German: Schlachter (1951)

Tagalog 1905

Job

15

1Da antwortete Eliphas, der Temaniter, und sprach:
1Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,
2Soll ein Weiser mit windigem Wissen antworten und seinen Leib mit Ostwind füllen?
2Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan?
3Zurechtweisung mit Worten nützt nichts, und mit Reden richtet man nichts aus.
3Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
4Doch du hebst die Gottesfurcht auf und schwächst die Andacht vor Gott.
4Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
5Denn deine Missetat lehrt deinen Mund, und du wählst die Sprache der Schlauen.
5Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
6Dein eigener Mund soll dich verurteilen und nicht ich, deine Lippen sollen zeugen wider dich!
6Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
7Bist du der Erstgeborene der Menschen, und warest du vor den Hügeln da?
7Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
8Hast du Gottes Rat belauscht und alle Weisheit aufgesogen?
8Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
9Was weißt du, das wir nicht wüßten? Verstehst du mehr als wir?
9Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin?
10Ergraute Häupter sind auch unter uns, Greise, die älter sind als dein Vater!
10Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama.
11Sind dir zu gering die Tröstungen Gottes, der so sanft mit dir geredet hat?
11Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
12Was hat dir die Besinnung geraubt, und wie übermütig wirst du,
12Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
13daß du deinen Zorn gegen Gott auslässest und solche Worte ausstößt aus deinem Mund?
13Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
14Wie kann der Sterbliche denn rein, der vom Weibe Geborene gerecht sein?
14Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
15Siehe, seinen Heiligen traut er nicht, die Himmel sind nicht rein vor ihm.
15Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
16Wie sollte es denn der Abscheuliche, der Verdorbene, der Mensch sein, der Unrecht wie Wasser säuft?
16Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
17Ich will dich unterweisen, höre mir zu, und was ich gesehen habe, will ich dir erzählen;
17Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag:
18was Weise verkündigten und nicht verhehlt haben von ihren Vätern her,
18(Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
19als noch ihnen allein das Land gehörte und noch kein Fremder zu ihnen herübergekommen war:
19Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)
20Der Gottlose quält sich sein Leben lang, all die Jahre, die dem Tyrannen bestimmt sind;
20Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21ein Schreckensgetön ist in seinen Ohren, und der Verderber überfällt ihn in seinem Glück.
21Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22Er soll nicht glauben, daß er aus der Finsternis wiederkehren wird; ausersehen ist er für das Schwert!
22Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak:
23Er irrt umher nach Brot: wo findet er es ? Er weiß, daß ein finsterer Tag ihm nahe bevorsteht.
23Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24Not und Bedrängnis überfallen ihn, sie überwältigen ihn, wie ein König, der zum Streit gerüstet ist.
24Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
25Denn er hat seine Hand gegen Gott ausgestreckt und sich gegen den Allmächtigen aufgelehnt;
25Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
26er ist gegen ihn angelaufen mit erhobenem Haupt, unter dem dicken Buckel seiner Schilde;
26Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
27sein Angesicht bedeckte sich mit Fett, und Schmer umhüllte seine Lenden;
27Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
28er schlug seine Wohnung in zerstörten Städten auf, in Häusern, die unbewohnt bleiben sollten, zu Trümmerhaufen bestimmt.
28At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton.
29Er wird nicht reich, sein Vermögen hat keinen Bestand, und sein Besitz breitet sich nicht aus im Land.
29Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
30Der Finsternis entgeht er nicht, die Flamme versengt seine Sprößlinge, vor dem Hauch Seines Mundes flieht er dahin.
30Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
31Er verlasse sich nicht auf Lügen, er ist betrogen; und Betrug wird seine Vergeltung sein.
31Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
32Ehe sein Tag kommt, ist sie reif; sein Zweig grünt nicht mehr.
32Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa.
33Wie ein Weinstock, der seine Herlinge abstößt, und wie ein Ölbaum ist er , der seine Blüten abwirft.
33Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
34Denn die Rotte der Ruchlosen ist unfruchtbar, und Feuer frißt die Zelte der Bestechung.
34Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35Mit Mühsal schwanger, gebären sie Eitles, und ihr Schoß bereitet Enttäuschung.
35Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.