1בני תורתי אל תשכח ומצותי יצר לבך׃
1Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
2כי ארך ימים ושנות חיים ושלום יוסיפו לך׃
2Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
3חסד ואמת אל יעזבך קשרם על גרגרותיך כתבם על לוח לבך׃
3Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso:
4ומצא חן ושכל טוב בעיני אלהים ואדם׃
4Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao.
5בטח אל יהוה בכל לבך ואל בינתך אל תשען׃
5Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
6בכל דרכיך דעהו והוא יישר ארחתיך׃
6Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
7אל תהי חכם בעיניך ירא את יהוה וסור מרע׃
7Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:
8רפאות תהי לשרך ושקוי לעצמותיך׃
8Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto.
9כבד את יהוה מהונך ומראשית כל תבואתך׃
9Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani:
10וימלאו אסמיך שבע ותירוש יקביך יפרצו׃
10Sa gayo'y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana, at ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.
11מוסר יהוה בני אל תמאס ואל תקץ בתוכחתו׃
11Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway:
12כי את אשר יאהב יהוה יוכיח וכאב את בן ירצה׃
12Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
13אשרי אדם מצא חכמה ואדם יפיק תבונה׃
13Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.
14כי טוב סחרה מסחר כסף ומחרוץ תבואתה׃
14Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.
15יקרה היא מפניים וכל חפציך לא ישוו בה׃
15Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,
16ארך ימים בימינה בשמאולה עשר וכבוד׃
16Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan.
17דרכיה דרכי נעם וכל נתיבותיה שלום׃
17Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan.
18עץ חיים היא למחזיקים בה ותמכיה מאשר׃
18Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya.
19יהוה בחכמה יסד ארץ כונן שמים בתבונה׃
19Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.
20בדעתו תהומות נבקעו ושחקים ירעפו טל׃
20Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog.
21בני אל ילזו מעיניך נצר תשיה ומזמה׃
21Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata; ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;
22ויהיו חיים לנפשך וחן לגרגרתיך׃
22Sa gayo'y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa, at biyaya sa iyong leeg.
23אז תלך לבטח דרכך ורגלך לא תגוף׃
23Kung magkagayo'y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay, at ang iyong paa ay hindi matitisod.
24אם תשכב לא תפחד ושכבת וערבה שנתך׃
24Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot: Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25אל תירא מפחד פתאם ומשאת רשעים כי תבא׃
25Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:
26כי יהוה יהיה בכסלך ושמר רגלך מלכד׃
26Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.
27אל תמנע טוב מבעליו בהיות לאל ידיך לעשות׃
27Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan, pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito'y gawin.
28אל תאמר לרעיך לך ושוב ומחר אתן ויש אתך׃
28Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon.
29אל תחרש על רעך רעה והוא יושב לבטח אתך׃
29Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa, na palibhasa't tumatahang tiwasay sa siping mo.
30אל תרוב עם אדם חנם אם לא גמלך רעה׃
30Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan, kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.
31אל תקנא באיש חמס ואל תבחר בכל דרכיו׃
31Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
32כי תועבת יהוה נלוז ואת ישרים סודו׃
32Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.
33מארת יהוה בבית רשע ונוה צדיקים יברך׃
33Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama; nguni't pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.
34אם ללצים הוא יליץ ולעניים יתן חן׃
34Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi, nguni't binibigyan niya ng biyaya ang mababa.
35כבוד חכמים ינחלו וכסילים מרים קלון׃
35Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian; nguni't kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.