1וישלח חירם מלך צר מלאכים אל דויד ועצי ארזים וחרשי קיר וחרשי עצים לבנות לו בית׃
1At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay.
2וידע דויד כי הכינו יהוה למלך על ישראל כי נשאת למעלה מלכותו בעבור עמו ישראל׃
2At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.
3ויקח דויד עוד נשים בירושלם ויולד דויד עוד בנים ובנות׃
3At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.
4ואלה שמות הילודים אשר היו לו בירושלם שמוע ושובב נתן ושלמה׃
4At ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.
5ויבחר ואלישוע ואלפלט׃
5At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;
6ונגה ונפג ויפיע׃
6At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;
7ואלישמע ובעלידע ואליפלט׃
7At si Elisama, at si Beeliada, at si Eliphelet.
8וישמעו פלשתים כי נמשח דויד למלך על כל ישראל ויעלו כל פלשתים לבקש את דויד וישמע דויד ויצא לפניהם׃
8At nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David: at nabalitaan ni David, at nilabas sila.
9ופלשתים באו ויפשטו בעמק רפאים׃
9Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.
10וישאל דויד באלהים לאמר האעלה על פלשתיים ונתתם בידי ויאמר לו יהוה עלה ונתתים בידך׃
10At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka: sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay.
11ויעלו בבעל פרצים ויכם שם דויד ויאמר דויד פרץ האלהים את אויבי בידי כפרץ מים על כן קראו שם המקום ההוא בעל פרצים׃
11Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baal-perasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.
12ויעזבו שם את אלהיהם ויאמר דויד וישרפו באש׃
12At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at sinunog sa apoy ang mga yaon.
13ויסיפו עוד פלשתים ויפשטו בעמק׃
13At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis.
14וישאל עוד דויד באלהים ויאמר לו האלהים לא תעלה אחריהם הסב מעליהם ובאת להם ממול הבכאים׃
14At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales.
15ויהי כשמעך את קול הצעדה בראשי הבכאים אז תצא במלחמה כי יצא האלהים לפניך להכות את מחנה פלשתים׃
15At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka: sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.
16ויעש דויד כאשר צוהו האלהים ויכו את מחנה פלשתים מגבעון ועד גזרה׃
16At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.
17ויצא שם דויד בכל הארצות ויהוה נתן את פחדו על כל הגוים׃
17At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng takot sa kaniya ang lahat na bansa.