German: Schlachter (1951)

Tagalog 1905

Numbers

18

1Und der HERR sprach zu Aaron: Du und deine Söhne und deines Vaters Haus mit dir sollen die Versündigung am Heiligtum tragen, und du und deine Söhne mit dir sollen die Sünde eures Priestertums tragen.
1At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote.
2Laß auch deine Brüder vom Stamme Levi, von deinem väterlichen Stamm, sich mit dir nahen, daß sie sich dir anschließen und dir dienen. Du aber und deine Söhne mit dir sollen vor der Hütte des Zeugnisses dienen und sollen deine Anordnungen und die Ordnungen der ganzen Hütte besorgen;
2At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo.
3doch zu den Geräten des Heiligtums und zum Altar sollen sie sich nicht nahen, daß sie nicht sterben, sie und ihr dazu;
3At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.
4sondern sie sollen dir beigeordnet sein, daß sie die Ordnung der Stiftshütte besorgen, den Dienst an der Hütte; aber kein Fremder soll sich zu euch nahen.
4At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.
5So beobachtet denn die Ordnungen des Heiligtums und die Ordnung des Altars, daß hinfort kein Zorngericht über die Kinder Israel komme!
5At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.
6Und siehe, ich habe die Leviten, eure Brüder, aus den Kindern Israel herausgenommen, euch zur Gabe, als dem HERRN Geweihte, daß sie den Dienst der Stiftshütte besorgen.
6At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
7Du aber und deine Söhne mit dir, ihr sollt eures Priestertums warten, daß ihr dienet in allen Geschäften des Altars und inwendig hinter dem Vorhang; denn zum Geschenk gebe ich euch das Amt eures Priestertums. Wenn ein Fremder herzunaht, so muß er sterben.
7At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
8Und der HERR sprach zu Aaron: Siehe, ich habe dir meine Hebopfer zu verwahren gegeben; von allem, was die Kinder Israel heiligen, habe ich sie dir zum Salbungsgeschenk und deinen Söhnen zum ewigen Recht verliehen.
8At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At ako'y, narito, aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.
9Das sollst du haben vom Hochheiligen, vom Feuer des Altars; alle ihre Opfer samt allen ihren Speisopfern und Sündopfern und Schuldopfern, die sie mir bringen, sollen dir und deinen Söhnen hochheilig sein.
9Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: bawa't alay nila, bawa't handog na harina nila, at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.
10An einem hochheiligen Ort sollst du es essen; was männlich ist, mag davon essen; denn es soll dir heilig sein.
10Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.
11Du sollst auch das Hebopfer ihrer Gaben haben, alle Webopfer der Kinder Israel; Ich habe sie dir und deinen Söhnen und deinen Töchtern neben dir zum ewigen Rechte gegeben. Wer in deinem Hause rein ist, der soll davon essen:
11At ito ay iyo; ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
12Alles Beste vom Öl und alles Beste vom Most und Korn, ihre Erstlinge, die sie dem HERRN geben, habe ich dir gegeben.
12Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.
13Die ersten Früchte alles dessen, was in ihrem Lande wächst , die sie dem HERRN bringen, sollen dein sein. Wer in deinem Hause rein ist, soll davon essen.
13Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
14Alles Gebannte in Israel soll dein sein.
14Lahat ng mga bagay na natatalaga sa Israel ay magiging iyo.
15Alle Erstgeburt unter allem Fleisch, die sie dem HERRN bringen, es sei ein Mensch oder ein Vieh, soll dein sein; doch sollst du die Erstgeburt von Menschen lösen lassen, auch die Erstgeburt eines unreinen Viehes sollst du lösen lassen.
15Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.
16Und was den Lösepreis betrifft, sollst du, wenn sie einen Monat alt sind, sie lösen nach deiner Schatzung um fünf Schekel Silber, nach dem Schekel des Heiligtums, welcher zwanzig Gera gilt.
16At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario (na dalawang pung gera).
17Aber die Erstgeburt eines Ochsen, oder die Erstgeburt eines Lammes, oder die Erstgeburt einer Ziege sollst du nicht lösen lassen; denn sie sind heilig. Ihr Blut sollst du auf den Altar sprengen, und ihr Fett sollst du verbrennen zum Feueropfer, zum lieblichen Geruch dem HERRN.
17Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
18Ihr Fleisch aber soll dein sein; wie die Webebrust und die rechte Keule soll es dir gehören.
18At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang hita ay magiging iyo.
19Alle Hebopfer von den heiligen Gaben, welche die Kinder Israel dem HERRN erheben, habe ich dir und deinen Söhnen und deinen Töchtern neben dir gegeben, als ewiges Recht. Das soll ein ewiger Salzbund sein vor dem HERRN, für dich und deinen Samen mit dir.
19Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.
20Und der HERR sprach zu Aaron: Du sollst in ihrem Lande nichts erben, auch kein Teil unter ihnen haben; denn Ich bin dein Teil und dein Erbgut unter den Kindern Israel!
20At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
21Aber siehe, den Kindern Levis habe ich alle Zehnten in Israel zum Erbteil gegeben für ihren Dienst, den sie mir tun in der Arbeit an der Stiftshütte.
21At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
22Darum sollen hinfort die Kinder Israel nicht zur Stiftshütte nahen, daß sie nicht Sünde auf sich laden und sterben;
22At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.
23sondern die Leviten sollen den Dienst an der Stiftshütte besorgen und sie sollen ihre Missetat tragen; das sei ein ewiges Recht bei euren Nachkommen; aber sie sollen unter den Kindern Israel kein Erbgut besitzen.
23Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
24Denn den Zehnten der Kinder Israel, den sie dem HERRN als Hebopfer entrichten, habe ich den Leviten zum Erbteil gegeben. Darum habe ich zu ihnen gesagt, daß sie unter den Kindern Israel kein Erbgut besitzen sollen.
24Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
25Und der HERR redete zu Mose und sprach:
25At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
26Sage auch den Leviten und sprich zu ihnen: Wenn ihr von den Kindern Israel den Zehnten nehmet, den ich euch von ihnen zum Erbteil gegeben habe, so sollt ihr davon dem HERRN ein Hebopfer abheben, den Zehnten vom Zehnten.
26Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.
27Dieses euer Hebopfer soll euch angerechnet werden, als gäbet ihr Korn von der Tenne und Most aus der Kelter.
27At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.
28Also sollt auch ihr dem HERRN das Hebopfer geben von allen euren Zehnten, die ihr von den Kindern Israel nehmet, und sollt dieses Hebopfer des HERRN dem Priester Aaron geben.
28Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.
29Von allem, was euch geschenkt wird, sollt ihr dem HERRN ein Hebopfer geben, von allem Besten den geheiligten Teil.
29Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon.
30Und sprich zu ihnen: Wenn ihr also das Allerbeste davon abhebet, so soll es den Leviten angerechnet werden wie ein Ertrag der Tenne und wie ein Ertrag der Kelter.
30Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas.
31Und ihr möget es essen an allen Orten, ihr und euer Haus; denn es ist euer Lohn für euren Dienst an der Stiftshütte.
31At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
32Und ihr werdet darob keine Sünde auf euch laden, wenn ihr nur das Beste davon abhebet und das Geheiligte der Kinder Israel nicht entweihet, auf daß ihr nicht sterbet.
32At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.