Pyhä Raamattu

Tagalog 1905

1 Samuel

5

1Filistealaiset ottivat haltuunsa Jumalan arkun ja veivät sen Eben-Eseristä Asdodiin.
1Kinuha nga ng mga Filisteo ang kaban ng Dios, at kanilang dinala sa Asdod mula sa Eben-ezer.
2Siellä he panivat sen Dagonin temppeliin Dagonin patsaan viereen.
2At kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Dios at ipinasok sa bahay ni Dagon, at inilagay sa tabi ni Dagon.
3Varhain seuraavana aamuna asdodilaiset huomasivat, että Dagon oli kaatunut kasvoilleen Herran liitonarkun eteen. He nostivat Dagonin takaisin paikoilleen.
3At nang bumangong maaga ang mga taga Asdod ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon. At kanilang kinuha si Dagon, at inilagay siya uli sa dako niyang kinaroroonan.
4Mutta kun he seuraavana aamuna nousivat, Dagon makasi jälleen kasvoillaan Jumalan arkun edessä. Patsaan pää ja kädet olivat katkenneina kynnyksen vierellä, ja vain vartalo oli enää huoneessa.
4At nang sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, narito, si Dagon ay buwal na nakasubasob sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon; at ang ulo ni Dagon at gayon din ang mga palad ng kaniyang mga kamay ay putol na nasa tayuan ng pintuan; ang katawan lamang ang naiwan sa kaniya.
5Tämän vuoksi eivät Dagonin papit eivätkä hänen temppelissään kävijät vieläkään saa Asdodissa astua Dagonin huoneen kynnykselle.
5Kaya't ang mga saserdote man ni Dagon, o ang sinomang nanasok sa bahay ni Dagon, ay hindi itinutungtong ang paa sa tayuan ng pintuan ni Dagon sa Asdod, hanggang sa araw na ito.
6Herran käsi painoi raskaana asdodilaisia, ja hän saattoi heidät kauhun valtaan iskemällä paiseita sekä heihin että ympäristön asukkaisiin.
6Nguni't ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon.
7Kun asdodilaiset näkivät, mitä tapahtui, he sanoivat: "Israelin Jumalan arkku ei saa jäädä tänne luoksemme, sillä hänen kätensä ahdistaa meitä ja jumalaamme Dagonia."
7At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios.
8He kutsuivat koolle kaikki filistealaisten päämiehet ja kysyivät heiltä: "Mitä meidän pitäisi tehdä Israelin Jumalan arkulle?" He vastasivat: "Siirrettäköön Israelin Jumalan arkku Gatiin." Niin Israelin Jumalan arkku vietiin sinne.
8Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.
9Mutta silloin Herran käsi saattoi Gatin kauhun ja sekasorron valtaan. Hän iski märkiviä paiseita kaikkiin kaupungin asukkaisiin, niin ylhäisiin kuin alhaisiin.
9At nangyari, na pagkatapos na kanilang madala, ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa bayan, na nagkaroon ng malaking pagkalito: at sinaktan niya ang mga tao sa bayan, ang maliit at gayon din ang malaki; at mga bukol ay sumibol sa kanila.
10Silloin he lähettivät Jumalan arkun Ekroniin, mutta kun Jumalan arkku saapui sinne, ekronilaiset huusivat hädissään: "Nyt ne ovat tuoneet Israelin Jumalan arkun meidän luoksemme! Aikovatko ne tappaa koko tämän kaupungin väen?"
10Sa gayo'y kanilang ipinadala ang kaban ng Dios sa Ecron. At nangyari, pagdating ng kaban ng Dios sa Ecron, na ang mga Ecronita ay sumigaw, na nagsasabi, Kanilang dinala sa atin ang kaban ng Dios ng Israel, upang patayin tayo at ang ating bayan.
11He kutsuivat koolle kaikki filistealaisten päämiehet ja sanoivat: "Lähettäkää Israelin Jumalan arkku takaisin sinne, minne se kuuluu! Muuten se tappaa meidät kaikki." Koko kaupungissa vallitsi kuolemankauhu, sillä Herran käsi lepäsi raskaana sen päällä.
11Pinasuguan nga nilang magpipisan ang lahat ng pangulo ng mga Filisteo, at kanilang sinabi, Ipadala ninyo ang kaban ng Dios ng Israel, at ipabalik ninyo sa kaniyang sariling dako, upang huwag kaming patayin at ang aming bayan. Sapagka't nagkaroon ng panglitong ikamamatay sa buong bayan: ang kamay ng Dios ay totoong bumigat doon.
12Ne, jotka olivat vielä hengissä, olivat täynnä paiseita, ja heidän hätähuutonsa kuului taivaaseen saakka.
12At ang mga lalaking hindi namatay ay nasaktan ng mga bukol; at ang daing ng bayan ay umabot sa langit.