1זכר יהוה מה היה לנו הביט וראה את חרפתנו׃
1Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
2נחלתנו נהפכה לזרים בתינו לנכרים׃
2Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
3יתומים היינו אין אב אמתינו כאלמנות׃
3Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.
4מימינו בכסף שתינו עצינו במחיר יבאו׃
4Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
5על צוארנו נרדפנו יגענו לא הונח לנו׃
5Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
6מצרים נתנו יד אשור לשבע לחם׃
6Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
7אבתינו חטאו אינם אנחנו עונתיהם סבלנו׃
7Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
8עבדים משלו בנו פרק אין מידם׃
8Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
9בנפשנו נביא לחמנו מפני חרב המדבר׃
9Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.
10עורנו כתנור נכמרו מפני זלעפות רעב׃
10Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.
11נשים בציון ענו בתלת בערי יהודה׃
11Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12שרים בידם נתלו פני זקנים לא נהדרו׃
12Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.
13בחורים טחון נשאו ונערים בעץ כשלו׃
13Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14זקנים משער שבתו בחורים מנגינתם׃
14Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15שבת משוש לבנו נהפך לאבל מחלנו׃
15Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16נפלה עטרת ראשנו אוי נא לנו כי חטאנו׃
16Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
17על זה היה דוה לבנו על אלה חשכו עינינו׃
17Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18על הר ציון ששמם שועלים הלכו בו׃
18Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.
19אתה יהוה לעולם תשב כסאך לדר ודור׃
19Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
20למה לנצח תשכחנו תעזבנו לארך ימים׃
20Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21השיבנו יהוה אליך ונשוב חדש ימינו כקדם׃
21Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22כי אם מאס מאסתנו קצפת עלינו עד מאד׃
22Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.