Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Ezra

10

1וכהתפלל עזרא וכהתודתו בכה ומתנפל לפני בית האלהים נקבצו אליו מישראל קהל רב מאד אנשים ונשים וילדים כי בכו העם הרבה בכה׃
1Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.
2ויען שכניה בן יחיאל מבני עולם ויאמר לעזרא אנחנו מעלנו באלהינו ונשב נשים נכריות מעמי הארץ ועתה יש מקוה לישראל על זאת׃
2At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito.
3ועתה נכרת ברית לאלהינו להוציא כל נשים והנולד מהם בעצת אדני והחרדים במצות אלהינו וכתורה יעשה׃
3Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.
4קום כי עליך הדבר ואנחנו עמך חזק ועשה׃
4Bumangon ka: sapagka't bagay na ukol sa iyo, at kami ay sumasaiyo: magpakatapang kang mabuti, at iyong gawin.
5ויקם עזרא וישבע את שרי הכהנים הלוים וכל ישראל לעשות כדבר הזה וישבעו׃
5Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ayon sa salitang ito. Sa gayo'y sumumpa sila.
6ויקם עזרא מלפני בית האלהים וילך אל לשכת יהוחנן בן אלישיב וילך שם לחם לא אכל ומים לא שתה כי מתאבל על מעל הגולה׃
6Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
7ויעבירו קול ביהודה וירושלם לכל בני הגולה להקבץ ירושלם׃
7At siya'y gumawa ng pahayag sa Juda't Jerusalem sa lahat na mga anak sa pagkabihag, na sila'y magpipisan sa Jerusalem;
8וכל אשר לא יבוא לשלשת הימים כעצת השרים והזקנים יחרם כל רכושו והוא יבדל מקהל הגולה׃
8At yaong hindi pumaroon sa loob ng tatlong araw, ayon sa payo ng mga prinsipe at ng mga matanda, lahat niyang pag-aari ay sasamsamin, at ihihiwalay siya sa kapisanan ng sa pagkabihag.
9ויקבצו כל אנשי יהודה ובנימן ירושלם לשלשת הימים הוא חדש התשיעי בעשרים בחדש וישבו כל העם ברחוב בית האלהים מרעידים על הדבר ומהגשמים׃
9Nang magkagayo'y ang lahat na lalake ng Juda at Benjamin ay nagpipisan sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw (siyang ikasiyam na buwan nang ikadalawang pung araw ng buwan): at ang buong bayan ay naupo sa luwal na dako sa harap ng bahay ng Dios, na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.
10ויקם עזרא הכהן ויאמר אלהם אתם מעלתם ותשיבו נשים נכריות להוסיף על אשמת ישראל׃
10At si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo'y nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang palalain ang sala ng Israel.
11ועתה תנו תודה ליהוה אלהי אבתיכם ועשו רצונו והבדלו מעמי הארץ ומן הנשים הנכריות׃
11Ngayon nga'y mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.
12ויענו כל הקהל ויאמרו קול גדול כן כדבריך עלינו לעשות׃
12Nang magkagayo'y ang buong kapisanan ay sumagot at nagsabi ng malakas, Kung ano ang iyong sinabi tungkol sa amin, gayon ang nararapat naming gawin.
13אבל העם רב והעת גשמים ואין כח לעמוד בחוץ והמלאכה לא ליום אחד ולא לשנים כי הרבינו לפשע בדבר הזה׃
13Nguni't ang bayan ay marami, at panahong maulan, at kami ay hindi makatatayo sa labas: ni ito man ay gawa sa isang araw o dalawa: sapagka't kami ay nagkasalang mainam sa bagay na ito.
14יעמדו נא שרינו לכל הקהל וכל אשר בערינו ההשיב נשים נכריות יבא לעתים מזמנים ועמהם זקני עיר ועיר ושפטיה עד להשיב חרון אף אלהינו ממנו עד לדבר הזה׃
14Mahalal ngayon ang ating mga prinsipe sa buong kapisanan, at magsiparito sa takdang panahon yaong lahat na nangasa ating mga bayan na nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan, at pumaritong kasama nila ang mga matanda ng lahat na bayan, at ang mga hukom doon, hanggang sa ang mabangis na kapootan ng ating Dios ay mahiwalay sa atin, hanggang sa ang bagay na ito ay matapos.
15אך יונתן בן עשהאל ויחזיה בן תקוה עמדו על זאת ומשלם ושבתי הלוי עזרם׃
15Si Jonathan lamang na anak ni Asael, at si Jaazias na anak ni Tikvah ang tumayo laban sa bagay na ito: at si Mesullam, at si Sabethai na Levita ang tumulong sa kanila.
16ויעשו כן בני הגולה ויבדלו עזרא הכהן אנשים ראשי האבות לבית אבתם וכלם בשמות וישבו ביום אחד לחדש העשירי לדריוש הדבר׃
16At ginawang gayon ng mga anak sa pagkabihag. At si Ezra na saserdote na kasama ng ilang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at silang lahat ayon sa kanilang mga pangalan, ay nangaghiwalay; at sila'y nangaupo sa unang araw ng ikasangpung buwan upang litisin ang bagay.
17ויכלו בכל אנשים ההשיבו נשים נכריות עד יום אחד לחדש הראשון׃
17At kanilang tinapos ang tungkol sa lahat na lalake na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan nang unang araw ng unang buwan.
18וימצא מבני הכהנים אשר השיבו נשים נכריות מבני ישוע בן יוצדק ואחיו מעשיה ואליעזר ויריב וגדליה׃
18At sa mga anak ng mga saserdote ay nangasumpungan na nangagasawa sa mga babaing tagaibang bayan; sa mga anak ni Jesua, na anak ni Josadec, at sa kaniyang mga kapatid, si Maasias, at si Elieser, at si Jarib, at si Gedalias.
19ויתנו ידם להוציא נשיהם ואשמים איל צאן על אשמתם׃
19At sila'y nangakipagkamay na kanilang ihihiwalay ang kanilang mga asawa; at yamang mga salarin, sila'y nangaghandog ng isang lalaking tupa sa kawan dahil sa kanilang sala.
20ומבני אמר חנני וזבדיה׃
20At sa mga anak ni Immer; si Hanani at si Zebadias.
21ומבני חרם מעשיה ואליה ושמעיה ויחיאל ועזיה׃
21At sa mga anak ni Harim; si Maasias, at si Elias, at si Semeias, at si Jehiel, at si Uzzias.
22ומבני פשחור אליועיני מעשיה ישמעאל נתנאל יוזבד ואלעשה׃
22At sa mga anak ni Phasur; si Elioenai, si Maasias, si Ismael, si Nathanael, si Jozabad at si Elasa.
23ומן הלוים יוזבד ושמעי וקליה הוא קליטא פתחיה יהודה ואליעזר׃
23At sa mga Levita; si Jozabad, at si Simi, at si Kelaia (na siya ring Kelita), si Pethaia, si Juda, at si Eliezer.
24ומן המשררים אלישיב ומן השערים שלם וטלם ואורי׃
24At sa mga mangaawit: si Eliasib: at sa mga tagatanod-pinto; si Sellum, at si Telem, at si Uri.
25ומישראל מבני פרעש רמיה ויזיה ומלכיה ומימן ואלעזר ומלכיה ובניה׃
25At sa Israel: sa mga anak ni Pharos; si Ramia at si Izzias, at si Malchias, at si Miamim, at si Eleazar, at si Malchias, at si Benaias.
26ומבני עילם מתניה זכריה ויחיאל ועבדי וירמות ואליה׃
26At sa mga anak ni Elam: si Mathanias, si Zacharias, at si Jehiel, at si Abdi, at si Jeremoth, at si Elia.
27ומבני זתוא אליועני אלישיב מתניה וירמות וזבד ועזיזא׃
27At sa mga anak ni Zattu; si Elioenai, si Eliasib, si Mathanias, at si Jeremoth, at si Zabad, at si Aziza.
28ומבני בבי יהוחנן חנניה זבי עתלי׃
28At sa mga anak ni Bebai; si Johanan, si Hananias, si Zabbai, at si Atlai.
29ומבני בני משלם מלוך ועדיה ישוב ושאל ירמות׃
29At sa mga anak ni Bani; si Mesullam, si Malluch, at si Adaias, si Jasub, si Seal, at si Ramoth.
30ומבני פחת מואב עדנא וכלל בניה מעשיה מתניה בצלאל ובנוי ומנשה׃
30At sa mga anak ni Pahath-moab; si Adna, at si Cheleal, si Benaias, si Maasias, si Mathanias, si Besaleel, at si Bennui, at si Manases.
31ובני חרם אליעזר ישיה מלכיה שמעיה שמעון׃
31At sa mga anak ni Harim; si Eliezer, si Issia, at si Malchias, si Semeia, si Simeon;
32בנימן מלוך שמריה׃
32Si Benjamin, si Malluch, si Semarias.
33מבני חשם מתני מתתה זבד אליפלט ירמי מנשה שמעי׃
33Sa mga anak ni Hasum; si Mathenai, si Mathatha, si Zabad, si Eliphelet, si Jeremai, si Manases, at si Sami.
34מבני בני מעדי עמרם ואואל׃
34Sa mga anak ni Bani; si Maadi si Amram, at si Uel;
35בניה בדיה כלוהי׃
35Si Benaias, si Bedias, si Cheluhi;
36וניה מרמות אלישיב׃
36Si Vanias, si Meremoth, si Eliasib;
37מתניה מתני ויעשו׃
37Si Mathanias, si Mathenai, at si Jaasai;
38ובני ובנוי שמעי׃
38At si Bani, at si Binnui, si Simi;
39ושלמיה ונתן ועדיה׃
39At si Selemias, at si Nathan, at si Adaias;
40מכנדבי ששי שרי׃
40Si Machnadbai, si Sasai, si Sarai;
41עזראל ושלמיהו שמריה׃
41Si Azareel, at si Selemias, si Semarias;
42שלום אמריה יוסף׃
42Si Sallum, si Amarias, si Joseph.
43מבני נבו יעיאל מתתיה זבד זבינא ידו ויואל בניה׃
43Sa mga anak ni Nebo; si Jehiel, si Matithias, si Zabad, si Zebina, si Jadau, at si Joel, si Benaias.
44כל אלה נשאי נשים נכריות ויש מהם נשים וישימו בנים׃
44Lahat ng mga ito'y nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan: at ang iba sa kanila ay may mga asawang pinagkaroonan ng mga anak.