1Absalom hankki itselleen vaunut ja hevosia sekä viidenkymmenen miehen saattueen.
1At nangyari, pagkatapos nito, na naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo, at limang pung lalaking tatakbo sa unahan niya.
2Hän otti tavakseen asettua varhain aamulla kaupungin portille vievän tien varteen. Aina kun joku oli tulossa kuninkaan luo saadakseen oikeutta riita-asiassa, Absalom kutsui hänet luokseen ja kysyi: "Mistä kaupungista sinä olet?" Kun mies kertoi, mistä Israelin heimosta hän oli,
2At bumangong maaga si Absalom, at tumayo sa tabi ng daan sa pintuang-bayan; at nangyari, na pagka ang sinomang tao ay mayroong usap na ilalapit sa hari upang hatulan, na tinatawag nga ni Absalom, at sinabi, Taga saang bayan ka? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay isa sa mga lipi ng Israel.
3Absalom sanoi: "Asiasi on kyllä hyvä ja oikea, mutta kuninkaan luona ei kukaan sinua kuuntele."
3At sinabi ni Absalom sa kaniya, Tingnan mo, ang iyong usap ay mabuti at matuwid: nguni't walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap.
4Ja hän jatkoi: "Kunpa minut asetettaisiin tuomariksi tähän maahan! Minun luokseni voisi tulla jokainen, jolla on riita-asia tai oikeusjuttu, ja minä tekisin hänelle oikeutta."
4Sinabi ni Absalom bukod dito: Oh maging hukom sana ako sa lupain, upang ang bawa't tao na may anomang usap, o anomang bagay, ay pumarito sa akin at siya'y aking magawan ng katuwiran!
5Aina kun joku lähestyi heittäytyäkseen hänen eteensä, hän kiiruhti kohottamaan tulijan maasta ja suuteli häntä.
5At nangyayari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kaniya, na kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikan siya.
6Absalom teki tällä tavoin kaikille israelilaisille, jotka tulivat kuninkaan luo hakemaan oikeutta. Näin hän houkutteli puolelleen Israelin miesten sydämet.
6At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol: sa gayo'y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel.
7Neljän vuoden kuluttua Absalom sanoi kuninkaalle: "Tahtoisin mennä Hebroniin täyttämään lupauksen, jonka olen tehnyt Herralle.
7At nangyari, sa katapusan ng apat na pung taon, na sinasabi ni Absalom sa hari, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako'y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon, sa Hebron.
8Asuessani Gesurissa aramealaisten parissa lupasin näet, että jos Herra antaa minun palata Jerusalemiin, minusta tulee jälleen hänen palvelijansa."
8Sapagka't ang iyong lingkod ay nanata ng isang panata samantalang ako'y tumatahan sa Gesur sa Siria, na nagsabi, Kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem, maglilingkod nga ako sa Panginoon.
9Kuningas sanoi: "Mene rauhassa." Niin Absalom lähti Hebroniin.
9At sinabi ng hari sa kaniya, Yumaon kang payapa. Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Hebron.
10Hän oli lähettänyt salaa viestinviejiä kaikkien Israelin heimojen pariin sanomaan: "Kun kuulette torven äänen, huutakaa: 'Absalom on huudettu kuninkaaksi Hebronissa!'"
10Nguni't si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak, inyo ngang sasabihin, Si Absalom ay hari sa Hebron.
11Absalom kutsui lisäksi Jerusalemista mukaansa kaksisataa miestä, ja nämä lähtivät matkaan hyvässä uskossa, tietämättä asiasta mitään.
11At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake na mga inanyayahan, at nangaparoon silang walang malay; at wala silang nalalamang anoman.
12Toimittaessaan teurasuhreja Absalom kutsutti luokseen vielä Daavidin neuvonantajan Ahitofelin tämän kotikaupungista Gilosta. Näin syntyi laaja salaliitto, ja Absalomin luo kerääntyi yhä lisää väkeä.
12At pinagsuguan ni Absalom si Achitophel na Gilonita, na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami.
13Daavidin luo tuli sanantuoja, joka kertoi: "Israelin miesten mielet ovat kääntyneet Absalomin puolelle."
13At naparoon ang isang sugo kay David, na nagsasabi, Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom.
14Silloin Daavid sanoi kaikille Jerusalemissa oleville miehilleen: "Tulkaa, meidän on paettava, muuten emme voi pelastua Absalomin käsistä. Pitäkää kiirettä, tai hän ehtii saavuttaa meidät. Silloin olemme tuhon omat, ja hän hävittää miekalla koko kaupungin."
14At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak.
15Kuninkaan miehet vastasivat hänelle: "Palvelijasi ovat valmiit kaikkeen, minkä herramme ja kuninkaamme katsoo hyväksi."
15At sinabi ng mga lingkod ng hari sa hari, Narito, ang iyong mga lingkod ay handa na gumawa ng anoman na pipiliin ng aming panginoon na hari.
16Kuningas lähti kaupungista jalkaisin koko hovinsa kanssa, mutta jätti kymmenen sivuvaimoaan pitämään huolta palatsista.
16At lumabas ang hari at ang buong sangbahayan niya na sumunod sa kaniya. At nagiwan ang hari ng sangpung babae, na mga kinakasama niya, upang magingat ng bahay.
17Kuningas lähti kaupungista jalkaisin koko väkensä kanssa. He pysähtyivät viimeisen talon kohdalle.
17At lumabas ang hari at ang buong bayan na kasunod niya: at sila'y nagpahinga sa Beth-merac.
18Siellä kaikki kuninkaan miehet kulkivat hänen ohitseen, samoin kaikki kreetit ja pleetit sekä kuusisataa gatilaista, jotka olivat seuranneet häntä Gatista.
18At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya; at ang lahat na Ceretheo, at ang lahat na Peletheo, at ang lahat ng mga Getheo, na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa Gath, na nangagpapauna sa hari.
19Kuningas sanoi gatilaiselle Ittaille: "Miksi sinäkin olet lähtenyt meidän mukaamme? Käänny takaisin ja jää uuden kuninkaan luo. Sinähän olet vierasmaalainen ja lisäksi maanpakolainen.
19Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Ittai na Getheo, Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari: sapagka't ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa: bumalik ka sa iyong sariling dako.
20Sinä olet tullut vasta äsken; ottaisinko minä nyt heti sinut mukaamme harhailemaan, kun en itsekään tiedä, minne tieni vie? Palaa takaisin ja vie maanmiehesi mukanasi. Säilyköön luottamus ja uskollisuus!"
20Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin, dangang ako'y yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo.
21Ittai vastasi kuninkaalle: "Niin totta kuin Herra elää ja niin totta kuin sinä elät: minä tahdon olla siellä, missä herrani ja kuninkaani on, olipa edessä elämä tai kuolema."
21At sumagot si Ittai sa hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang aking panginoon na hari, tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari, maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod.
22Daavid sanoi hänelle: "Lähde siis mukaan!" Ja gatilainen Ittai lähti eteenpäin kaikkien miestensä ja muun väkensä kanssa.
22At sinabi ni David kay Ittai, Ikaw ay yumaon at magpauna. At si Ittai na Getheo ay nagpauna, at ang lahat niyang lalake, at ang lahat na bata na kasama niya.
23Koko maa itki suureen ääneen, kun väkijoukko vaelsi pois. Kuningas kulki Kidroninlaakson poikki, ja sitten koko joukko lähti kulkemaan autiomaahan johtavaa tietä.
23At ang buong lupain ay umiyak ng malakas, at ang buong bayan ay tumawid: ang hari man ay tumawid din sa batis ng Cedron, at ang buong bayan ay tumawid, sa daan ng ilang.
24Mukana olivat myös Sadok ja leeviläiset, jotka kantoivat Jumalan liitonarkkua. He laskivat Jumalan arkun maahan, ja Abjatar uhrasi polttouhreja, kunnes koko joukko oli vaeltanut ulos kaupungista.
24At, narito, pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan.
25Sitten kuningas sanoi Sadokille: "Vie Jumalan arkku takaisin kaupunkiin. Jos Herra on minulle suopea, hän johtaa minutkin takaisin ja antaa minun nähdä arkun omalla paikallaan.
25At sinabi ng hari kay Sadoc, Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan: kung ako'y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon, kaniyang ibabalik ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang kaniyang tahanan.
26Mutta jos hän sanoo: 'Sinä et ole minulle mieleen', niin olen valmis. Hän tehköön minulle niin kuin hyväksi näkee."
26Nguni't kung sabihin niyang ganito, Hindi kita kinalulugdan; narito, ako'y nandito, gawin niya; sa akin ang inaakala niyang mabuti.
27Ja kuningas jatkoi: "Ymmärräthän, on parempi, että palaat kaupunkiin ja viet mukanasi teidän molempien pojat, oman poikasi Ahimaasin ja Abjatarin pojan Jonatanin.
27Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote, Hindi ka ba tagakita? bumalik kang payapa sa bayan, at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaas na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar.
28Minä viivyn autiomaassa lähellä Jordanin ylityspaikkoja, kunnes saan teiltä uusia tietoja."
28Tingnan mo, ako'y maghihintay sa mga tawiran sa ilang, hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin.
29Sadok ja Abjatar veivät Jumalan arkun takaisin Jerusalemiin ja jäivät sinne.
29Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios: at sila'y nagsitahan doon.
30Mutta Daavid peitti päänsä ja lähti avojaloin ja itkien nousemaan Öljymäen rinnettä, ja myös kaikki hänen mukanaan kulkevat peittivät päänsä ja nousivat rinnettä itkien.
30At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa't isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon.
31Kun Daavidille tuotiin sana, että Ahitofel oli salaliittolaisten joukossa Absalomin puolella, hän sanoi: "Herra, tee tyhjäksi Ahitofelin neuvot!"
31At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom. At sinabi ni David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel.
32Kun Daavid oli tullut mäen laelle, paikkaan, jossa oli tapana rukoilla Jumalaa, hänen luokseen tuli arkilainen Husai viitta reväistynä ja multaa hiuksissaan.
32At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok, na doon sinasamba ang Dios, narito, si Husai na Arachita ay sumalubong sa kaniya, na ang kaniyang suot ay hapak, at may lupa sa kaniyang ulo:
33Daavid sanoi hänelle: "Jos lähdet mukaani, olet minulle vain vastuksena.
33At sinabi ni David sa kaniya, Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay magiging isang pasan ka nga sa akin.
34Palaa sen sijaan kaupunkiin ja sano Absalomille: 'Kuningas, minä haluan palvella sinua. Ennen olin isäsi palvelija, nyt olen sinun palvelijasi.' Silloin voit auttaa minua ja tehdä tyhjäksi Ahitofelin neuvot.
34Nguni't kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, Ako'y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako'y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo'y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko.
35Papit, Sadok ja Abjatar, ovat siellä apunasi. Aina kun kuulet kuninkaan palatsista jotakin, kerro heille.
35At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya't mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote.
36Lisäksi siellä ovat molempien pojat, Sadokin poika Ahimaas ja Abjatarin poika Jonatan. Lähettäkää minulle heidän kauttaan tieto kaikesta minkä kuulette."
36Narito nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak, si Ahimaas na anak ni Sadoc, at si Jonathan na anak ni Abiathar; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa't bagay na inyong maririnig.
37Samaan aikaan, kun Daavidin ystävä Husai tuli Jerusalemiin, sinne saapui myös Absalom.
37Sa gayo'y si Husai na kaibigan ni David ay pumasok sa bayan; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem.