Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Ezra

5

1והתנבי חגי נביאה וזכריה בר עדוא נביאיא על יהודיא די ביהוד ובירושלם בשם אלה ישראל עליהון׃
1Ang mga propeta nga, si Haggeo na propeta, at si Zacharias na anak ni Iddo, ay nanghula sa mga Judio na nasa Juda at Jerusalem; sa pangalan ng Dios ng Israel ay nagsipanghula sila sa kanila;
2באדין קמו זרבבל בר שאלתיאל וישוע בר יוצדק ושריו למבנא בית אלהא די בירושלם ועמהון נביאיא די אלהא מסעדין להון׃
2Nang magkagayo'y bumangon si Zorobabel na anak ni Sealthiel, at si Jesua na anak ni Josadach, at pinasimulang itinayo ang bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at kasama nila ang mga propeta ng Dios, na nagsisitulong sa kanila.
3בה זמנא אתא עליהון תתני פחת עבר נהרה ושתר בוזני וכנותהון וכן אמרין להם מן שם לכם טעם ביתא דנה לבנא ואשרנא דנה לשכללה׃
3Nang panahon ding yaon ay naparoon sa kanila si Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at si Sethar-boznai, at ang kanilang mga kasama, at nagsabi ng ganito sa kanila: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito, at yariin ang kutang ito?
4אדין כנמא אמרנא להם מן אנון שמהת גבריא די דנה בנינא בנין׃
4Nang magkagayo'y nangagsalita kami sa kanila ng ganitong paraan: Ano-ano ang mga pangalan ng mga tao na nagsigawa ng bahay na ito?
5ועין אלההם הות על שבי יהודיא ולא בטלו המו עד טעמא לדריוש יהך ואדין יתיבון נשתונא על דנה׃
5Nguni't ang mata ng kanilang Dios ay nakatingin sa mga matanda ng mga Judio, at hindi nila pinatigil, hanggang sa ang bagay ay dumating kay Dario, at nang magkagayo'y ang sagot ay nabalik sa pamamagitan ng sulat tungkol doon.
6פרשגן אגרתא די שלח תתני פחת עבר נהרה ושתר בוזני וכנותה אפרסכיא די בעבר נהרה על דריוש מלכא׃
6Ang salin ng sulat na ipinadala ni Tatnai, na tagapamahala sa dako roon ng Ilog at ni Sethar-boznai, at ng kaniyang mga kasama na mga Apharsachita, na nangasa dako roon ng Ilog, kay Dario na hari:
7פתגמא שלחו עלוהי וכדנה כתיב בגוה לדריוש מלכא שלמא כלא׃
7Sila'y nangagpadala ng isang sulat sa kaniya, na kinasusulatan ng ganito: Kay Dario na hari, buong kapayapaan.
8ידיע להוא למלכא די אזלנא ליהוד מדינתא לבית אלהא רבא והוא מתבנא אבן גלל ואע מתשם בכתליא ועבידתא דך אספרנא מתעבדא ומצלח בידהם׃
8Talastasin ng hari, na kami ay nagsiparoon sa lalawigan ng Juda, sa bahay ng dakilang Dios, na natayo ng mga malaking bato, at mga kahoy ay nalapat sa mga kuta; at ang gawaing ito ay pinagsisikapan at nayayari sa kanilang mga kamay.
9אדין שאלנא לשביא אלך כנמא אמרנא להם מן שם לכם טעם ביתא דנה למבניה ואשרנא דנה לשכללה׃
9Nang magkagayo'y tumanong kami sa mga matandang yaon, at nagsabi sa kanila ng ganito: Sino ang nagbigay sa inyo ng pasiya upang itayo ang bahay na ito at upang yariin ang kutang ito?
10ואף שמהתהם שאלנא להם להודעותך די נכתב שם גבריא די בראשיהם׃
10Aming itinanong naman sa kanila ang kanilang mga pangalan, na patotohanan sa iyo, upang aming maisulat ang mga pangalan ng mga tao na nangungulo sa kanila.
11וכנמא פתגמא התיבונא לממר אנחנא המו עבדוהי די אלה שמיא וארעא ובנין ביתא די הוא בנה מקדמת דנה שנין שגיאן ומלך לישראל רב בנהי ושכללה׃
11At ganito sila nangagbalik ng sagot sa amin, na nangagsasabi, Kami ay mga lingkod ng Dios ng langit at lupa, at nangagtatayo ng bahay na natayo nitong malaong panahon, na itinayo at niyari ng isang dakilang hari sa Israel.
12להן מן די הרגזו אבהתנא לאלה שמיא יהב המו ביד נבוכדנצר מלך בבל כסדיא וביתה דנה סתרה ועמה הגלי לבבל׃
12Nguni't pagkamungkahi sa pagiinit sa Dios ng langit ng aming mga magulang, ibinigay niya sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na Caldeo, na siyang gumiba ng bahay na ito, at dinala ang bayan sa Babilonia.
13ברם בשנת חדה לכורש מלכא די בבל כורש מלכא שם טעם בית אלהא דנה לבנא׃
13Nguni't sa unang taon ni Ciro na hari sa Babilonia, gumawa ng pasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios,
14ואף מאניא די בית אלהא די דהבה וכספא די נבוכדנצר הנפק מן היכלא די בירושלם והיבל המו להיכלא די בבל הנפק המו כורש מלכא מן היכלא די בבל ויהיבו לששבצר שמה די פחה שמה׃
14At ang ginto at pilak na mga sisidlan rin naman sa bahay ng Dios na inilabas ni Nabucodonosor sa templo na nasa Jerusalem, at nangadala sa loob ng templo ng Babilonia, ang mga yaon ay inilabas sa templo ng Babilonia ni Ciro na hari, at ibinigay sa isang nagngangalang Sesbassar, na siya niyang ginawang tagapamahala,
15ואמר לה אלה מאניא שא אזל אחת המו בהיכלא די בירושלם ובית אלהא יתבנא על אתרה׃
15At sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang mga sisidlang ito, ikaw ay yumaon, ipagpasok mo sa templo na nasa Jerusalem, at ipahintulot mo na matayo ang bahay ng Dios sa kaniyang dako.
16אדין ששבצר דך אתא יהב אשיא די בית אלהא די בירושלם ומן אדין ועד כען מתבנא ולא שלם׃
16Nang magkagayo'y naparoon ang Sesbassar na yaon, at inilagay ang mga tatagang-baon ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem: at mula sa panahong yaon hanggang ngayon ay itinatayo, at hindi pa yari.
17וכען הן על מלכא טב יתבקר בבית גנזיא די מלכא תמה די בבבל הן איתי די מן כורש מלכא שים טעם למבנא בית אלהא דך בירושלם ורעות מלכא על דנה ישלח עלינא׃
17Ngayon nga, kung inaakalang mabuti ng hari, magsagawa ng pagsaliksik sa bahay na ingatang-yaman ng hari, na nandiyan sa Babilonia, kung gayon nga, na nagpasiya si Ciro na hari na itayo ang bahay na ito ng Dios sa Jerusalem, at ipasabi sa amin ng hari ang kaniyang kalooban tungkol sa bagay na ito.