Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Ezekiel

13

1ויהי דבר יהוה אלי לאמר׃
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2בן אדם הנבא אל נביאי ישראל הנבאים ואמרת לנביאי מלבם שמעו דבר יהוה׃
2Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:
3כה אמר אדני יהוה הוי על הנביאים הנבלים אשר הלכים אחר רוחם ולבלתי ראו׃
3Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!
4כשעלים בחרבות נביאיך ישראל היו׃
4Oh Israel, ang iyong mga propeta ay naging parang mga zorra sa mga gibang dako.
5לא עליתם בפרצות ותגדרו גדר על בית ישראל לעמד במלחמה ביום יהוה׃
5Kayo'y hindi sumampa sa mga sira, o iginawa man ninyo ng kuta ang sangbahayan ni Israel, upang siya'y makatayo sa pakikipagbaka sa kaarawan ng Panginoon.
6חזו שוא וקסם כזב האמרים נאם יהוה ויהוה לא שלחם ויחלו לקים דבר׃
6Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.
7הלוא מחזה שוא חזיתם ומקסם כזב אמרתם ואמרים נאם יהוה ואני לא דברתי׃
7Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?
8לכן כה אמר אדני יהוה יען דברכם שוא וחזיתם כזב לכן הנני אליכם נאם אדני יהוה׃
8Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.
9והיתה ידי אל הנביאים החזים שוא והקסמים כזב בסוד עמי לא יהיו ובכתב בית ישראל לא יכתבו ואל אדמת ישראל לא יבאו וידעתם כי אני אדני יהוה׃
9At ang aking kamay ay magiging laban sa mga propeta na nangakakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kasinungalingan: sila'y hindi mapapasa kapulungan ng aking bayan, o masusulat man sa pasulatan ng sangbahayan ni Israel, o sila man ay magsisipasok sa lupain ng Israel; at inyong malalaman na ako ang Panginoong Dios.
10יען וביען הטעו את עמי לאמר שלום ואין שלום והוא בנה חיץ והנם טחים אתו תפל׃
10Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa:
11אמר אל טחי תפל ויפל היה גשם שוטף ואתנה אבני אלגביש תפלנה ורוח סערות תבקע׃
11Sabihin mo sa kanila na nangagtatapal ng masamang argamasa, na yao'y mababagsak: magkakaroon ng bugso ng ulan; at kayo. Oh malalaking granizo, ay babagsak; at isang unos na hangin ay titibag niyaon.
12והנה נפל הקיר הלוא יאמר אליכם איה הטיח אשר טחתם׃
12Narito, pagka ang kuta ay nabagsak, hindi baga sasabihin sa inyo: Saan nandoon ang tapal na inyong itinapal?
13לכן כה אמר אדני יהוה ובקעתי רוח סערות בחמתי וגשם שטף באפי יהיה ואבני אלגביש בחמה לכלה׃
13Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin.
14והרסתי את הקיר אשר טחתם תפל והגעתיהו אל הארץ ונגלה יסדו ונפלה וכליתם בתוכה וידעתם כי אני יהוה׃
14Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
15וכליתי את חמתי בקיר ובטחים אתו תפל ואמר לכם אין הקיר ואין הטחים אתו׃
15Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man;
16נביאי ישראל הנבאים אל ירושלם והחזים לה חזון שלם ואין שלם נאם אדני יהוה׃
16Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.
17ואתה בן אדם שים פניך אל בנות עמך המתנבאות מלבהן והנבא עליהן׃
17At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila,
18ואמרת כה אמר אדני יהוה הוי למתפרות כסתות על כל אצילי ידי ועשות המספחות על ראש כל קומה לצודד נפשות הנפשות תצודדנה לעמי ונפשות לכנה תחיינה׃
18At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili?
19ותחללנה אתי אל עמי בשעלי שערים ובפתותי לחם להמית נפשות אשר לא תמותנה ולחיות נפשות אשר לא תחיינה בכזבכם לעמי שמעי כזב׃
19At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
20לכן כה אמר אדני יהוה הנני אל כסתותיכנה אשר אתנה מצדדות שם את הנפשות לפרחות וקרעתי אתם מעל זרועתיכם ושלחתי את הנפשות אשר אתם מצדדות את נפשים לפרחת׃
20Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
21וקרעתי את מספחתיכם והצלתי את עמי מידכן ולא יהיו עוד בידכן למצודה וידעתן כי אני יהוה׃
21Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
22יען הכאות לב צדיק שקר ואני לא הכאבתיו ולחזק ידי רשע לבלתי שוב מדרכו הרע להחיתו׃
22Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;
23לכן שוא לא תחזינה וקסם לא תקסמנה עוד והצלתי את עמי מידכן וידעתן כי אני יהוה׃
23Kaya't hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.