1Laulunjohtajalle. Daavidin psalmi. Jumala, sinä jota ylistän, älä enää vaikene!
1Huwag kang mapayapa, Oh Dios na aking kapurihan;
2Minun vainoojani ovat avanneet suunsa, nuo jumalattomat ja petturit! He puhuvat minulle valheita.
2Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin: sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
3Joka puolelta he sinkoavat ilkeitä sanoja ja hyökkäävät syyttä minua vastaan.
3Kanilang kinulong ako sa palibot ng mga salitang pagtatanim, at nagsilaban sa akin ng walang kadahilanan.
4He palkitsevat ystävyyteni syytöksin. En ole tehnyt mitään pahaa!
4Sa kabayaran ng aking pagibig ay mga kaaway ko sila: nguni't ako'y tumatalaga sa dalangin.
5He maksavat hyvän pahalla, ystävyyteni vihalla.
5At iginanti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, at pagtatanim sa pagibig ko.
6Pane ankara syyttäjä vastustajani kimppuun, pane armoton mies todistamaan häntä vastaan!
6Lagyan mo ng masamang tao siya: at tumayo nawa ang isang kaaway sa kaniyang kanan.
7Kun hänen asiansa on oikeudessa, hänet tuomittakoon syylliseksi, hänen rukouksensakin katsottakoon pahaksi teoksi.
7Pagka siya'y nahatulan, lumabas nawa siyang salarin; at maging kasalanan nawa ang kaniyang dalangin.
8Vähiin jääkööt hänen elämänsä päivät, toinen ottakoon hänen työnsä ja toimensa.
8Maging kaunti nawa ang kaniyang mga kaarawan; at kunin nawa ng iba ang kaniyang katungkulan.
9Jääkööt hänen lapsensa orvoiksi, jääköön hänen vaimonsa leskeksi.
9Maulila nawa ang kaniyang mga anak, at mabao ang kaniyang asawa.
10Joutukoot hänen lapsensa kerjuulle, mieron tielle kotinsa raunioilta.
10Magsilaboy nawa ang kaniyang mga anak, at mangagpalimos; at hanapin nila ang kanilang pagkain sa kanilang mga dakong guho.
11Riistäköön koronkiskuri hänen omaisuutensa, ryöstäkööt vieraat hänen työnsä hedelmät.
11Kunin nawa ng manglulupig ang lahat niyang tinatangkilik; at samsamin ng mga taga ibang lupa ang kaniyang mga gawa.
12Älköön kukaan osoittako hänelle armoa, älköön kukaan säälikö hänen orpoja lapsiaan.
12Mawalan nawa ng maawa sa kaniya; at mawalan din ng maawa sa kaniyang mga anak na ulila.
13Sammukoon hänen sukunsa, jo toisessa polvessa kadotkoon hänen nimensä.
13Mahiwalay nawa ang kaniyang kaapuapuhan; sa lahing darating ay mapawi ang kaniyang pangalan.
14Hänen isiensä synnit pysykööt Herran muistissa, hänen äitinsä rikkomukset älkööt unohtuko,
14Maalaala nawa ng Panginoon ang kasamaan ng kaniyang mga magulang; at huwag mapawi ang kasalanan ng kaniyang ina,
15pysykööt ne aina Herran edessä. Hävittäköön Herra heidän muistonsa maan päältä!
15Mangalagay nawa silang lagi sa harap ng Panginoon, upang ihiwalay niya ang alaala sa kanila sa lupa.
16Tuo mies ei ajatellutkaan tehdä hyvää. Hän vainosi köyhää ja avutonta, ajoi murtuneen ihmisen kuolemaan.
16Sapagka't hindi niya naalaalang magpakita ng kaawaan, kundi hinabol ang dukha at mapagkailangan, at ang may bagbag na puso, upang patayin.
17Hän syyti kirouksia - saakoon itse ne päälleen! Ketään hän ei siunannut - jääköön itse siunauksetta!
17Oo, kaniyang inibig ang sumpa, at dumating sa kaniya; at hindi siya nalulugod sa pagpapala, at malayo sa kaniya.
18Kietokoon kirous hänet kuin vaate, menköön se hänen sisäänsä kuin vesi, hänen luihinsa kuin liukas öljy.
18Nagsusuot naman siya ng sumpa na parang kaniyang damit, at nasok sa kaniyang mga loob na bahagi na parang tubig, at parang langis sa kaniyang mga buto.
19Olkoon se viittana hänen yllään, vyönä hänen lanteillaan.
19Sa kaniya'y maging gaya nawa ng balabal na ibinabalabal, at gaya ng bigkis na ibinibigkis na lagi.
20Näin tehköön Herra niille, jotka minua syyttävät, niille, jotka puhuvat minusta pahaa.
20Ito ang kagantihan sa aking mga kaaway na mula sa Panginoon, at sa kanilang nangagsasalita ng kasamaan laban sa aking kaluluwa.
21Herra, minun Herrani, tule avukseni nimesi kunnian tähden! Sinä olet hyvä ja uskollinen, pelasta minut!
21Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako,
22Minä olen köyhä ja avuton, sydämeni on haavoilla.
22Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko.
23Minä katoan kuin väistyvä varjo, minut huitaistaan pois kuin heinäsirkka.
23Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang.
24Polveni horjuvat paastoamisesta, olen pelkkää luuta ja nahkaa.
24Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan.
25Vainoojani pilkkaavat minua, nyökyttelevät päätään, kun minut näkevät.
25Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo.
26Auta minua, Herra, Jumalani! Sinä, joka olet uskollinen, pelasta minut!
26Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob:
27Tulkoot he tuntemaan sinun kätesi voiman, saakoot tietää, että sinä, Herra, autat.
27Upang kanilang maalaman na ito'y iyong kamay; na ikaw, Panginoon, ang may gawa.
28Kirotkoot vain -- sinä siunaat. Nouskoot minua vastaan -- heidän käy huonosti, mutta palvelijasi saa iloita.
28Sumumpa sila, nguni't magpapala ka: pagka sila'y nagsibangon, sila'y mangapapahiya, nguni't ang iyong lingkod ay magagalak.
29Olkoon pilkka syyttäjieni vaatteena, häpeä heidän viittanaan.
29Manamit ng kasiraang puri ang mga kaaway ko, at matakpan sila ng kanilang sariling kahihiyan na parang balabal.
30Suureen ääneen minä kiitän Herraa, kansan keskellä minä häntä ylistän.
30Ako'y magpapasalamat ng marami ng aking bibig sa Panginoon; Oo, aking pupurihin siya sa gitna ng karamihan.
31Hän seisoo sorretun vierellä ja pelastaa hänet niiden käsistä, jotka tahtovat hänet tuomita.
31Sapagka't siya'y tatayo sa kanan ng mapagkailangan, upang iligtas sa kanilang nagsisihatol ng kaniyang kaluluwa.