Hebrew: Modern

Tagalog 1905

Jeremiah

27

1בראשית ממלכת יהויקם בן יאושיהו מלך יהודה היה הדבר הזה אל ירמיה מאת יהוה לאמר׃
1Nang pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2כה אמר יהוה אלי עשה לך מוסרות ומטות ונתתם על צוארך׃
2Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo sa iyong batok,
3ושלחתם אל מלך אדום ואל מלך מואב ואל מלך בני עמון ואל מלך צר ואל מלך צידון ביד מלאכים הבאים ירושלם אל צדקיהו מלך יהודה׃
3At iyong mga ipadala sa hari sa Edom, at sa hari sa Moab, at sa hari ng mga anak ni Ammon, at sa hari sa Tiro, at sa hari sa Sidon, sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo na nagsisiparoon sa Jerusalem kay Sedechias na hari sa Juda,
4וצוית אתם אל אדניהם לאמר כה אמר יהוה צבאות אלהי ישראל כה תאמרו אל אדניכם׃
4At ipagbilin mo sa kanilang mga panginoon, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa inyong mga panginoon.
5אנכי עשיתי את הארץ את האדם ואת הבהמה אשר על פני הארץ בכחי הגדול ובזרועי הנטויה ונתתיה לאשר ישר בעיני׃
5Aking ginawa ang lupa, ang tao at ang hayop na nasa ibabaw ng lupa, sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng aking unat na bisig; at aking ibinigay doon sa minamarapat ko.
6ועתה אנכי נתתי את כל הארצות האלה ביד נבוכדנאצר מלך בבל עבדי וגם את חית השדה נתתי לו לעבדו׃
6At ngayon ay ibinigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod at ang mga hayop sa parang ay ibinigay ko rin naman sa kaniya upang mangaglingkod sa kaniya.
7ועבדו אתו כל הגוים ואת בנו ואת בן בנו עד בא עת ארצו גם הוא ועבדו בו גוים רבים ומלכים גדלים׃
7At lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya, at sa kaniyang anak at sa anak ng kaniyang anak, hanggang dumating ang panahon ng kaniyang sariling lupain: at kung magkagayo'y maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran siya.
8והיה הגוי והממלכה אשר לא יעבדו אתו את נבוכדנאצר מלך בבל ואת אשר לא יתן את צוארו בעל מלך בבל בחרב וברעב ובדבר אפקד על הגוי ההוא נאם יהוה עד תמי אתם בידו׃
8At mangyayari, na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at yaong hindi yuyukod ng kanilang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, ay parurusahan ko ng tabak, at ng kagutom, at ng salot, hanggang sa aking malipol sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
9ואתם אל תשמעו אל נביאיכם ואל קסמיכם ואל חלמתיכם ואל ענניכם ואל כשפיכם אשר הם אמרים אליכם לאמר לא תעבדו את מלך בבל׃
9Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:
10כי שקר הם נבאים לכם למען הרחיק אתכם מעל אדמתכם והדחתי אתכם ואבדתם׃
10Sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo, upang ilayo kayo sa inyong lupain; at aking palalayasin kayo at kayo'y mangalilipol.
11והגוי אשר יביא את צוארו בעל מלך בבל ועבדו והנחתיו על אדמתו נאם יהוה ועבדה וישב בה׃
11Nguni't ang bansa na iyukod ang kaniyang ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at maglilingkod sa kaniya, ang bansang yaon ay aking ilalabi sa kaniyang sariling lupain, sabi ng Panginoon; at kanilang bubukirin, at tatahanan.
12ואל צדקיה מלך יהודה דברתי ככל הדברים האלה לאמר הביאו את צואריכם בעל מלך בבל ועבדו אתו ועמו וחיו׃
12At ako'y nagsalita kay Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:
13למה תמותו אתה ועמך בחרב ברעב ובדבר כאשר דבר יהוה אל הגוי אשר לא יעבד את מלך בבל׃
13Bakit kayo'y mangamamatay, ikaw, at ang iyong bayan, sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, gaya ng sinalita ng Panginoon tungkol sa bansa na hindi maglilingkod sa hari sa Babilonia?
14ואל תשמעו אל דברי הנבאים האמרים אליכם לאמר לא תעבדו את מלך בבל כי שקר הם נבאים לכם׃
14At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan sa inyo.
15כי לא שלחתים נאם יהוה והם נבאים בשמי לשקר למען הדיחי אתכם ואבדתם אתם והנבאים הנבאים לכם׃
15Sapagka't hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon; kundi sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa aking pangalan; upang aking mapalayas kayo, at kayo'y mangalipol, kayo, at ang mga propeta na nanganghuhula sa inyo.
16ואל הכהנים ואל כל העם הזה דברתי לאמר כה אמר יהוה אל תשמעו אל דברי נביאיכם הנבאים לכם לאמר הנה כלי בית יהוה מושבים מבבלה עתה מהרה כי שקר המה נבאים לכם׃
16Ako naman ay nagsalita rin sa mga saserdote at sa lahat ng bayang ito, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon: Huwag kayong mangakinig ng mga salita ng inyong mga propeta, na nanganghuhula sa inyo, na nangagsasabi, Narito, ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon ay madaling madadala uli na mula sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kasinungalingan sa inyo.
17אל תשמעו אליהם עבדו את מלך בבל וחיו למה תהיה העיר הזאת חרבה׃
17Huwag ninyong dinggin sila, mangaglingkod kayo sa hari sa Babilonia, at kayo'y mangabuhay: bakit nga ang bayang ito ay magiging sira?
18ואם נבאים הם ואם יש דבר יהוה אתם יפגעו נא ביהוה צבאות לבלתי באו הכלים הנותרים בבית יהוה ובית מלך יהודה ובירושלם בבלה׃
18Nguni't kung sila'y mga propeta, at ang mga salita ng Panginoon ay sumasakanila, mamagitan sila ngayon sa Panginoon ng mga hukbo, upang ang mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem, ay huwag mangaparoon sa Babilonia.
19כי כה אמר יהוה צבאות אל העמדים ועל הים ועל המכנות ועל יתר הכלים הנותרים בעיר הזאת׃
19Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga haligi, at tungkol sa dagatdagatan, at tungkol sa mga tungtungan, at tungkol sa nalabi sa mga sisidlan na nangaiwan sa bayang ito,
20אשר לא לקחם נבוכדנאצר מלך בבל בגלותו את יכוניה בן יהויקים מלך יהודה מירושלם בבלה ואת כל חרי יהודה וירושלם׃
20Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem;
21כי כה אמר יהוה צבאות אלהי ישראל על הכלים הנותרים בית יהוה ובית מלך יהודה וירושלם׃
21Oo, ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga sisidlan na naiwan sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari sa Juda, at ng Jerusalem:
22בבלה יובאו ושמה יהיו עד יום פקדי אתם נאם יהוה והעליתים והשיבתים אל המקום הזה׃
22Mangadadala sa Babilonia, at mangapaparoon, hanggang sa araw na dalawin ko sila, sabi ng Panginoon; kung magkagayo'y isasampa ko sila, at isasauli ko sa dakong ito.