
16At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari. At sinabi ng hari, Anong ibig mo?
17Batseba sanoi hänelle: "Herrani, sinä olet itse vannonut minulle, palvelijattarellesi, Herran, Jumalasi kautta: 'Totisesti, pojastasi Salomosta tulee kuningas minun jälkeeni ja hän saa istua valtaistuimellani.'
17At sinabi niya sa kaniya, Panginoon ko, isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan.
18Mutta nyt on Adoniasta tullut kuningas sinun tietämättäsi, herrani ja kuninkaani.
18At ngayo'y narito, si Adonia ay naghahari; at ikaw, panginoon ko na hari, ay hindi mo nalalaman;
19Hän on teurastanut uhriksi suuret määrät sonneja, juottovasikoita, vuohia ja lampaita ja kutsunut luokseen kaikki kuninkaan pojat ja pappi Abjatarin ja Joabin, sotaväen päällikön. Mutta palvelijaasi Salomoa hän ei ole kutsunut.
19At siya'y pumatay ng mga baka, at mga pinataba, at tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at si Abiathar na saserdote, at si Joab na puno ng hukbo: nguni't si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag.
20Nyt, herrani ja kuninkaani, koko Israel katsoo sinuun ja odottaa sinun ilmoittavan, kuka sinun jälkeesi saa istua valtaistuimellasi.
20At ikaw, panginoon ko na hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya.
21Muutoin käy niin, että kun herrani ja kuninkaani on mennyt lepoon isiensä luo, minua ja poikaani Salomoa kohdellaan rikollisina."
21Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
22Kun Batseba vielä puhui kuninkaan kanssa, profeetta Natan saapui,
22At, narito, samantalang siya'y nakikipagsalitaan pa sa hari, ay pumasok si Nathan na propeta.
23ja hänet ilmoitettiin kuninkaalle. Natan tuli kuninkaan luo, kumartui kasvoilleen hänen eteensä
23At kaniyang isinaysay sa hari, na sinasabi, Narito, si Nathan na propeta. At nang siya'y dumating sa harap ng hari, siya'y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari.
24ja sanoi: "Herrani ja kuninkaani! Oletko sinä itse sanonut, että Adoniasta tulee kuningas sinun jälkeesi ja hän saa istua valtaistuimellasi?
24At sinabi ni Nathan, Panginoon ko, Oh hari, iyo bang sinabi, Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan?
25Hän on näet tänään lähtenyt kaupungista ja teurastanut uhriksi suuret määrät sonneja, juottovasikoita, vuohia ja lampaita sekä kutsunut luokseen kaikki kuninkaan pojat ja sotaväen päällikön ja pappi Abjatarin. Nämä syövät ja juovat hänen kanssaan ja huutavat: 'Eläköön kuningas Adonia!'
25Sapagka't siya'y lumusong nang araw na ito, at nagpatay ng mga baka, at mga pinataba, at mga tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at ang mga puno ng hukbo, at si Abiathar na saserdote; at, narito, sila'y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi, Mabuhay ang haring si Adonia.
26Mutta minua, sinun palvelijaasi, ja pappi Sadokia ja Benajaa, Jojadan poikaa, sekä palvelijaasi Salomoa hän ei ole kutsunut.
26Nguni't ako, akong iyong lingkod, at si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Salomon, hindi niya tinawag.
27Onko tämä tapahtunut herrani ja kuninkaani tahdosta, ilman että olet antanut meidän, palvelijoittesi, tietää, kuka on istuva valtaistuimella sinun jälkeesi?"
27Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari, at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya?
28Kuningas Daavid sanoi: "Kutsukaa Batseba vielä tänne." Hän tuli kuninkaan eteen ja jäi siihen seisomaan.
28Nang magkagayo'y sumagot ang haring si David, at nagsabi, Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba. At siya'y pumasok sa harap ng hari, at tumayo sa harap ng hari.
29Ja kuningas vannoi hänelle: "Niin totta kuin Herra elää, hän, joka on auttanut minut kaikista vaikeuksista,
29At sumumpa ang hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng karalitaan,
30minä toteutan nyt sen, minkä olen sinulle Herran, Israelin Jumalan, nimeen vannonut. Totisesti, pojastasi Salomosta tulee kuningas ja hän saa istua minun jälkeeni valtaistuimella."
30Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon, na Dios ng Israel, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan na kahalili ko; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito.
31Batseba heittäytyi maahan kuninkaan eteen ja sanoi: "Ikuisesti eläköön herrani, kuningas Daavid!"
31Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man.
32Kuningas Daavid sanoi: "Kutsukaa tänne pappi Sadok ja profeetta Natan sekä Benaja, Jojadan poika." Kun nämä olivat tulleet hänen eteensä,
32At sinabi ng haring si David, Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari.
33hän sanoi heille: "Ottakaa henkivartiosto mukaanne ja antakaa pojalleni Salomolle muulini ratsuksi ja viekää hänet Gihonin lähteelle.
33At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon.
34Siellä pappi Sadok ja profeetta Natan voidelkoot hänet Israelin kuninkaaksi. Puhaltakaa sitten torveen ja huutakaa: 'Eläköön kuningas Salomo!'
34At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
35Saattakaa hänet takaisin kaupunkiin. Ja kun hän tulee tänne, istuutukoon valtaistuimelleni ja hallitkoon kuninkaana. Hänet minä olen määrännyt Israelin ja Juudan hallitsijaksi."
35Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.
36Benaja, Jojadan poika, vastasi kuninkaalle: "Aamen, niin tapahtukoon! Ja vahvistakoon tämän myös Herra, sinun Jumalasi.
36At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din.
37Niin kuin hän on ollut sinun kanssasi, niin olkoon hän myös Salomon kanssa ja antakoon hänelle valtaa vielä enemmän kuin herrallani kuningas Daavidilla on ollut."
37Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David.
38Niin pappi Sadok ja profeetta Natan sekä Benaja, Jojadan poika, lähtivät kreettien ja pleettien kanssa matkaan. He nostivat Salomon kuningas Daavidin muulin selkään ja veivät hänet Gihonin lähteelle.
38Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo, at ang mga Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.
39Pappi Sadok oli pyhäkköteltasta ottanut mukaansa öljysarven, ja hän voiteli Salomon kuninkaaksi. Torvet soivat, ja kansa huusi: "Eläköön kuningas Salomo!"
39At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
40Kaikki tulivat hänen perässään ylös kaupunkiin, ja he soittivat huiluja ja riemuitsivat, niin että maa oli haljeta heidän huudostaan.
40At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila.
41Adonia ja kaikki hänen kutsuvieraansa kuulivat tämän. He olivat juuri päässeet syömästä, kun Joab kuuli torven äänen ja sanoi: "Mitä kaupungissa noin melutaan?"
41At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay?
42Hänen vielä puhuessaan tuli paikalle Jonatan, pappi Abjatarin poika. Adonia sanoi hänelle: "Tule tänne. Sinä olet kunnon mies ja tuot varmasti hyviä uutisia."
42Samantalang siya'y nagsasalita pa, narito, si Jonathan na anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi, Pumasok ka; sapagka't ikaw ay karapatdapat na tao, at nagdadala ka ng mabubuting balita.
43Jonatan vastasi: "Kunpa toisinkin! Mutta nyt herramme, kuningas Daavid, on tehnyt Salomosta kuninkaan.
43At si Jonathan ay sumagot, at nagsabi kay Adonia, Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David:
44Kuningas lähetti hänen luokseen pappi Sadokin ja profeetta Natanin ja Benajan, Jojadan pojan, sekä kreetit ja pleetit, ja he antoivat hänelle ratsuksi kuninkaan muulin.
44At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari:
45Pappi Sadok ja profeetta Natan voitelivat hänet Gihonin lähteellä kuninkaaksi, ja he tulivat sieltä riemusaatossa takaisin ja kaupungissa on ilo ylimmillään. Se on se ääni, jonka te kuulitte.
45At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig.
46Salomo istuutui jo kuninkaan valtaistuimellekin.
46At si Salomon naman ay nauupo sa luklukan ng kaharian.
47Ja kuninkaan miehet tulivat tervehtimään herraamme, kuningas Daavidia, ja sanoivat: 'Jumala tehköön Salomon nimestä sinunkin nimeäsi maineikkaamman ja levittäköön hänen valtansa vielä laajemmalle kuin sinun!' Sitten kuningas kumartui vuoteellaan rukoilemaan
47At bukod dito'y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David, na nagsisipagsabi, Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan, at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan; at ang hari ay yumukod sa kaniyang higaan.
48ja sanoi näin: 'Kiitetty olkoon Herra, Israelin Jumala, joka tänään on asettanut valtaistuimelleni minun seuraajani ja sallinut minun vielä omin silmin nähdä sen.'"
48At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata.
49Adonian kutsuvieraat valtasi pelko. He nousivat paikaltaan ja lähtivät päätä pahkaa tiehensä.
49At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig, at yumaon bawa't isa sa kaniyang lakad.
50Adoniakin alkoi pelätä, mitä Salomo tekisi. Hän juoksi alttarin luo ja tarttui sen sarviin.
50At natakot si Adonia dahil kay Salomon: at siya'y tumindig at yumaon, at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana.
51Salomolle kerrottiin: "Adonia pelkää sinua, niin että pitää kiinni alttarin sarvista ja sanoo: 'Vannokoon kuningas Salomo nyt minulle, ettei hän surmaa palvelijaansa.'"
51At nasaysay kay Salomon na sinasabi, Narito, si Adonia ay natatakot sa haring Salomon: sapagka't, narito, siya'y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana, na nagsasabi, Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito, na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod.
52Salomo sanoi: "Jos hän käyttäytyy kuin kunnon mies, häneltä ei katkaista hiuskarvaakaan. Mutta jos hänen havaitaan olevan pahoissa aikeissa, silloin hän kuolee."
52At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay.
53Kuningas Salomo lähetti hakemaan hänet, ja hänet vedettiin alas alttarilta. Adonia tuli ja heittäytyi maahan kuningas Salomon eteen, ja Salomo sanoi hänelle: "Voit mennä kotiisi."
53Sa gayo'y nagsugo ang haring Salomon, at kanilang ibinaba siya mula sa dambana. At siya'y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon; at sinabi ni Salomon sa kaniya, Umuwi ka sa iyong bahay.