1Rehabeam lähti Sikemiin, minne koko Israel oli tullut julistaakseen hänet kuninkaaksi.
1At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.
2Jerobeam, Nebatin poika, sai kuulla tästä. Hän oli vielä Egyptissä, jonne oli paennut kuningas Salomoa.
2At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon, at tumahan sa Egipto,
3Nyt hän sai kutsun palata. Jerobeam ja koko Israel tulivat Rehabeamin puheille ja sanoivat:
3At sila'y nagsugo at ipinatawag nila siya,) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon, at nagsipagsalita kay Roboam, na sinasabi,
4"Sinun isäsi teki ikeemme raskaaksi. Kevennä sinä nyt isäsi määräämää raskasta työtä ja painavaa iestä, jonka hän pani kannettavaksemme. Jos sen teet, me olemme sinun palvelijoitasi."
4Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin: ngayon nga'y pagaanin mo ang mabigat na paglilingkod sa iyong ama, at ang mabigat niyang atang na iniatang niya sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.
5Rehabeam sanoi heille: "Menkää nyt pois ja tulkaa kahden päivän päästä uudelleen." Väkijoukko lähti pois.
5At sinabi niya sa kanila, Kayo'y magsiyaon pang tatlong araw, saka magsibalik kayo sa akin. At ang bayan ay yumaon.
6Kuningas Rehabeam kysyi neuvoa vanhimmilta, jotka olivat olleet hänen isänsä Salomon palveluksessa, kun tämä vielä eli. Hän kysyi: "Millaisen vastauksen neuvotte antamaan tälle kansalle?"
6At ang haring Roboam ay kumuhang payo sa mga matanda na nagsitayo sa harap ni Salomon na kaniyang ama samantalang nabubuhay pa, na sinasabi, Anong payo ang ibinibigay ninyo sa akin, upang magbalik ng sagot sa bayang ito?
7He vastasivat hänelle: "Jos sinä tänä päivänä olet kansan palvelija ja annat sille sen mielen mukaisen vastauksen, niin kansa on kaikkina tulevina päivinä sinun palvelijasi."
7At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, ay iyo ngang magiging lingkod sila magpakailan man.
8Mutta Rehabeam ei välittänyt neuvosta, jonka vanhimmat hänelle antoivat. Hän kysyi neuvoa nuorilta, jotka olivat kasvaneet yhdessä hänen kanssaan ja kuuluivat nyt hänen hoviväkeensä.
8Nguni't tinalikdan niya ang payo ng mga matanda na kanilang ibinigay sa kaniya, at kumuhang payo sa mga binata na nagsilaking kasabay niya, na nagsitayo sa harap niya.
9"Miten te neuvotte minua vastaamaan kansalle?" hän kysyi heiltä. "Kansa pyysi minua keventämään iestä, jonka isäni on pannut sen kannettavaksi."
9At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin?
10Nuoret, jotka olivat kasvaneet yhdessä hänen kanssaan, sanoivat hänelle: "Tämä kansa sanoo sinulle, että isäsi teki sen ikeestä raskaan, ja pyytää sinua keventämään sitä. Sano sinä kansalle: Minun pieninkin jäseneni on paksumpi kuin isäni vyötäiset.
10At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.
11Isäni pani niskaanne painavan ikeen, mutta minä vielä lisään sen painoa. Isäni kuritti teitä raipalla, mutta minä kuritan teitä piikkiruoskalla."
11At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit; nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
12Kahden päivän kuluttua Jerobeam ja koko kansa tulivat Rehabeamin luo, niin kuin kuningas oli käskenyt.
12Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw.
13Kuningas vastasi kansalle kovin sanoin. Hän hylkäsi neuvon, jonka oli vanhimmilta saanut,
13At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan, at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda;
14ja puhui kansalle nuorten neuvon mukaisesti. Hän sanoi: "Isäni teki teidän ikeestänne raskaan, mutta minä teen sen vielä raskaammaksi. Isäni kuritti teitä raipalla, mutta minä opetan teitä piikkiruoskalla."
14At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na nagsasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't dadagdagan ko pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
15Kuningas ei kuunnellut kansaa. Herra ohjasi hänet tekemään näin pannakseen täytäntöön sanansa, jotka hän silolaisen Ahian suulla oli puhunut Jerobeamille, Nebatin pojalle.
15Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.
16Kun israelilaiset näkivät, että kuningas ei välittänyt heidän pyynnöstään, he sanoivat hänelle näin: -- Mitä meillä on tekemistä Daavidin kanssa? Vieras on meille Iisain poika. Palatkaa majoillenne, Israelin miehet! Pidä itse huoli asioistasi, Daavidin suku! Niin israelilaiset palasivat kotiinsa.
16At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.
17Rehabeamista tuli vain niiden israelilaisten kuningas, jotka asuivat Juudan kaupungeissa.
17Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay pinagharian sila ni Roboam.
18Kun kuningas Rehabeam lähetti verotöiden valvojan Adoniramin israelilaisten luo, he kivittivät tämän kuoliaaksi. Silloin kuningas Rehabeam nousi kiireesti vaunuihin ja pakeni Jerusalemiin.
18Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag; at binato ng buong Israel siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.
19Israel hylkäsi Daavidin kuningassuvun ja on pysynyt siitä erillään tähän päivään saakka.
19Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito.
20Kun israelilaiset kautta maan saivat tietää, että Jerobeam oli palannut, he kutsuivat hänet kansankokoukseen. Siellä he julistivat hänet Israelin kuninkaaksi. Ainoastaan Juudan heimo pysyi uskollisena Daavidin suvulle.
20At nangyari, nang mabalitaan ng buong Israel na si Jeroboam ay bumalik, na sila'y nagsugo at ipinatawag siya sa kapisanan, at ginawa siyang hari sa buong Israel: walang sumunod sa sangbahayan ni David, kundi ang lipi ni Juda lamang.
21Rehabeam tuli Jerusalemiin ja kutsui koolle koko Juudan väen ja Benjaminin heimon, satakahdeksankymmentätuhatta nuorta soturia. Heidän oli määrä lähteä sotaan Israelin valtakuntaa vastaan ja palauttaa sen kuninkuus Rehabeamille, Salomon pojalle.
21At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon.
22Mutta Semajalle, Jumalan miehelle, tuli Herran sana:
22Nguni't ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na nagsasabi,
23"Vie Rehabeamille, Salomon pojalle ja Juudan kuninkaalle, sekä Juudan ja Benjaminin heimoille ja muulle kansalle tämä viesti:
23Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong sangbahayan ng Juda, at ng Benjamin, at sa nalabi sa bayan, na sabihin,
24Näin sanoo Herra: 'Älkää lähtekö sotimaan veljiänne israelilaisia vastaan. Palatkaa kaikki kotiin, sillä se, mikä on tapahtunut, on tapahtunut minun tahdostani.'" He tottelivat Herran sanaa ja palasivat kotiin, niin kuin Herra oli heitä käskenyt.
24Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon o magsisilaban sa inyong mga kapatid na mga anak ni Israel: bumalik ang bawa't isa sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay mula sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang salita ng Panginoon, at sila'y nagsibalik at nagsiyaon, ayon sa salita ng Panginoon.
25Jerobeam varusti Efraimin vuoristossa olevan Sikemin ja asettui sinne. Sitten hän muutti Penueliin ja varusti sen.
25Nang magkagayo'y itinayo ni Jeroboam ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at tumahan doon; at siya'y umalis mula roon, at itinayo ang Penuel.
26Mutta Jerobeam ajatteli: "Daavidin suku voi vielä päästä täällä valtaan.
26At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang sarili, Ngayo'y mababalik ang kaharian sa sangbahayan ni David:
27Jos kansa käy uhraamassa Herran temppelissä Jerusalemissa, se kääntyy taas sydämessään herransa Rehabeamin, Juudan kuninkaan puoleen. Sitten minut surmataan, ja kansa palaa Rehabeamin, Juudan kuninkaan luo."
27Kung ang bayang ito ay umahon upang maghandog ng mga hain sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem, ang puso nga ng bayang ito'y mababalik sa kanilang panginoon, sa makatuwid baga'y kay Roboam na hari sa Juda; at ako'y papatayin nila, at mababalik kay Roboam na hari sa Juda.
28Kuningas mietti tätä ja teetti sitten kaksi kultaista sonnipatsasta. Hän sanoi kansalleen: "Turha teidän on käydä Jerusalemissa saakka. Tässä, Israel, on Jumalasi, joka toi sinut Egyptin maasta!"
28Kaya't ang hari ay kumuhang payo, at gumawa ng dalawang guyang ginto; at sinabi niya sa kanila, Mahirap sa inyo na magsiahon sa Jerusalem; tingnan mo ang iyong mga dios, Oh Israel, na iniahon ka mula sa lupain ng Egipto.
29Hän sijoitti toisen sonnin Beteliin ja toisen Daniin.
29At inilagay niya ang isa sa Bethel, at ang isa'y inilagay sa Dan.
30Tämä koitui synniksi, sillä kansa alkoi käydä patsaiden luona, toiset Betelissä, toiset Danissa.
30At ang bagay na ito ay naging kasalanan: sapagka't ang bayan ay umahon upang sumamba sa harap ng isa, hanggang sa Dan.
31Jerobeam rakensi uhrikukkuloille pyhäköitä ja otti papeiksi keitä tahansa, muitakin kuin leeviläisiä.
31At siya'y gumawa ng mga bahay sa mga mataas na dako, at naghalal ng mga saserdote sa buong bayan, na hindi sa mga anak ni Levi.
32Hän julisti juhlapäiväksi kahdeksannen kuun viidennentoista päivän, ja sitä juhlittiin niin kuin samaa juhlapäivää Juudassa. Hän nousi silloin Betelissä alttarille ja uhrasi sonnipatsaille, jotka oli itse tehnyt. Hän uskoi toimitukset Betelin uhrikukkulapapeille, jotka hän oli asettanut virkaan.
32At si Jeroboam ay nagpadaos ng isang kapistahan nang ikawalong buwan, sa ikalabing limang araw ng buwan, gaya ng kapistahan sa Juda, at siya'y sumampa sa dambana; gayon ang ginawa niya sa Beth-el, na kaniyang hinahainan ang mga guya na kaniyang ginawa: at kaniyang inilagay sa Beth-el ang mga saserdote sa mataas na dako, na kaniyang mga inihalal.
33Hän nousi Betelissä alttarille kahdeksannen kuun viidentenätoista päivänä, itse keksimänään juhlapäivänä. Silloin hän järjesti kansalle juhlan ja nousi alttarille uhraamaan.
33At siya'y sumampa sa dambana na kaniyang ginawa sa Beth-el nang ikalabing limang araw ng ikawalong buwan, sa makatuwid baga'y sa buwan na kaniyang inakala sa kaniyang puso: at kaniyang ipinadaos ang isang kapistahan sa mga anak ni Israel, at sumampa sa dambana upang magsunog ng kamangyan.